Kabanata 05

16.8K 402 15
                                    

Chapter 5: He's a gangster? That's nice!

"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo," malamig na pagkakasabi nito nang hindi man lang ako tinitignan. Hindi niya ako pinansin at diretso s'yang naglakad.

How can that guy be so good looking? I didn't recognize him at first glance. Ang tanging palatandaan ko lang sa kanya ay ang pula niyang buhok at ang kumikislap niyang mga mata. But hell, I didn't expect him to be this handsome. The problem is just that I think he doesn't recognize me either.

"Why is that redhead so arrogant?" bulong ko.

Kaya ko namang tumayo mag-isa dahil nagalusan lang naman ako. Hindi ko kailangan ng tulong nya dahil ako ang may kasalanan. Tatayo na sana ako kaso nakita kong bumalik siya sa harapan ko. Hindi ko alam kung narinig niya ba ako o napagtripan niya lang na tulungan ako.

"Aish. Bilis," naiinip na sambit niya at inilahad nya ang kamay nya sa harap ko. Iniwas pa nya ang tingin niya sa akin at napansin ko ang pamumula ng dalawa niyang tainga. Aabutin ko na ang kamay niya pero maya maya ay nagkasalubong ang dalawa niyang kilay. He was not expecting me to take his hand based from his expression.

"Anong ginagawa mo?" tanong nya at iniwas ang kamay nya mula sa kamay ko.

"I'm taking your hand?" sarkastiko kong sagot sa kanya.

He let out a heavy sigh and chuckled. "Stupid," he muttered under his breath. Umiling-iling siya habang nakangisi which I find very offensive. Kung hindi niya lang niligtas ang buhay ko, baka kanina pa siyang nakalibing sa ilalim ng lupa.

"Yung bracelet ko," maikling sagot nya.

I was embarassed to look at his face when I realized what he was trying to say. Wala siyang balak tulungan ako dahil gusto niya lang pala kunin ang bracelet niya. Gusto kong lamunin ako ng lupa dahil sa kahihiyan. To hide my embarassment, kinuha ko ang bracelet niya at binato sa kanya. Nadagdagan ang inis ko dahil nasalo pa niya ito. Ugh! Tumawa sya ng mahina ngunit nakakapang-asar at nilagpasan ako ulit.

Tumayo ako agad at pinagpagan ang damit ko. I completely forgot about the guy who was chasing after me. Malapit na magsimula ang laban kaya paniguradong nasa gitna na siya ng battle grounds. Hinanap ko si Yanna at agad ko naman siyang nakita. Tumabi ako sa inuupuan niya kaya napalingon siya sa akin.

"Saan ka galing?" pambungad na tanong niya.

"Just there," walang kwenta kong sagot. Naintindihan naman nya agad na wala ako sa mood kaya hindi na sya nagdagdag ng tanong.

"Lance!!" sasalubungin sana ni Denise ng yakap si redhead pero nilagpasan niya lang ito. Siya na nga siguro ang sinasabi ni Yanna na nasa warfreak category. Isa si Denise sa mga alipores ng Anarchy 5 pero bakit niya sinasalubong si redhead?

"Ha! Buti nga. Ang kati talaga ng lahi nyang si Denise," bulong sa akin ni Yanna. "Ang gwapo nung may pulang buhok noh? Si Jairus. Makalaglag panty yung itsura niya kahit seryoso. Kung wala akong boyfriend baka siya na yung pinagpantasyahan ko," dagdag nya pa habang kumikinang ang mata.

"Eh kung isumbong kaya kita sa boyfriend mong gangster?" pagbabanta ko.

"Joke lang! Kahit gwapo yan, mas gwapo pa rin si Ethan ko," nagpeace sign siya sa akin at humagikgik ng mag-isa.

Nasa gitna na ng covered court ang magkalaban sa anarchy fight. Parehas silang grupo na binubuo ng gangsters. Ang PViper ay binubuo ng isang dosenang miyembro, samantalang ang Anarchy 5 ay may limang miyembro- sina Ethan na boyfriend ni Yanna, Vince na casanova, Jeremy na ngiti ng ngiti, yung lalaking may maamong mukha na Grayson yata ang pangalan, at ang leader na may pulang buhok na tinawag ni Denise bilang 'Lance' at 'Jairus' naman sabi ni Yanna. Ang dami n'yang pangalan, huh?

Kiss or KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon