Kabanata 47

12K 247 17
                                    

Chapter 47: Life Saver in Black

Nang malaman ko na nasa kamay pala ni Louise ang magpapadali sa buhay ko, hindi na ako nagpatumpik tumpik pa. I rushed immediately inside the cafe to get ready. Pupunta ako sa underground arena. Whatever happens, I just have to get that book. Kung nagsisinungaling man si Carlos, then I'd have to kill him by that time. Tutal, he devoted his life to me. Meaning: I have his life in my hands and he won't dare lie to me in order to get what he wants. I'm 99% sure he wasn't lying, but still it leaves me with one percent that he was.

I changed into the Nemesis get up. Nagsuot ako ng itim na sports bra to expose my tattoo. I also wore a black leather jacket, paired with black skinny jeans and boots. I put my hair into a bun, leaving no strands in front of my face. Kinuha ko ang aking itim na maskara upang takpan ang aking ilong at bibig. Bukod tanging ang mga mata ko lang ang kanilang makikita.

Hinalungkat ko ang maleta ko at isinilid sa sackbag ang mga importanteng equipment na magagamit ko. As usual, I also brought some daggers, knives, and different types of guns. I don't plan to kill because that's not my style. Just in case something happens, kailangan ay handa ako. This battle is intense, hindi pwedeng pa petiks petiks at chill lang.

Nang handa na ako, isinakbit ko ang aking sackbag sa magkabila kong balikat. I-zinipper ko ang aking leather jacket upang itago ang tattoo ko. Hindi pa kasi ito ang oras na dapat ko ito ipakita. Mahirap na dahil baka may makakilala sa akin sa labas. I will show it in time. Kung kailan ko kailangan manakot, by then I would show them who Nemesis is. When the only heiress of the Ashwood-Davis clan is standing before you, who wouldn't be scared? Brace yourselves, because this will have action better than movies.

Once I'm all set, I took the stairs towards the cafe. Nadatnan ko sina Ate Cj at Clint na tinapunan din ako ng tingin. They were happily laughing. Masama ba na sirain ko ang araw nila? Hindi naman siguro. Galit ako kay Clint and I was also mad at Ate Cj.

"Mia, where are you going?" may diin ang bawat salita niya. Hindi ko siya pinansin. Lumapit ako sa kanilang kinatatayuan at tinignan ng mapang-asar si Ate Cj. Binaba ko ang maskara ko at ako'y nagsalita.

"Having fun? Buti ka pa. Ililigtas ko kasi yung pinsan mo. Mamamatay na siya samantalang ikaw, nandito't lumalandi."

"Mia! Watch your mouth!" napairap ako sa pagsaway sa akin ni Clint.

Nanlaki ang mga mata ni Ate Cj. "A-anong sinabi mo?"

"Nothing. Sabi ko kailangan ko na umalis, baka bulyawan pa ako ng iba dyan." Itinaas ko ang maskara ko at tinalikuran sila. Suddenly, someone held my arm to prevent me from going outside. Seriously, ang daming sagabal sa araw na ito. Kung hindi ko bibilisan baka bangkay na lang ni Louise ang maabutan ko.

"Hindi ka pwedeng umalis. Wag kang umalis, Ate Gab," narinig ko ang pamilyar na boses. Parang kanina lang ay hindi niya ako pinapansin pero ngayon, pinipigilan niya ako umalis. Not that I'm taking revenge but I ignored him as well. Alam kong may kasalanan ako but that can wait. Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko. I blankly stared at him and he stared back.

"Kung hindi na kita mapipigilan, sasama ako. Pahintay ah?" kumaripas siya ng takbo pababa ng basement. As if naman hihintayin ko sya. Lumabas ako agad ng Honeybee's dahil wala na akong balak maghintay pa. Nakaabang sa akin sa labas sina redhead at Carlos na mukhang kanina pa naghihintay.

"Tayo na," ani Carlos.

I raised an eyebrow. "Anong tayo?"

"Aren't we supposed to go together?"

"Gago! Sobra ka na ah," akmang sasapakin ni redhead si Carlos ngunit umiwas ito. "Let's go, stupid," aya naman sa akin ni Jairus.

Sumakay ako ng pinakamamahal kong motor at binuhay ang makina nito. Lalapit pa lang sa akin sina redhead ngunit mabilis kong pinaharurot ang pinakamamahal kong motor. Narinig ko ang sigaw ni Jairus na tumatawag sa akin ngunit hindi ko ito pinansin. Patuloy lang ako sa pagmamaneho at nakatutok lang ang buong atensyon ko sa daan. Mabuti na lamang at sinabi sa akin ni Carlos kanina kung saan nakakulong si Louise. Sinabi rin niya na mamayang madaling araw bibitayin ito kaya marami pa akong oras. Sa tingin ko ay wala pang alas dose ng umaga dahil medyo mataas na ang araw. The last time I checked, 11:30 am pa lang. Before midnight, kailangan ko siyang mailigtas. After that, I can decide whether to spare her life or kill her instead. Mahaba haba pa ang oras ko ngunit hindi ako maaaring magrelax. Even a second should not be wasted.

Kiss or KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon