Chapter 30: Change of Heart
Hinawakan ako ng tauhan niya sa paa upang hindi magtuloy tuloy pataas ng kisame. Napasinghap ako sa ginawa niya. Kinabahan talaga ako to the point na lalabas na ang puso ko sa dibdib ko. Muntik na dumiretso pababa si Yanna ngunit huminto ito sa pagbaba.
"Narito na ang pakay ko sa bulsa ko."
Kinapaan ako ng mga tauhan niya. Mabagal nila itong ginawa. Ang sabi ko ay nasa bulsa ko ito ngunit nagsimula sila sa talampakan ko pataas. Mga tangang bastos. Kinuha ko ito bilang pagkakataon. Sinipa ko sa mukha ang unang lumapit sa akin at natumba siya sa sahig. Ang pangalawa naman ay pinalibot ko sa leeg niya ang dalawa kong hita. Inuntog ko ang ulo ko sa ulo niya dahilan ng pagkahilo niya. Hindi ko siya binitawan at hinila ko pa siya pababa hanggang makatapak ako sa lupa. Nagtapat sila ng mga patalim sa akin. Hindi ako natinag sa pinakita nilang aksyon. I'm not afraid of being stabbed by either of those knives. I've experienced worse. Nabaril na ako at namatayan ng magulang. Wala na akong dapat katakutan. Ako ang heiress ng A-D. Mas malakas ako sa kanila.
Hinawakan ko sa leeg ang lalaki ng mahigpit. Sinakal ko siya at nagbanta ako sa mga magaling na tauhan ng matandang hukluban. "Go nearer and I'll slit his throat!" umatras ang mga tanga dahil sa sinabi ko.
"Cut the rope," ani ko gamit ang may otoridad na boses. Inutusan ko ang lalaking hawak ko na putulin ng mabagal ang pagkakatali ng dalawa kong kamay. Inilabas niya ang kutsilyo niya at sinunod ako. Nanginginig niyang hinawakan ang tali ko sa kamay. Sinimulan niya itong putulin gamit ang kutsilyo. Nagpabalik balik ang tingin ko sa kanya at sa mga minion ng huklubang Mnemonicson.
Kinuha ko ang itim kong maskara mula sa bulsa ko at sinuot ito. Mabilis ko ginawa ang aksyon kaya hindi na-apektuhan ang pinapagawa ko sa lalaking sunud sunuran. Darating ang A5 at hindi nila dapat malaman ang pagkatao ko. Masyado ng marami ang nakakaalam ng impormasyong hindi dapat nalalaman ng kung sino lang.
The minions quickly advanced towards my direction and pointed their weapons at me. Idiots, sa tingin nila ay matatakot ako sa ganyang estilo? Umatras ako at pinalibot ang tali sa leeg ng lalaking bihag ko.
"Don't you dare to remove that rope from your neck or I'll bury you alive," bulong ko sa kanya at tinulak siya sa pader.
"Huwag ninyo siyang papatayin. Kailangan mahuli natin siyang buhay," utos ni Mnemonicson.
Just like that, sinugod ako ng mga alagad niya. Pinunit ko hanggang bewang ang t-shirt na suot ko upang ilantad ang tattoo ko. I used the torn cloth as my weapon. Pinaikot ko sa tela ang kutsilyo ng sumubok na saksakin ako. Because they're quite many, sunod sunod din ang atakeng binitawan ko. Tinadyakan ko ang mga lalaki sa kaliwa't kanan. Umikot ako at binigyan ng flying kick ang isa, inagaw ko ang kutsilyo niya at ibinaon ito sa binti ng sumunod na sumugod sa akin. Nang pinagsabay sabayin nila akong atakehin ay tumakbo ako sa pader at nagbackflip. Nasipa ko sa mukha ang malas na lalaki at natumba ito. Lahat ng sumasagabal ay sinuntok ko at tinadyakan. I punched here and there, gave them hard blows in the face and kicked them down there where it hurts the most.
My eyes passed by the entrance of this room when the door slammed open.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Dela Cruz?"
The next thing I knew, redhead was pointing a knife at Mnemonicson's neck. Ang apat na sila Vince, Jeremy, Grayson at Ethan ay tinulungan ako sa pakikipaglaban. I have no idea why they are fighting against their own co-member of UGO. Moreover, not ordinary member. Isa siya sa may pinakamataas na posisyon sa underground.
Mangha ang apat nang mapansin ako. Bakas sa mata nila na hindi sila makapaniwalang nakaharap nila ako. Nakita nila ang tattoo sa may kanang bahagi ng tiyan ko. I have my mask on already kaya hindi na nila malalaman kung sino ako. I guess I have to run once I rescue Yanna dahil paniguradong pati ang A5 ay gugustuhing patayin ako. Siguro.
Nagpatuloy kami sa paglalaban. Nanlaki ang mata ko nang tinanggal ng lalaki mula sa leeg niya ang tali na nilagay ko doon. Gusto nya talaga mamatay! Nahawakan agad ni Ethan ang tali kaya hindi nahulog si Yanna. Hawak niya ito habang nakikipaglaban kaya napanatag ang loob ko.
Samantalang ako naman ay umakyat sa ikalawang palapag. Hinintay ko ang isang tanga na lumapit kay Yanna. Biglang pinutol niya ang tali mula sa pagkakahawak ni Ethan. Nanlaki ang mata ni Ethan. Tumingin sa akin si Yanna ng nanlalaking mata.
I was alert enough with the situation. Mula sa ikalawang palapag ay tumalon ako at itinulak sa gilid si Yanna. Parehas kaming natumba sa sahig. Dali dali kong tinanggal ang tali sa mga kamay niya. Naalerto ang lahat sa nangyari. Lahat ng mata ay nasa amin. Hinila ko ang kamay ni Yanna at tumakbo kami palabas ng gusaling iyon. They were like colonies of ants dahil sinundan nila kaming dalawa.
Laking gulat ko na malaking gubat ang sumalubong sa amin pagkalabas ng gusali. Tumakbo kaming dalawa kahit hindi namin alam kung saan kami papunta. We just want to get out of here. Kahit saan na kami dalhin ng mga paa namin, makawala lang kaming dalawa sa isang bangungot na ito. Isang bangungot na gustong gusto namin takasan. Nadapa si Yanna kaya lalo ako nataranta.
"Hey, Yanna! Are you okay?" I knew that was a lame question. Of course, she's not okay. Inalalayan ko siya pagtayo ngunit nadapa ulit siya. It looks like she can't even stand. Why does luck always leave our side?
Napatingala ako nang makita ko si Carlos at Louise sa harapan ko. May takip ang mukha ni Louise katulad ko ngunit kilala ko pa rin siya dahil sa mga mata niya. Si Carlos naman ay maayos na ang suot niya kumpara noong huli ko siyang nakita. They were together in this forest. It never went in my mind that they knew each other. But of course, they did. They belong to the underground after all.
"Nemesis, save yourself," kinindatan ako ni Carlos.
Tumango sa akin si Louise at nagsalita. "Kilala kita. Wag ka mag-alala, tutulungan ka namin. Sorry ate, hindi ko agad sinabi sayo ang lahat. Kakampi mo kami," ani Louise.
Narinig ko ang yabag ng mga paa ng tauhan ni Mnemonicson. I have no more time to think. This situation leaves me without any choices left. Kahit na hindi ko sila parehas pinagkakatiwalaan at hindi ko alam kung bakit nila ako tinutulungan, I have to trust them now. I have no choice but to trust them just this once, kahit ngayon lang. Tumango ako sa kanila pabalik at kinarga sa likod ko si Yanna. I endured the pain from the back of my shoulders. Namamanhid na naman ito sa sobrang sakit. Hindi ko ito pinansin at patuloy akong tumakbo.
Mula sa harap ko ay napatingala ako nang naramdaman kong may nagtapat ng kutsilyo sa leeg ko. Napakunot ang noo ko nang makita ang isa na namang pamilyar na mukha. We're meeting way too often than I expected, redhead.
Ibinaba ko sa lupa si Yanna na ngayon ay wala ng malay. Pumwesto ako sa harap niya at inikot ang leeg ko sabay paputok ng mga daliri ko. Pagkatapos niya akong barilin ay narito na naman siya sa harapan ko. I think this person doesn't plan to stop bothering me unless he kills me. Kumirot ang puso ko habang iniisip ang bagay na iyon. I should've known sooner na gusto nya talaga ako patayin. I should've stopped what I felt. This shitty feeling that started with that gangster's kiss. This annoying feeling that I have for this jerk, the thing that I hate to recognize even till death.
"What do you want from me?"
"I want to kill you badly."
I thought he was different. Now he proves me wrong. He's just like all those old farts who wanted power in the underground. He wants to kill me for fame and to satisfy his greed.
"Sorry, I'm not supposed to die yet."
Ipinaikot niya ang kutsilyo sa kamay niya. Ilang beses niya akong sinubukan saksakin ngunit lahat ito ay naiwasan ko. Nadaplisan niya ako ng hiwa sa binti ngunit maliit lang ito. Even though it's really small, napakahapdi nito. Nakipagpatintero ako sa kanya habang naglalaban. Dumating sa puntong naagaw ko ang kutsilyo at itinapat ito sa leeg niya.
"Kill me," aniya.
Tinignan ko siya ng masama. Hindi ko siya kayang patayin kahit gustuhin ko man. May sariling utak ang katawan ko.Whatever I say, it doesn't follow anything. Damn feelings, I hate it.
"I don't kill pitiful people like you," wika ko at tinapon palayo ang kutsilyo. "Ikaw na ang bahala dyan sa kaibigan mo," dagdag ko at binigyan ng huling tingin si Yanna as if I've met her for the first time. Tumakbo ako palayo at iniwan sila roon.
***
BINABASA MO ANG
Kiss or Kill
ActionMiala Gabrielle Davis hated one thing: gangsters. She despised people who threw knives everywhere and beat the hell out of others. She had the right to hate them, though. But she had to keep that as a secret. She wasn't a gangster but people would m...