Chapter 10: Twisted Fate
Tila isang malaking sampal ang naramdaman ko nang binato ako ng notebook ng katabi ko. "Ikopya mo ako ng notes."
Padabog kong kinuha ang notebook niya at sinulatan ng kung ano-ano. Dahil labag sa loob ko, ginurihan ko lang ang notebook niya. Napadiin ang sulat ko sa sobrang pagkainis. Takte, naputol pa yung lapis. Ugh! Puro kamalasan na lang!
May kumalabit sa kaliwa ko. Oh, si Grayson naman? Nagpalit sila ni Yanna ng upuan para makatabi niya si Ethan kaya ito, si Grayson ang katabi ko sa kaliwa. "May extra akong ballpen," inabot ni Grayson sa akin ang ballpen niya. Sa A5, siya lang yata ang masipag na nakikinig sa teacher. Kahit ako di ko na magawang makinig ngayon dahil naiirita ako sa katabi kong may pula ang buhok.
"Bakit ba lagi ko kayong nakikita?"
"They said if you meet someone once, there's a fifty fifty chance of meeting them again. If you meet someone twice, you're bound to meet him for the third and fourth time as well," mahina niyang pagkakasabi. "I guess our situation is the latter."
Binigyan ko siya ng blankong ekspresyon. Hindi naman siya ang tinatanong ko subalit bigla na lang siyang sumasagot.
"Fate is funny. Really funny," I gritted my teeth.
"But fate makes everything happen, doesn't it? Hindi ka maaaring tumakbo o umiwas. Kailangan mo itong harapin kahit na ayaw mo. It is always bound to happen. Kaya sa ayaw mo man o sa gusto mo, lagi mo pa rin kaming makikita," nakangiti nitong saad sa akin.
Hindi ko ito naintindihan at wala rin naman akong balak intindihin ito. I ignored Grayson and placed my attention somewhere else.
"Lance, puyat ka ba kagabi? Gusto mo ba i-masahe kita?" maharot na pagbulong ni Denise kay redhead pero naririnig ko. Lumipat din siya at sa kanan ni redhead siya nakaupo. In short, pinapagitnaan namin si redhead. I glanced at Jairus using my peripheral vision. What the hell? He's sleeping! Napataas ang kilay ko at biglaang tinulak ang paa niya paalis ng table ko. Hindi pa rin ito nagising.
Lihim naman na humahagikgik ang isang babae sa harapan ko. Pinapagitnaan siya ni Vince at Jeremy. Si Vince ay nakaakbay sa babae at nakikipagbiruan yata rito. Si Jeremy naman ay nakayuko at nakatulog na rin yata. Nagkasalubong ang dalawa kong kilay. Gahd! Ang harot harot ng mga tao rito pero hindi napapansin ng guro. I can't take this anymore. Nairita ako sa naririnig kong maharot na paghagikgik. Sinipa ko ang ilalim ng upuan ni Vince at nung babae niya. Nagulat silang dalawa sa ginawa ko. Hindi makalingon sa akin ang maharot na nilalang samantalang si Vince ay ngumisi sa akin.
"Wag ka mag-alala, you're still more gorgeous," bulong niya na may kasamang kindat.
What mess did I get myself into? Will Anarchy 5 please leave me alone?
***
"Class dismissed."
Tumayo ako agad mula sa upuan ko. Kinuha ko ang bag ako at nagmamadali akong lumabas ng room. Narinig kong tinawag ako ni Yanna ngunit hindi ko na siya pinansin. Nilakad ko ang mahabang hallway bago ako lumabas ng Mnemonicson at sumakay sa motor ko. I've finally built the courage to go to my house. May naramdaman akong nakatingin mula sa likod ko subalit pagkalingon ko, walang tao. I shrugged the thought off my mind and turned on my motor's engine.
Pagkatapos ng labing limang minuto ay nakarating ako sa bahay ko.
Pumarada ako sa tapat at bumaba mula sa motor. Binuksan ko ang gate at pinakiramdaman ang paligid. Someone's definitely following me. Pinikit ko ang mga mata ko upang makiramdam ulit. I felt someone place his hand over my shoulder, alerting my whole system. I suddenly stopped opening the gate. Honestly, no one ever knew where I originally lived-even Yanna didn't. Hindi ito ang totoo kong bahay pero kahit itong lugar na ito, wala ring nakakaalam.
BINABASA MO ANG
Kiss or Kill
ActionMiala Gabrielle Davis hated one thing: gangsters. She despised people who threw knives everywhere and beat the hell out of others. She had the right to hate them, though. But she had to keep that as a secret. She wasn't a gangster but people would m...