Jairus:
Isa akong gangster. Isang gangster na gago sa paningin ng marami, isang gangster na walang alam sa buhay kung hindi ang makipag-basag ulo. Nagbago lahat ng iyon, noong nakilala ko ang pinakatanga at sigang babae sa tanang buhay ko.
"Bakit mo kami hinamon sa Anarchy Fight? Para mapahiya sa loob ng Mnemonicson? Ha?!"
Tinadyakan ako sa tagiliran ng leader ng gang na nakalaban namin noong isang araw. Natalo sila sa laban kaya inabangan nila ako sa kanto ngayong hating gabi. Mga duwag.
Hindi ako lumaban sa mga gago. Wala akong pakialam kung bugbugin nila ako hanggang magsawa sila. Kung dito sila magiging masaya, baka mapatay pa nila ako ng hindi lumalaban. Pero wala akong pakialam. Alam kong gago rin ako at nararapat lang sa akin ang lahat nang nangyayari ngayon.
Nagulat ako nang may babaeng nakialam sa laban. Anong oras na? Bilog na ang buwan kaya wala nang mga tao sa paligid. Pero ang isang 'to, gumagala mag-isa sa dilim. Ang tanga naman niya. Ang mas kinagulat ko ay dahil magaling siya makipaglaban. Gangster din ba siya? Napabagsak agad niya ang mga lalaking nasa harapan ko. Madali lang naman kasi silang kalaban dahil napakahina nila. Subalit hindi naman sila mapapatumba ng isang babae. It's hard to believe but she was able to hit their ass. Hindi siya normal na babae.
Ang sunod na nangyari, nakita ko na lang kaming dalawa na tumatakbo ng magkahawak ang kamay. Nagtago man kami, mabilis din kaming naabutan ng mga humahabol sa amin. Magsasalita pa sana ang tangang babaeng kasama ko, kaso inunahan ko na sya. Ewan ko rin kung anong pumasok sa kukote ko eh. I kissed her to shut her big stupid mouth. Ilang beses ko minura ang sarili ko dahil sa katangahang ginawa ko. May hinalikan akong babae na hindi ko man lang kilala! At tangina, first kiss ko yun. Bakla man pakinggan pero nangako ako sa sarili ko na ang babaeng mamahalin ko lang ang hahalikan ko. Tangina talaga.
Ayaw ko na madagdagan pa ang pasanin ko kaya gumawa ako ng paraan para mawalan sya ng malay. Hassle. Dinala ko pa nga sya sa ospital eh. Hindi ko alam kung bakit ko tinulungan itong babaeng ito. Pwede namang iwan ko siya mag-isa na nakahandusay sa kalsada, pero hindi naman ako ganun ka-walanghiya.
Tinitigan ko ang mukha ng babae. Kahit walang malay, palaban pa rin ang itsura niya. May hiwa siya sa leeg ngunit nalapatan na ito ng lunas. Para sa isang babae, napakalakas ng loob niya.
Bago pa makarating ang kung sinong Alyanna na tumatawag sa cellphone nya, umalis na ako agad.
Simula noon, hindi ko matanggal sa isipan ko ang natutulog niyang mukha. Lagi ko syang naiisip sa 'di malamang dahilan. Nababaliw na yata ako.
"Pare, narinig mo ba yung tungkol sa new student?" tanong ni Vince. "Langya, ang chix nung babae!" wika nito sabay sipol.
"Puro kalokohan na naman inaatupag mo," sambit ko.
"Lakas nga ng loob eh, umupo ba naman sa teritoryo natin?" ani Ethan.
"Anong ginawa nyo?" tanong ko.
"Wala, binanatan agad ng sabunot ni Denise eh," ani Grayson.
"Tss, ano pangalan?"
Hindi ko akalain na sa pangalawang pagkakataon, makikita ko ulit sya. Ang babaeng walang kinatatakutan.
"Ahhh si Ate Gab! Suki ko 'yun sa Honeybee's eh."
"Yun ba yung crush mo?" tanong ko.
"D-di ah!"
"Huh Gab? Kapangalan yun ng bestfriend ni Yanna ah," wika ni Ethan.
"Ulol! Siya talaga yun. Lagi silang magkasama eh," bulyaw ni Vince.
BINABASA MO ANG
Kiss or Kill
ActionMiala Gabrielle Davis hated one thing: gangsters. She despised people who threw knives everywhere and beat the hell out of others. She had the right to hate them, though. But she had to keep that as a secret. She wasn't a gangster but people would m...