Kabanata 49.5

10.8K 270 39
                                    

Chapter 49: Attack of the Gangsters (part 1)

"3 hours?" nakangiwi kong tanong at tinitigan ko sila bawat isa ngunit walang nagsalita. Lahat ay mukhang seryoso at may malalim na iniisip.

Eksaktong bumukas ang pintuan ng maliit na silid kung saan kami nagtitipon. Pumasok ang apat na lalaki sa pangunguna ni redhead. Mukhang bored na bored siya habang nakapamulsa. Nakangisi naman ang mga kasama nito na sina Ethan at Vince samantalang walang ekspresyon si Grayson.

"That's not a very good choice stupid," nakangising wika ni Jairus habang ngumunguya ng bubble gum.

"You're here," nagpanggap akong nagulat sa pagdating niya. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya dahil sa hiya. I'm still embarassed about what happened earlier. Hindi ko akalain na mangyayari yun sa tanang buhay ko. Yes, I chose the jerk.

Maybe I was really the biggest idiot in the world. Pinagpalit ko lahat ng pinaghirapan ko para sa isang lalaki. Nasa harapan ko na ang sagot na matagal ko nang hinahanap ngunit pinakawalan ko pa. For once, I wanted to be selfish. Alam kong mali at alam kong maaari siyang mapahamak sa naging desisyon ko. But what can I do? I can't let him go even if I tried.

"Gago, andito ka rin?" bakas sa mukha ni Jairus ang pagkainis nang makita nito si Carlos at ang mga myembro ng gang nito na PV.

"I'm not looking for a fight today bro."

"Nasaan si Jeremy?" tanong ni Denise.

"He didn't make it," kibit balikat na sagot ni Ethan.

"What do you mean?"

"He's been abducted by the underground people. Hindi sya nakalabas ng abandonang gusali na pinuntahan namin," dagdag naman ni Jairus.

"Hindi namin alam kung anong nangyari sa kanya. We don't have any news if he's alive or.. you know," Vince awkwardly said.

Hindi na ako nagulat sa sinabi nila. Inexplain na sa akin kanina ni redhead ang nangyari. He was able to get out when the booby trap exploded. Akala niya ay nakaalis na si Jem kaya nagmadali na rin siyang umalis. Little did he know, Jeremy wasn't able to escape.

"I think alam ko kung nasaan sya," nag-echo ang boses ni Louise sa basement ng Honeybee's dahil biglang tumahimik.

"Saan?" hinawakan siya ni Grayson sa magkabilang balikat.

Carlos quickly pushed him away lightly from Louise. Halatang hindi siya natutuwa nang hinawakan ni Grayson si Louise. This is the first time I saw Grayson with such emotion. Blanko man ang suot niyang ekspresyon ngunit mababasa mo ang nararamdaman niya sa tono ng kanyang pananalita.

"Louise," tinawag ni Denise ang kanyang kapatid ng may pagbabanta. Napatingin kami sa kanilang dalawa na nagpapalitan ng tingin. Tila nag-uusap ang kanilang mga mata. Umiling sa kanya si Denise na tila sinasabing 'wag-mo-sasabihin.'

"Marami nang utang ang pamilya ko sayo, Ate Miala," binigyan niya ako ng malungkot na ngiti. "I know where they are," aniya.

"Louise!"

Pinigilan ni Carlos si Denise para makapagsalita ng maayos si Louise.

"They?" halos sabay sabay naming tanong kaya nagkatinginan kami sa isa't isa.

"Ang apat pang UGO head."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. I can't believe it, paano nya nalaman? Sabagay, isa siyang descendant ng late third UGO head na nanay niya.

"What do you mean by four?" tanong ni Ethan.

"Hindi ba't patay na si Herrera at Mnemonicson?" Vince added.

Kiss or KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon