Chapter 42: Who's the Enemy?
I suddenly found myself in the middle of nowhere. My forehead is sweating endlessly. I was panting as I gasp for air. Lumingon ako panandalian sa likod. May isang babaeng humahabol sa akin. Hindi siya katangkadan at may takip ang kalahati ng kanyang mukha. Nanlilisik ang mga mata niya, katulad ng isang lobo na handang kainin ang kanyang biktima. She looked fierce. Samantalang ako naman ay mukhang basang sisiw na naliligo sa sariling pawis. Takot ang nakatanim sa aking mga mata.
Sa huling pagkakataon ay huminga ako ng malalim at tumakbo muli. Binuhos ko lahat ng natitira kong lakas upang mapabilis ang takbo ko. Sa kasamaang palad, unti-unti nang bumibigay ang aking mga tuhod. Masyadong mabilis ang humahabol sa akin. Halatang maraming taon siyang nagsanay at matagal na niyang pinaghandaan ang nangyayari ngayon. Bakit niya ako hinahabol? Papatayin ba niya ako?
Lumiko ako sa isang masikip na daan. Akala ko ay hindi na niya ako naabutan ngunit nagkakamali ako. Malapit na siya sa akin. Tila hindi ito napapagod dahil hindi man lang siya pinagpapawisan. Muntik na ako mapamura nang nadatnan kong nasa isa na pala akong dead end. Wala na akong mapupuntahan pa, hindi na ako makakatakas.
"Who are you?!" kabado kong tanong. Paatras ako ng paatras habang siya naman ay palapit ng palapit sa aking kinatatayuan. Matalim siyang nakatingin sa akin. Gaano ba kalalim ang hinanakit niya sa akin?
Itinapat niya sa aking gawi ang isang baril. Nakatapat ito sa mismong puso ko. Dahan dahan niyang binaba ang maskarang nakatakip sa bibig niya at nanlaki ang mata ko nang bumungad sa akin ang pamilyar na mukha.
"Ikaw?" gulat kong tanong. Ngumiti siya ng mapait. Hinangin ang ilang piraso ng buhok niya palayo sa mukha nya. Naaninag ko ng maayos ang kanyang mukha. Kalmado na ang kanyang mga mata at na-emphasize ang maamo niyang mukha.
"Ako nga. Nagulat ka ba, Ate Miala?"
"Why? Paano mo nagawa sa'kin 'to?!"
Hindi ito sumagot at nanatili lang sa pagngisi. Humangin muli ng malakas at natakpan ng buhok ang kanyang mukha. Para siyang nasaniban sa nangyari sapagkat bumalik bigla ang nanlilisik niyang mata.
"Paalam," inalis niya ang pagkakatutok ng baril sa akin at itinapat ito sa kanyang ulo. Nanlaki ang mga mata ko sa susunod na nangyari.
"Wag!"
***
"Gab!! Uy Gab, gising!"
Minulat ko ang mga mata ko at panandalian akong nabulag sa liwanag. Kumurap ako ng ilang beses bago nakasanayan ang paligid. Nakita ko sa aking harap si Alyanna na may pag-aalalang ekspresyon. I looked around the room and I found myself in the basement. So it was a dream. Akala ko ay totoo ang mga nangyari. It felt so real. Nag-iinit ang buong mukha ko. Hinawakan ko ang aking noo na puno ng pawis.
"Binabangungot ka yata kanina," aniya. Tinanguan ko siya bilang tugon. Still starstrucked of my nightmare.
"Anong ginagawa mo rito ng ganitong oras?" tanong ko sa kanya. Nahagip ng mata ko ang wall clock at alas otso na ng umaga.
"Nalimutan mo na ba? Para sa requirement natin sa English! Yung pair project?" panayam niya sa kakaibang tono. Kulang na lang ay dagdagan niya ng 'duh' ang kanyang sinabi.
"Hindi naman kita kapartner ah?" wika ko sabay hikab. Napasapo siya sa kanyang noo. I have no idea why Yanna's here. I mean, what pair project? Hindi naman kami ang magkapartner. The last time I checked, si redhead pa rin ang walang kwenta kong kapartner.
"Diba nga pupunta tayo sa resort nina Vince? Weekend ngayon, senyora! Kailangan natin mag-enjoy at gumawa na rin ng requirements!" she smiled widely. Mukha ngang sobrang excited niya at atat na siyang maglakwatsa.
BINABASA MO ANG
Kiss or Kill
ActionMiala Gabrielle Davis hated one thing: gangsters. She despised people who threw knives everywhere and beat the hell out of others. She had the right to hate them, though. But she had to keep that as a secret. She wasn't a gangster but people would m...