Chapter 41: Third UGO Head
Simula nang minulat ko ang mga mata ko ngayong umaga ay hindi pa rin ako mapalagay. Isa sa mga rason kung bakit ako nagkakaganito ay dahil sa pulang kahon na natanggap ko kahapon. Kinikilabutan ako tuwing naaalala ko yung kulubot na daliri. Ang pangalawang rason ay hindi ko pa rin alam kung sino ang nagpadala noon. Marami ang pumapasok na ideya sa isip ko, it's whether A: isa sa mga nakakaalam ng aking sikreto or B: isang head ng UGO. Either choice is bad. Kung isa itong head at parte ng the big five sa underground, mapanganib para sa akin. Kung isa naman ito sa sampung tao na aware sa tunay na katauhan ko, kailangan kong mag-ingat.
Minsan nang sumagi sa isipan ko na si Clint ang nagpadala ng red box. Ilan sa mga dahilan ay ang nakita kong pulang kahon sa kwarto niya at nang sinabi niyang kikitilin niya ang leeg ni Jacob Mnemonicson. Ngunit bakit nya pa ako papadalhan ng daliri ng matandang iyon? Pwede namang tawagan niya na lang ako upang sabihin niyang papatayin niya si Mnemonicson. What's with the hassle of even cutting a finger? Knowing Clint, he always goes for the easy way. Ayaw nya ng maraming pasikot sikot. Kung papatayin niya, isang bagsakan lang. Hindi na niya pahihirapan pa ang kanyang biktima.
Sigurado akong ang may pakana nito ay mayroong hinahangad. Baka gusto niyang makita ko pa ang pagkamatay ni tanda. Maybe that third UGO head wanted to reveal his identity. Then it's better for me and slightly worse. Good news is hindi ako mahihirapan sa paghahanap ng pangatlong head. While the worse news is kilala na ako ng third UGO head. Damn it! Bakit ngayon ko lang narealize ito?
Mahirap talaga magtiwala. Baka mamaya nasa tabi ko na pala ang kalaban habang nakapikit pa ang mata ko.
"Okay class, I would like to remind you about your pair activity. That's your only requirement in my subject so I'm going to make it a project. The deadline is approaching, make sure to pass it on time, okay?"
Nadagdagan ng bigat ang mga balikat ko sa sinabi ng aming guro. I almost forgot about it! Yung 10 facts about your partner, tss. Simula't sapul ay hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol sa project. Ayaw kasi makipag-cooperate ng partner kong may pulang buhok. Palibhasa, puro basag-ulo ang inaatupag. Kahit ako ay hindi rin interesado. Wala naman kasing kwenta yung project. Gagawin ko na lang siguro sa araw ng pasahan.
"Natapos ko na yung 10 facts tungkol sayo. Yung sa'kin ba, meron ka na?" tanong ng katabi ko.
"Wala. Bakit naman kita gagawan?" tanong ko pabalik.
"Stupid, we're partners. Tama talaga yung sinulat ko tungkol sayo," nakangising pang-aasar nito.
"Oh really? Patingin nga," I curiously looked at him.
"Bakit ko naman ipapakita?" ginaya niya ang tono ko kanina nang itinanong ko kung bakit ko siya dapat gawan.
"Whatever."
"Ipapakita ko sa'yo kapag nagawan mo na ako," aniya.
Because I was really curious of what he wrote about me, nagsimula akong magsulat ng tungkol sa kanya. As you all know, I am the laziest person when it comes to writing. I'd choose getting beaten rather than writing. Dahil nga tamad ako ay isinulat ko ang pinakamaikling fact na naisip ko.
Here's the sneak peak of what I wrote:
10 facts about Jairus
#1-10: He's a jerk.
Pinunit ko ang pahina ng notebook na pinagsulatan ko ng tungkol kay redhead. Mabilis ko itong tinupi ng parisukat. Kinalabit ko si Jairus na ngayo'y ngumunguya ng bubble gum. Damn, naaamoy ko na naman ang mint niyang hininga. Anyway, he's more badass than me. Parang kambing siyang ngumunguya ng bubble gum habang may guro sa harap. At least, I respect those old farts so I don't chew gum. Unless may hinanakit ako sa isang guro, baka idura ko pa sa mukha niya ang pinag-nguyaan ko ng bubble gum. Nah, just kidding. I'm not that mean. Maybe Denise can do that. Aish, nadamay na naman ang babaeng yun. Speaking of that girl, nasabihan na siya ni redhead na isarado ang malaki niyang bibig. I'm pretty sure she can't do anything about it. Especially when it's the love of her life who asked her a favor.
BINABASA MO ANG
Kiss or Kill
ActionMiala Gabrielle Davis hated one thing: gangsters. She despised people who threw knives everywhere and beat the hell out of others. She had the right to hate them, though. But she had to keep that as a secret. She wasn't a gangster but people would m...