Kabanata 46

10.1K 259 11
                                    

Chapter 46: To Save or To Kill

Kinaumagahan ay kumain muna kami ng breakfast at umalis na rin agad ng resort nina Vince. Hindi na kami nagtagal pa dahil lahat kami ay mukhang lantang gulay. Mahaba haba pa kasi ang byahe kaya kailangan daw umalis ng maaga. This trip never gave me anything fun to start with. Puro gulo lamang ang kaakibat ng presensya ko, kaya gulo lang din ang naranasan ko. I started regretting that I agreed to be on this trip. It's too late to regret though. Nangyari na ang lahat nang nangyari. Troublemaker will always drag along trouble. That's the main reason why we had to wake up early and go through loads of hassle. To avoid trouble and traffic. But hell, as long as they are with me, they're close to death. Most likely, bestfriends with death.

I didn't get enough sleep due to extreme paranoia. Paputol putol ang tulog ko dahil sa kawalanghiyaan kong ginawa kay Jem. Well yeah, it may not be big deal for me but it is for him. May nararamdaman siya para sa akin and I took that for granted. Ginamit ko siya para makaganti kay Jairus. Para sa akin ay isang simpleng halik lamang iyon at wala nang higit pa. It's not like it was my first kiss so I don't really mind. But how about him? Hindi siya isang playboy kagaya ni Vince o isang sobrang mature mag-isip katulad ni Ethan o Grayson. Hindi rin siya kagaya ni Jairus na nasa menopausal stage na at palaging nakakunot ang noo. Minsan bipolar at bigla na lang ngingiti at magloloko.

He's Jeremy-- a playful, happy-go-lucky, bubbly and somehow a childish guy. He may be positive in personality, but I've broken his heart for over countless times. I can't hurt him anymore. Alam kong masama ako, pero kung may dapat akong saktan ay hindi siya kasali sa listahan ko. Importante rin siya para sa akin. At least, I consider him as a friend and I don't want to lose him.

Masyado akong nadala sa damdamin ko kagabi kaya hindi ko naisip ang mararamdaman ni Jem. I'm so selfish. Ngayon ko pa lang narealize na nakasakit na naman ako ng iba para lang sa pride ko. When did I ever start caring about others? Simula lang naman nang tumapak ako sa walang kwentang eskwelehan na Mnemonicson Academy. The very school that taught me the meaning of life and death.

Going back to the present, walang imikan na nangyari sa byahe. Everyone was so freaking tired to speak or lift a finger. Jairus acted as if nothing happened last night ngunit mas malamig pa ang naging trato niya sa akin. I tried approaching Jem, ngunit ilag siya sa akin. Hindi ako awkward sa kanya kahit na may bahid akong pagkakonsensya. But I think he feels awkward and uncomfortable around me kaya hindi ko na muna siya nilapitan.

It took us about an hour and a half bago kami nakarating sa Honeybee's. Kaming dalawa ni Jem ang bumaba dahil gusto na umuwi ng iba dahil sa pagod. Wala na silang oras para huminto sa cafe. Tinulungan ako ni Jem sa pagbaba ng gamit ko ngunit hindi niya ako kinausap. Agad na umalis ang sasakyan at nauna pumasok sa loob ng cafe si Jem. Naiwan akong nakatunganga sa labas. Napabuntong hininga na lang ako. Nasa loob pa kaya si Clint?

Tumalikod ako upang pumasok sa Honeybee's. Nagitla ako nang may humila sa braso ko at kinaladkad ako papunta sa kung saan. Mabilis ang paggalaw niya kaya hindi ako nakaangal. Hindi ko narinig ang kanyang mga yabag kaya ganun na lang ang aking pagkabigla. Tumigil siya nang makalayo kami ng kaunti. Ilang metro lang ang layo namin sa cafe.

"Miala," napalunok ako nang hinarap ako ng lalaking kumaladkad sa akin. Paos ang malalim boses na boses nito na umagaw sa atensyon ko. Noong isang araw ay maayos pa naman ang boses niya. Nakakapagtaka na bigla na lang siyang napaos. Something might've happened.

Shit. I've cussed thousands of times when I saw his face. Putok ang labi niya at may band aid siya sa noo. Ang gwapo niyang mukha ay nagkaroon ng ilang pasa. I'm dead. Nalimutan ko na hindi pa pala kami tapos ng lalaking ito. He tried to kidnap me the other day. Paniguradong may mas malaki siyang pasabog ngayon.

Kiss or KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon