Kabanata 44

10.8K 246 24
                                    

Chapter 44: Mendez

Isang malakas na ugong ng jeep ang gumising sa akin. Nangangawit ang leeg ko na kasalukuyang nakapaling sa kanang direksyon. Nakasandal ako sa isang matigas na bagay na hindi ko matukoy. Marahan kong minulat ang talukap ng aking mga mata. Inilibot ko ang tingin sa aking paligid. Narito ako sa isang saradong silid na puro itim lamang ang nasa paligid. Mali, nasa isa akong sasakyan.

Ang maingay na pag-ugong ng jeep ay mula sa gilid namin. Hindi ako nasilaw ng liwanag marahil tinted ang sasakyan. Malawak ang espasyo at paniguradong malaki ang sinasakyan ko ngayon. Hinanap ko si Carlos ngunit wala akong nakitang bakas niya. Tinignan ko ang mga kamay ko ngunit hindi ito nakatali. Maging ang paa ko ay hindi pinapalibutan ng lubid at ang bibig ko ay walang tapal.

I stretched my neck. Kanina pa ito nangangawit. Tinuwid ko ang ulo ko at nilingon ang sinasandalan ko kanina. Siya ay may pulang buhok. Gumalaw ang lalaking may pulang buhok at ako ay nilingon. Nakapikit ito habang nakakunot ang noo. He was crossing his arms and sitting straightly. Para siyang isang tuod kung matulog. Nadistract ako sa kanyang noo kaya hinawakan ko ito at inistretch upang matanggal ang kunot. Biglang namulat ang kanyang mga mata at hinawakan niya ang kamay ko. Nagtama ang paningin namin. Pamilyar na titig na nakapagpakilabot sa buong katawan ko. Kulay hazel ang bilog niyang mga mata; kumikinang ang mga ito na siyang dahilan upang magmukha itong kabigha-bighani, lalo na kapag natitigan ng malapitan. Jairus? Teka, anong ginagawa niya rito? Bakit ko sya kasama?

"Anong ginagawa mo?" tanong niya gamit ang kanyang husky na boses. Amoy na amoy ko ang mint niyang hininga kahit bagong gising pa lang siya. Bukod tanging sya lang ang taong kilala ko na laging mabango ang hininga kahit bagong gising.

"Ako ang dapat nagtatanong nyan. What are you doing here? Kasabwat ka ba ni Carlos?" pinanlakihan ko siya ng mata. Mukhang wala naman siyang pakialam. Binitawan niya ang mga kamay ko at nagkibit balikat. Pinikit niya muli ang mga mata niya and again, he crossed his arms. Napakabastos talaga ng nilalang na ito.

"Hindi mo man lang ako tinali o nilagyan ng tapal sa bibig? Do you think I can't escape? Ha?"

He continually ignored what I said. He didn't move an inch. Nakapikit pa rin siya at kalmadong nakapikit. How about I punch him in the face?

"Don't you know me? I'm A-D clan's heiress! I can escape you know!"

"Edi tumakas ka mag-isa mo."

I looked at him in disbelief. "You won't stop me?"

"Wala akong paki."

Nag-uusok na ang ilong ko. I feel so disappointed. Ewan ko kung ano itong pakiramdam ko. Am I thinking he would stop me?

"Really? Never mind. Nasan si Carlos? Is he your boss? Woah! I never knew that you were also a spy. Gusto mo talaga ako patayin noh?" wika ko. Hindi ito sumagot kaya nabwisit ako. "Oh ano? Where's Carlos?" tanong ko. "Ah, I see. You wouldn't answer me, would you? Then I guess sisigaw na lang ako para humingi ng tulong. AHH--MMPH."

Ang bilis niya gumalaw. Tila isang robot siyang namulat at tinakpan ang bibig ko gamit ang kanyang kamay. Sinandal niya ako sa upuan at napakalapit ng aming mukha. Higit kumulang dalawang pulgada ang distansya ng aming katawan. Katulad kanina ay nagtama muli ang aming mga paningin. Kumarera sa bilis ang pintig ng puso ko. Ugh, ito na naman ang letseng pakiramdam ko.

"Masyado kang madaldal ngayon, stupid. Pwede bang isara mo 'yang bunganga mo dahil maraming natutulog sa likod?"

Napalunok ako ng ilang beses. Nag-iinit ang mga pisngi ko. Dahan dahan akong tumango. Pumorma ang isang maliit na ngisi sa blanko niyang mukha. Naningkit ang makinang niyang mata. "Good girl," he said as he went back to his previous position.

Kiss or KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon