Chapter 19: Framed and Accused
Nakatunganga ako habang nagkaklase si Sir Burgos. Katulad pa rin ng dati, lihim akong napapahikab at napapapikit. Walang pumapasok sa isip ko habang daldal ito ng daldal sa unahan. Ang sakit ng katawan ko. Masyado akong pinagod ni Clint sa walang kwentang training namin kahapon. If you can even call that training. He even labelled it as bloody! Is he kidding me? I am officially traumatized by that bloody rag. Buong maghapon ay hindi ko ito nagawang iwasan at palagi akong natatamaan sa mukha. That's why today I'm really paranoid that Clint will appear out of nowhere and throw a rag in my face.
Uhh, I'm currently wondering. Is it really possible to avoid that rag?
"Gab, nasaan ka nung weekends?" bulong sa akin ni Yanna na kasalukuyang nasa tabi ko. Nakipagpalit siya panandalian ng pwesto kay Grayson para makapag-usap kami.
"Chilling somewhere."
"Ehh, saan nga? Balita ko umalis ka raw ng bahay mo tapos nasa Honeybee's ka lumipat? Ay alam mo ba na nabugbog si Ate Cj? Kasi napagkamalan syang gangster," aniya. Tinignan ko lang siya ng masama. Alam na niya ang ibig sabihin ng mga titig kong iyon. Itinaas niya ang dalawang kamay na parang nagsusurrender. "Okay, okay. I won't ask."
"Alam mo ba kung paano iwasan ang basahan?" I asked out of the blue.
"Huh?"
"Never mind."
Umaalingawngaw ang boses ni Sir Burgos sa klase. Lahat ay bored at inaantok ngunit patuloy lamang ito sa pagsasalita. Pang ilang akda na nga ba ang tinalakay namin? Ibong adarna, Florante at Laura, Noli Me Tangere at ngayon naman, El Filibusterismo.
"May pasa ka sa mukha. Gusto mo gamutin ko pagkatapos ng klase?" ani Denise kaya napalingon ako sa kanan. Nagtama ang mga mata namin at nag iwas siya ng tingin. Napatingin naman ako kay Jairus na ngayo'y nakatingin din sa akin. Yesterday's fight in the underground flashed back inside my mind. May ilan siyang mga pasa at maliliit na sugat sa mukha na kapansin pansin.
"Anong tinitingin tingin mo?" masungit na tanong nito sa akin na sinagot ko na lamang ng isang irap.
I noticed that Jeremy is not here. Hindi ko napigilan ang sarili kong tanungin si Yanna. "Nasaan si Jeremy?"
"Ah si Jem? Nasa cafe daw. Ang dami kasing sugat ni Ate Cj. Inaalagan nya yata," aniya.
"Ahh."
Ang sumunod naming klase ay P.E. at dahil wala ang teacher in charge, ang sabi ng substitute teacher ay maglalaro lang kami sa gymnasium. Basketball ang nakaaasign na mga lalaki at volleyball naman sa babae. Nagtungo kaming lahat sa gym. Tuwang tuwa ang mga kaklase ko at sa wakas daw ay may break from academics. Nagpalit ng jersey ang mga lalaki at ang mga babae naman ay isinuot ang pang-P.E. na uniform nila. Pati si Yanna ay nagpalit upang maglaro. Wala naman akong pakialam kaya pinanood ko na lang sila sa bleachers habang malalim pa rin na iniisip kung paano ko maiiwasan ang bwisit na basahang yun.
Habang nag iisip ay pinapanood ko ang mga nag ba-basketball. Ang apat na members ng A5 ay kasama sa mga naglalaro. Si Jeremy lang ang bukod tanging wala. Kitang kita ang galing nila ngunit nangingibabaw si Ethan, marahil bagay nga talaga sa kanya ang titulo bilang basketball captain. Ang ibang babae na napagdesisyunang hindi sumali sa volleyball ay umupo rin sa mga bleachers malapit sa akin. Sobrang ingay nila kaya nilingon ko sila. Napatahimik sila saglit at halatang iniiwasan ako. Lumayo sila at lumipat sa kasalungat na bleachers na inuupuan ko. Dapat lang, kung ayaw nila mabasag ang bungo nila.
Maya't maya ay tumitingin si redhead sa direksyon ko. I don't know for what reason but he keeps checking on me kaya medyo distracted siya mula sa laro. Naka-shoot ng tatlong puntos si Ethan kaya nagsi-apir silang mga magkakampi. Divided ang grupo ng A5 sa dalawang team na naglalaban. Sina Ethan at Grayson laban kina Jairus at Vince. Naagaw ni Jairus ang bola ngunit dahil dehado siya at masyadong napapalibutan ng taga ibang team, ipinasa niya ang bola kay Vince. Imbis na saluhin ito ay inilagan ni Vince ang bola kaya nagtawanan ang mga naglalaro.
BINABASA MO ANG
Kiss or Kill
ActionMiala Gabrielle Davis hated one thing: gangsters. She despised people who threw knives everywhere and beat the hell out of others. She had the right to hate them, though. But she had to keep that as a secret. She wasn't a gangster but people would m...