Kabanata 27

12K 263 6
                                    

Chapter 27: UGO Records

Tinignan ko ang card na may nakasulat na Nurse Faye. Nagpabalik balik ang tingin ko sa card at sa isang maliit na gusali sa harapan ko. Isa itong pet clinic at sarado na ang ilaw nito. Ang mga katabi nitong mga gusali ay puro patay na rin ang ilaw sapagkat gabi na. Napapikit ako ng mariin nang maramdaman ang kirot sa bandang balikat ko. Mahigpit ko itong hinawakan sapagkat walang tigil ang dugo sa pag-agos mula rito. Namamanhid na ang buong kaliwang braso ko dahil sa sakit. Damn it! Kasalanan ito ni redhead. Binaril niya ako at hindi ko ito nagawang iwasan dahil hindi ko rin ito inaasahan. Napakatanga ko.

Gamit ang kanang kamay ko ay kinatok ko ang pintuan ng pet clinic. Ilang beses ko ito kinatok ngunit walang sumasagot. Mukhang wala rito si Nurse Faye. Nawawalan na ako ng pag-asa kaya sinipa ko ng malakas ang pintuan. Nanghihina na ako at namumuo ang pawis ko.

"Sino 'yan?" bumukas ang pintuan at bumungad sa akin si Nurse Faye na kalahating nakapikit at nagising yata mula sa pagkakatulog. Napaatras siya nang makita ako. Tinanggal ko ang maskara ko sa mukha at tinignan niya ako ng mabuti bago nagsalita.

"Miala, hija? Gabi na ah, anong ginagaw--jusko! Anong nangyari sayong bata ka?!" nanlambot ang mga tuhod ko at bumagsak ako sa kanya. Pagkatapos noon ay 'di ko na alam ang nangyari sapagkat nawalan ako ng malay.

***

Madaling araw na nang nagising ako. Namulat akong nakahiga sa isang maliit na kama at may nakapatong na kumot sa katawan ko. May nakakabit sa kamay ko na maliit na tube at may pulang likido na dumadaloy dito. I guess she's transferring blood to me dahil maraming dugo ang nawala sa akin. Napansin ko rin na iba na ang suot ko. Malaking t-shirt na kulay dilaw at may print na spongebob ang kasalukuyan kong suot na siguro ay damit ito ni Nurse Faye. Nahagip naman ng mata ko ang itim na pang itaas na suot ko kanina na nakasabit sa isang upuan. Nakita na niya ang tattoo ko. Hindi naman niya ako makikilala dahil hindi naman siya taga-underground. But still, can I trust her?

Bumangon ako at umupo sa kama. Pinahid ko ang namumuong pawis sa noo ko gamit ang kamay ko. Napakunot ang noo ko at napakagat labi nang maramdaman muli ang sakit mula sa bandang balikat ko. Kinapa ko ito at nakapa ko na may bandage na nakalagay. Sinubukan kong iikot ang braso ko ngunit muntik na ako mapasigaw sa sakit. Luminga linga ako sa paligid at nakita ko sa katabing lamesa ay isang ashtray na nilalaman ang balang mayroong dugo. Letseng pulang buhok, magbabayad siya sa ginawa nya.

I suddenly heard my phone ringing. Nasa loob ito ng bag ko at patuloy sa pagtunog. May kalayuan ito sa akin dahil nakasabit sa likod ng pinto ang bag ko. Mabagal at maingat akong tumayo pagkatapos ay lumapit sa pinto. Kinuha ko ang bag ko at naglakad pabalik sa kama. Nakaramdam ako ng hilo kaya bago pa man ako makarating sa kama ay 'di ko sinadyang masagi ang isang vase kaya nahulog ito sa sahig at napaupo rin ako. Umiikot ang paningin ko at naramdaman kong pinagpapawisan ulit ako.

"Anong nangyari?!"

Bumukas ang pinto at natatarantang lumapit sa akin si Nurse Faye. Tinulungan niya akong tumayo at inalalayan pabalik sa kama.

"Ano ka ba naman, hija? 'Wag ka munang galaw ng galaw dahil baka bumukas ang tahi mo. Mabuti na lang at naagapan kahit na marami ang dugo ang nawala sa iyo!" puna niya. "Sa susunod ay sa ospital ka na pumunta. Nagkataong marunong din ako manggamot ng tama ng baril. Sinabi ko naman sa'yong mag-ingat ka," dagdag niya. Tahimik akong nakikinig habang patuloy siya sa pagsasalita at pag-aayos ng mga nakakabit sa aking mga tube. "Ito yung bala na bumaon sa balikat mo," inabot niya ang balang nasa ashtray kanina. Ngayon ay malinis na ito dahil hinugasan yata niya. Tinanggap ko iyon at nilagay sa bag ko.

"Won't you ask anything?" tanong ko sa kanya. Nababalot ako ng kuryosidad sapagkat hindi siya nagtatanong ng kahit ano tungkol sa nangyari. Walang pagdududa sa mga mata nito at tila wala rin siyang balak alamin ang nangyari.

Kiss or KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon