Kabanata 21

11.9K 298 9
                                    

Chapter 21: Ambivalence

"Thank you, Clint," bumaba ako ng sasakyan at nagpaalam. Nginitian niya ako and he mouthed take care. Kumaway siya at pinaharurot ang sasakyan niya.

Binuksan ko ang pintuan at pumasok ng cafe. Kahit na alam ko na delikado na ako rito, wala pa rin namang nakakakilala sa totoo kong pagkatao. I can protect myself now too kaya mahihirapan silang kalabanin ako. Sabi nga ni Clint, ang bilis ko raw natuto at baka malagpasan ko pa ang lakas niya kapag nagkataon. He looked serious though, so somehow I believe in him.

"Miala? Ilang araw na kitang di nakikita ah. May nangyari ba?" nilingon ko si Ate Cj na ngayo'y nakangiti sa akin. Marami siyang galos sa mukha at may bandaid na nakalagay sa may noo niya. Hindi ko siya matitigan ng diretso sa mata. I feel guilty about what happened the other day. It was all my fault.

"Mind your own business," I answered how I usually do.

No one is here and it's empty. Walang bakas ni Jeremy sa paligid dahil lumabas siguro siya. Lumapit ako sa bookshelf at tinignan ito. Hindi talaga ako makapaniwala na may mga ganitong bagay na nag-eexist. Nakakamangha kahit hindi ito ang unang beses na nakakita ako ng ganito. I wonder if there are other hidden hideouts within this room?

Umupo ako sa kama at itinaas ng hanggang bewang ang laylayan ng damit ko. Humarap ako sa salamin upang makita ang tattoo na nakaukit sa kanang bahagi ng tiyan ko. Nakasulat ang katagang Nemesis na may hindi karaniwang disenyo sa taas ng birthmark ko. Kulay pula ang mga letra nito na may outline na kulay itim. Ang bituin na balat ko naman ay nilagyan din ng itim na outline para mas maging visible ito.

"Gab?" binaba ko agad ang laylayan ng damit ko nang tinawag ako ni Yanna.

"Anong ginagawa mo rito, Yanna?" tinignan ko siya at tinignan ko rin ang orasan. Hatinggabi na at mapanganib na sa mga oras na ito. Dapat ay nasa bahay na siya at natutulog. Bakit siya narito?

Hindi nito pinansin ang tanong ko. Seryoso ang mukha niya at tinignan ako diretso sa mata. "Gab, sino ka ba talaga?" kinabahan ako sa tanong nya.

Pumilit kong tumawa ng plastik at ngumiti sa kanya ng peke. Halata naman siguro niya ito dahil kilalang kilala na niya ako. "What are you talking about?" pag aalinlangan ko kahit alam ko na ang sinasabi niya.

"I saw it, Gab! Yung tattoo mo sa tiyan mo. Ikaw ba? Ikaw ba yung hinahanap nina daddy na nawawalang anak ni tito Val?"

"Y-yanna, about that," natataranta ako and I don't know how I'm supposed to explain.

"Bakit hindi mo sinabi sa'kin? I'm your bestfriend!" aniya.

"Mapapahamak ka lang. Just pretend as if hindi mo alam. Ayokong madamay ka sa problema ko," I avoided her gaze and stared at the floor. I said it! Hindi ko na napagpatuloy ang pagtanggi ko. Why am I so stupid? Para ko na ring pinamigay sa kaguluhan si Yanna.

"Akala mo ba na I'll turn you in? Oh please, Gab. Para namang hindi mo ako kilala. I'll be on your side no matter what! Kahit nasa tama o nasa mali ka, I trust you. You have your reasons. Kaya please, trust me too. Please?"

And this day pretty much ended with Yanna knowing my secret. It's officially my responsibility to look after her from now on. Alam na nya ang sikreto ko at hindi ko siya hahayaang mapahamak dahil dun.

***

The next day, sabay kaming kumain ni Yanna ng lunch sa cafeteria. As usual, maraming tao ngunit wala ang Anarchy 5. Wala naman akong balak hanapin sila dahil may galit ako kay Jairus. That annoying redhead jerk. His hobby is all about blaming people for the crimes they didn't commit. Geez, I should just stop thinking about it. It gives off bad vibes and extreme annoyance.

"After lunch yesterday, hindi na kita nakita. Is there something wrong?" kumuha ako ng isang malaking dakot ng fries at sinalpak ito sa bunganga ko nang narinig ko ang tanong niya. Hinati ko ang mac and cheese na may halong panggigigil. "Oy, kawawa naman yung pagkain. Wag mo pagbuntungan ng galit," aniya.

Nginuya ko ng mabuti ang fries at uminom ng gulaman. "I was trying to do a good deed and be a good samaritan like you. But I guess it really doesn't fit me at all," umirap ako nang naalala ko ang nangyari. Ako na nga yung tumulong, ako pa yung masama. Ugh!

"Yan ba yung about kay Denise?" tumango ako as a response. "Kumakalat ang rumors na sinampal ni Denise yung sarili nya and you were wrongly accused," wika niya.

"What did you say?" I cleared my ear and thought for a while.

"Sinigawan ka raw ni Jairus kahapon and he blamed you. Kaya nung narinig kanina ni Jeremy yung nangyari, he went crazily nuts. Sabi niya mabubugbog nya si Jairus kapag nakita niya ito," she added.

"Oh? Interesting. I hope it happens sooner so I'll get a chance to watch it," nagkibit balikat ako at ininom ko ang gulaman ko.

"Gab!!" pagsermon nito sa akin.

"Yeah, I know. I was kidding, okay?" honestly I wasn't. Pero yun ang gusto marinig ni Yanna so I gave her what she wants to hear.

They said be careful of what you wish for because you might just get it. I guess that saying takes action quite fast enough. A solid proof of that is when someone shouted that stopped everyone in the cafeteria. "Anarchy Fight!!"

You are really good at wishing for bad luck, Gab. Troublemaker wishes for trouble and it certainly happened.

***

Kinailangan kong bumisita sa clinic pagkatapos ng nangyari. Pinayagan naman akong bumisita ni Nurse Faye. Suking suki na talaga ako sa clinic at kilala na ako ni Nurse Faye. Kulang na lang ay dito na ako tumira. Kasalukuyan niyang ginagamot si Jeremy. Nilalagyan niya ito ng cast sa braso. "Sa kanilang dalawa ay mas maraming sugat na natamo itong si De Guzman. 'Di naman malala dahil nagamot din ito agad," wika ni Nurse Faye.

I was not really listening so I can't understand what she was talking about. Daldal lang ito ng daldal tungkol sa kondisyon ni Jeremy at Jairus. Dinaanan ko si redhead na tahimik na natutulog. Sana lagi na lang syang tulog, mas mukha siyang mabait eh.

Lumapit ako kay Jeremy na kanina pa sumisigaw sa sakit. Kumpara kay Jairus, mas marami ang sugat niya. Eh tanga pala sya, alam nya namang hindi niya kaya si redhead tapos siya pa yung naghamon ng Anarchy Fight.

"Aray! Wag mo namang diinan, nurse," aniya habang namimilipit sa sakit.

"What's wrong with you, Jeremy? Bakit bigla ka na lang naghahamon ng away dyan ha?"

"Uy, Ate Gab. Binibisita mo ba ako? Ang sweet mo naman," nakangiti ito ng abot hanggang tenga.

Tumayo ako sa harap niya at nakapamaywang na tinignan siya. Seryoso ako kaya napawi ang ngiti sa mukha nito. Naging seryoso rin ito. "I'm serious. Bakit mo ginawa yun? Look at you! Ikaw lang din yung napuruhan!" nag aalala kong pagkakasabi.

"Are you worried about me?"

"No!! Why would I be?" ngumiti siya ng mapait sa sinabi ko. It made me feel guilty. Dapat ba ay sinabi kong oo? Baka isipin niya ay may gusto rin ako sa kanya and it might raise his hopes up.

"Oo nga naman, bakit ka mag aalala sa'kin? Ate Gab, 'wag kang magalit. Sya naman yung may kasalanan! Pinahiya ka niya diba? Hindi naman ako papayag na ganun lang yung mangyayari, kahit pa kaibigan ko sya! Hindi ka ba galit sa kanya?" Oo, galit ako sa kanya. Ngunit ako dapat ang gumagawa ng solusyon sa mababaw naming hindi pagkakaintindihan. Fighting doesn't help the situation at all. It just worsens it.

"Yeah, I'm mad. So what? What should I do? Do I have to beat him up to get even at para tanggalin lahat ng galit ko? Of course not. It will not help to what I'm feeling! Will you please stop crossing your boundaries and mind your own business? I never told you to do anything!" naramdaman ko na naman ang bigat sa dibdib ko.

"Eh paano ako? Yung nararamdaman ko rin? Akala mo ba isang malaking joke lang yung sinabi ko sayo dati, na gusto kita? Fuck it, Gab! I like you! I really do! Hindi mo ba maintindihan yun? Do you take me as a joke?! Kahit yung pagkakaroon ko ba ng gusto sayo ay bawal na? May batas ba na sinasabing hindi ako pwede magkagusto sayo? Can you please freaking understand? Gusto lang din kita protektahan! Kung pwede nga lang, I want to keep you for myself. Sana hayaan mong nasa tabi mo lang ako lagi. Kahit ito lang, Gab. Ibigay mo sakin, please?"

***

Kiss or KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon