Kabanata 25

12.3K 266 5
                                    

Chapter 25: Five Wolves

Despite the accident during midnight, tuloy pa rin ang klase ngayong araw. Hindi nila ito pinostpone dahil examination day. Nasagutan ko naman ang mga tanong dahil karamihan dito ay nareview namin ni Yanna. I was distracted and kinda out of focus but I managed it. Natapos ko naman ang exam ng mapayapa. Wala akong interes kung ano ang makuha kong marka. Hindi na mahalaga sa akin ngayon kung makapasa o bumagsak man ako. 

Bangag ako at walang tulog. I secretly sneaked in the rooftop to sleep. On my way there, naabutan kong pababa mula sa hagdan si Louise. Nakayuko ito at mabagal na naglalakad. Ibang iba ang itsura niya nung party kanina, mukha siyang matapang at malakas. Ngunit ngayon, mahina ang nilalabas niyang aura. Ang ipinagtataka ko lamang ay kung bakit siya nagmula sa hagdan papuntang rooftop. Mukhang inosente naman siya at hindi lumalabag ng school rules. Bawal na kasi pumunta rito dahil sa mga aksidenteng naganap. Nang dinadaanan na niya ako ay nakayuko pa rin ito kaya hindi ako nito napansin. Hinawakan ko siya ng mahigpit sa pulso na ikinagulat niya. Napahinto siya sa paglalakad at inangat ang ulo. Nabigla siya nang makita ako.

"Ate Miala, ikaw pala," hindi siya mapakali at kinagat niya ang labi nya. 

"Did you take the tracker?"

"Po?" aniya na tila walang alam. Naiirita talaga ako sa pagkakabulol niya tuwing nagsasalita. Nasa loob yata ang kulo ng babaeng ito. 

"You took it, didn't you?" diniinan ko ang pagkakahawak sa pulso niya at pinandilatan siya ng mata.

Hindi siya makatingin ng diretso sa mata ko. "Alin po?"

"Sinadya mo akong banggain para makuha mo yung tracker, tama ba?"

Umiling si nerd girl at nagpatuloy mag maang-maangan. "Ate Miala, hindi ko po alam yung sinasabi mo."

"Stop acting innocent, will you?!" 

May humila sa pagkakahawak ko sa pulso niya. I was not expecting it kaya madali akong napabitaw. Tinignan ko kung sino ang pakialamerang ito at nakita ko si Denise na tinitignan ako ng masama habang nakataas ang kilay. "What are you doing to...this nerd?" dahil sa sinabi niya ay mas lalo akong naghinala. She denied the fact that they were blood related, sisters to be exact.

Tumawa ako. "This nerd?" inulit ko ang sinabi niya. "Ano ang kinalaman nyo sa pagkawala ni Alyanna?" 

Nanlaki ang mata niya for a split second. Nabawi agad niya ang ekspresyon nya at ngumiti. "What nonsense are you talking about? Tara na Louise," hinila niya ang kamay ni Louise at naglakad palayo. Nahabol ko agad sila at hinawakan sa balikat si Denise. Nakakunot noo siyang tumingin sa akin. "What now? Hindi na nga kita ginugulo tapos ako naman ang guguluhin mo? I already said sorry about the rooftop incident right? Ano pa ba ang gusto mo?!"

"Tell me the freaking truth! Where's Alyanna?" hinigpitan ko ang pagkakahawak sa balikat niya.

Mula sa kawalan ay may sumulpot na kabute at hiniwalay ako kina Denise at Louise. "Stupid, let the girls go," humawak siya sa braso ko at kinaladkad ako patungo sa likod ng gym. Walang mga estudyante ang nagpupunta rito kaya marahil ay dito niya ako dinala.

"What now? Wala ka bang ibang magawa sa buhay mo?" tinignan ko siya ng masama ngunit nanatili lamang siyang tahimik. "Pinagtatanggol mo na naman si Denise. Ano bang meron sa inyong dalawa? Are you that bored that's why you always--hmp!"

My eyes were wide open in shock. Nanlalaki ang mata ko habang tinititigan ang mukha niya ng malapitan. I was able to see his long lashes while his eye were closed and his lips were on mine. Everything happened quickly-- it was so sudden that I barely absorbed the situation. I just knew that my heart skipped a beat the moment our lips touched. But now, it's beating like there's no tomorrow. Pabilis ng pabilis ang pintig ng puso ko na tila ngayon na ang huling araw ng pagtibok nito. This guy keeps giving me these unusual feelings in my stomach. He makes me feel like I'm about to have a heart attack. 

Kiss or KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon