Kabanata 39

12.3K 255 19
                                    

Chapter 39: Red Among Whites

Mula sa pagkakaupo sa sofa ay humiga ako. Maya maya ay dumapa naman tapos gumulong gulong kaya muntik na ako mahulog sa sahig. Nairita ako kaya umupo ako ulit at kinuha ang remote ng tv. Binuhay ko ito; ang palabas ay patayan at barilan. Hanggang dito ba naman? Napasabunot ako sa ulo ko sa pagkakainis kaya padabog kong pinatay ang telebisyon. Umupo ako ng maayos at sinubukang kumalma. Nakaramdam ako ng lamig kaya pinatay ko ang aircon. Ugh! Hindi talaga ako makakalma. Lahat na lang ng bagay ay napapansin ko.

I sighed heavily. Pang-ilang buntong hininga na ang pinakawalan ko sapagkat hindi talaga ako mapakali. Ang tagal naman ng magaling kong pinsan, ano bang ginagawa nun? Kailangan ko ng mapagbubuntungan ko ng problema. Patong patong ang mga inaalala ko. I just want to live in this isolated mansion and say goodbye to the world. Ayoko na bumalik sa Honeybee's at sa Mnemonicson. Mas mabuting dito na lang ako tumira. Kung pwede nga lang sana eh. But as they say, I can never run from fate. It will happen no matter what. In short, there's no use running. It will just make the matters worse.

While waiting for my dear cousin, I decided to stand up and take the stairs. Nakakabagot na umupo lang sa baba ng nakahalumbaba. Sumasakit lalo ang ulo ko dahil sa rami kong iniisip.

I started wandering freely around his gigantic mansion. Walang pagbabago mula noong huli akong pumunta rito. Nasa ayos pa rin ang lahat. Malinis pa rin ang mga palapag kahit na kaunti lang ang katulong na kasama nya rito. Nakakamangha dahil kaya niya ito panatiliing malinis. He's a clean freak.

"Ma'am, naliligo pa po si Sir Clint," bungad sa akin ng isang katulong na nakasalubong ko. Pababa siya ng hagdan samantalang ako ay pataas pa lang.

"I'm just gonna wait there," wika ko sa kanya. Tumango lamang siya at iniwan ako mag-isa.

Habang naglilibot ay dinala ako ng aking mga paa sa harap ng isang picture frame. I sighed again. Nakita ko na naman ang family picture na ito. I bit my lower lip and pulled away my gaze. Without hesitation, I turned my back and walked away. Malapit na, mapaghihiganti ko na kayong lahat. Malapit na. Hindi ko pa kayo kayang harapin ngayon. I can only face you when I've done my part.

Dahil inip na ako sa paghihintay, napagdesisyunan kong pasukin na ang kwarto ni Clint. It was not locked anyway. Knocking wasn't in my dictionary. I just barged into the room quietly. Rinig ko ang patak ng tubig mula sa banyo na nasa loob ng kwarto. I ignored it and sneaked in to his room. Umupo ako sa kama niya at muntik pa ako mahulog sapagkat nagmamasid ako sa buong kwarto. Malinis ang kwarto ni Clint. Compared to me, he's way more organized. It's the first time I entered his room so I was observant. Puti ang pintura ng buong kwarto nya mula sahig hanggang kisame. Ang kurtina na nakasabit sa taas ng bintana niya ay kulay puti rin. Maging ang kulay ng sofa, kama, kumot, at unan ay puti. Everything looks perfectly clean and white, well, except for one.

I moved a lot so I accidentally kicked something under the bed. Gumawa ito na mahinang ingay. A sound of friction. Napasimangot ako dahil baka kung ano ang nasipa ko. Lumuhod ako sa sahig at sumilip sa ilalim ng kama. Pumukaw ng atensyon ko ang pulang kahon na nakasarado. I quickly recognized the box because of it's resemblance to the one I saw before. Katulad ito ng kahon na natanggap ni Yanna nung sixteenth birthday nya. Ang pinagkaiba lang ay ang size nito. Mas malaki ito ng kaunti kumpara sa lalagyan ng relos. Nag-iisa lang ang kahon na ito na hindi kulay puti. Aside from all the things in the room, the box was the only one not white in color. Kaya naman kapansin pansin ito sa makakakita.

Napalunok ako ng ilang beses. It's just coincidence right? Nagkataon lang siguro na may ganito siyang kahon. I still don't get why he has that kind of box though. Curiosity has taken over me. Alam kong mali ang makialam ng gamit ng iba ngunit pinapatay na ako ng kuryosidad. I took my final gulp as I pulled the box closer to me. I don't know what I'm doing either. I carefully lifted the cover without making a noise. Tila isa akong batang kumukupit ng barya mula sa tindahan ng candy.

Kiss or KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon