Kabanata 04

17.3K 402 14
                                    

Chapter 4: That Redhead Guy

"ANO?!" hindi makapaniwalang saad ni Yanna habang pakurap kurap ang kanyang mata ng mabilis. Bakas sa ekspresyon niya ang pagkagulat at pagkamangha. Napatakip ako ng aking magkabilang tenga ng hindi oras dahil sa pagsigaw niya. "Teka nga, ulitin mo nga ulit," huminga siya ng malalim at pinaypayan ang sarili gamit ang dalawa niyang kamay. Umakto siyang parang namatayang pinapakalma ang sarili.

"Alyanna Perez," kalmado ngunit may diin na pagkakatawag ko sa pangalan niya. Binigyan ko siya ng matalim na titig at parang nagbabanta. Ang ayoko sa lahat, yung paulit ulit at alam ko namang naintindihan niya ang sinabi ko.

"Ehh, sige na please. Ano ulit nangyari?"

Napabuntong hininga na lang ako at wala nang ibang nagawa kung hindi ulitin ang sinabi ko. Recess na sa mga oras na ito at kaming dalawa lang ng magaling kong kaibigan ang natira dito sa room dahil kinukwento ko sa kanya lahat ng nangyari sa unang araw ng pagpasok ko dito sa Mnemonicson Academy. I told her every single detail without leaving a loophole-magmula sa pagtapak ko sa gate ng eskwelahan, pag ngiti sa akin ng isang creeper na lalaki, pagbubulungan at panghuhusga sa akin ng mga estudyante, hanggang sa pagtilapon ng pinggan ko sa ere at pagbagsak ng pinakamamahal kong mac and cheese sa sahig.

"Hindi ko talaga alam kung bakit bigla na lang may apat na lalaking napunta sa harapan ko at tinanong kung ayos lang ako," dagdag ko. "May bigla na lang sumigaw ng Anarchy 5 tapos biglang nagliparan yung pagkain ko."

Binatukan ako ni Yanna, "Boplaks ka pala eh! Wag mo sabihing sa pinakaharap ng cafeteria ka umupo?"

"Eh ano naman kung doon ako umupo?" tanong ko. Matagal na akong curious kung ano bang meron sa pwestong yun.

"Tange ka talaga, teritoryo yun ng Anarchy 5! Naku ka, ikaw ang pupuntiryahin ng mga fangirls kuno ng mga 'yun. Gulo talaga lagi ang hakot ng presensya mo eh noh?" pailing iling na pagkakasabi niya.

"Wait, you've kept on mentioning that Anarchy 5 thing. Who are they anyway? Are they the ones written in novels like... some kind of heartthrobs or badass prince charmings?"

"They're gangsters, Gab. But mind you, they're not your ordinary gangsters. They're the strongest gang in the underground society! Kung gusto mo ng peaceful na school year, wag na wag mo silang babanggain. They're not too bad after all. Kailangan mo lang alalahanin ay yung mga alipores nila na trying hard maging gangster. Maraming mga kulang sa pansin at mga papansin sa school na ito. Sigurado akong guguluhin ka ng mga warfreak na yun. Who knows? You might just be their next target," she shrugged her shoulders.

"I wouldn't be."

"Why is that?" kunot noo niya akong tinignan.

I grinned before answering. "Ethan's part of that gangster group isn't he? I bet your boyfriend won't allow his girlfriend's bestfriend to be harmed."

"Gab!"

Umiling ako at ngumisi. "Yeah, sorry."

Alyanna hated mentioning that her boyfriend is a gangster. Not that she hates Ethan being a gangster nor she's ashamed of it- but mainly because she despises gangsters as much as I do. After all, parehas kaming galing sa pamilya ng gangsters. Ang pagkakatulad namin sa isa't isa ay pareho kaming ayaw maging gangster. And well, up to now, we're still not. Fortunately.

Napaisip ako sa mga sinabi ni Yanna. Mukhang hindi magiging madali ang buhay ko dito. Ilang minuto ang lumipas at nagsibalikan na ang mga estudyante sa room. Unti unti nang dumami ang tao kaya tumigil na kami ni Yanna sa pag-uusap. Nagbell na at ito ang hudyat na magsisimula na ang klase. Dumating na ang aming susunod na guro at nagcheck na ng attendance.

Kiss or KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon