Kabanata 32

10.8K 252 14
                                    

Chapter 32: Death Game

Who would have thought that Herrera would die without my revenge yet? Namatay na siya agad nang hindi pinagbabayaran ang kasalanan niya. Masyadong mabilis ang pangyayari at hindi ko ito tanggap. Gusto kong maghirap muna siya bago sya masunog sa impyerno. Hindi ko pa man nasisimulan ang plano ko ay may nanguna na sa akin. I didn't plan to kill him.. yet.

Namatay ang ilaw at nagsigawan lahat ng mga estudyanteng nasa loob. Nag-echo ang mga hiyawan ng bawat isa sa buong silid. Karamihan ay hindi alam ang nararapat nilang gawin. Kahit ako rin ay walang ideya sa gagawin ko, nanatili akong kalmado. Humigpit ang hawak ni Jairus sa kamay ko at paulit ulit na bumulong sa akin na huwag akong bibitaw.

Sa kabilang kamay ko naman, napakunot ako nang may sumusubok humila sa akin. "Hey, someone's trying to pull me away," mahinang pagkakasabi ko kay Jairus.

"Don't worry. I protect my territory, remember?"

Biglaan niyang hinila ang pulso ko upang mawala ang pagkakahawak sa akin ng sumusubok humila sa kamay ko. Nawalan ako ng balanse ngunit nasalo ako ni Jairus. Ang posisyon namin ngayon ay magkayakap. Ang init ng katawan niya at nararamdaman ko ang mabilis na tibok ng puso niya sa sobrang dikit ng katawan namin. I can't distinguish whether it's really his heart or maybe it's mine. Nararamdaman ko rin ang pintig ng puso ko. Parang tumigil ang oras dahil sa pagkayakap niya sa akin.

Unti-unting nagbalik ang ilaw sa silid kaya napanatag ang lahat. I took the initiative to pull away from the hug because Jairus wasn't moving. I moved my gaze away from his, but still, nahuli rin niya ang mga mata ko.

"Why is your face redder than tomatoes? May problema ka ba?"

"Hindi kaya."

"Okay. Sabi mo eh," wika niya.

Tinulak ako paupo ni redhead at umupo rin siya sa tabi ko. Still, he didn't let go of my hand. Namamawis na ang palad ko subalit hindi niya ito pinapansin.

Tinitigan ko ang magkahawak naming kamay at mahigpit pa rin ang pagkakahawak niya rito. Iniisip ko nga, posible bang magkagusto rin sya sakin? A girl like me is the type that guys wouldn't fall for. Isang babaeng mas malakas pa sa lalaki at mas mukhang lalaki kumilos.

I shook my head. I don't have time to think of those nonsense things. He threatened to kill me and then he said he'll protect me. Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking 'to. Hindi ko alam kung alin sa mga sinasabi nya ang paniniwalaan ko. He's complicated and mysterious. If I was a puzzle, he'd be the missing piece that would complete me. Damn, this sounds too cheesy. Kailan pa ako tinubuan ng romantic bone sa katawan?

Napagtanto kong nakatingin pa rin ako sa kamay namin na kasalukuyang magkahawak. Natulala pala ako ng ilang segundo nang hindi ko namamalayan. "Anong tinitingin tingin mo dyan?"

Nagpatay malisya na lamang ako. "Huh?" Malikot na umikot ang mata ko marahil hindi ko alam kung saan ako titingin. "Will you let go of my hand?" Iyon ang unang pumasok sa isip ko kaya 'yun na lang ang nasabi ko. Pero sa loob ko, gusto kong hawakan magdamag ang mainit niyang kamay.

"Tss, kunwari ayaw pero gusto mo naman."

"Asa ka, jerk."

Hindi ko na sya pinagtuunan ng pansin at humarap ako sa unahan. Umupo na rin ang ilan sa mga upuan at sinusubukan kumalma. And because they said that the front chairs are cursed, no one dared to sit there.

Nahawi ang kurtina sa stage. Kumpara sa kinauupuan namin, madilim ang unahang bahagi ng auditorium. Lalo na ang stage, walang ilaw na nakatutok doon. Nagflash bigla sa harap ang isang video. Gamit ang projector ay malinaw naming nakikita si Mr. Mnemonicson na nakapormal na damit. Akala ko ay personal siyang mag-aannounce ngunit mukhang sa video nya sasabihin lahat. Sa paligid niya ay makikita ang sinag ng araw na nagrereflect sa salamin na suot niya. May mga ibon din na lumilipad sa paligid niya. Rooftop?

Kiss or KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon