Chapter 1-Ruru's power

618 16 9
                                    

Ilang taon na ang nakalipas mula noong mangyari ang hindi nalalamang paglalaban ng mga tao sa mga alien. Limang bata ang binigyan ng kapangyarihang mag-morph para makatulong sa kanilang pakikipaglaban.

Sa pangunguna ni Rachel, naging matagumpay ang kanilang laban. Minsan ay nagkakaroon siya ng kamalian sa pagdedesisyon pero nagagwan naman ito ng paraan ng kanyang mga kaibigan. Natapos ang labanang iyon na kahit ako, si Ruru ay hindi nalalaman kung paano.

Hindi ko man nalaman kung papa-ano nangyari ang lahat, isa lang ang aking natiyak, ang lalaking alien na nagbigay sa lima ng kapangyarihan ay ang aking nakakatandang kapatid.

Umalis ang kapatid ko sa amin mundo ng makita nya kung papa-ano ito bumagsak sa kamay ni ViserV. Inakala nyang pati ako noon, ay nalagyan ng Viru at hindi na nya ako kakampi. Umakto ako na kasamahan nila, hanggang sa nagpasya silang gunawin ang planeta namin dahil sa naubos na rin nila ang katalinuhan sa mga utak ng mga mamamayan namin. Nakakalungkot mang isipin, nagawa kong pagtaksilan ang aking mga kababayan at nagpunta ng ibang planeta.

Nabalitaan ko na lang sa planetang napuntahan ko na ang grupo ni Viser V ay nagpunta sa planetang tinatawag nilang Earth. Nangamba ako dahil alam kong ito ang lugar na pinuntahan ng aking kapatid. Ilang mililyong oras din ang ginugol ngmga tao sa planetang aking unang napuntahan ay naubos sa paggawa ng aking sasakyan para tumulong sa aking kapatid.

Naubos ang oras na iyon na walang pinatunguhan. Walang nakatingin o sumubaybay sa kalagayan ng kapatid ko sa planeta kaya hindi namin na namatay na pala sya sa sandaling nakita namin syang buhay.

Nagalit ako ng husto at nagwala ako sa buong lugar. Naawa sa akin ang mga taga planetang iyon. Maliit lang ang planeta pero nagkakaka-isa ang mga tao doon. Kaisa sila sa kabutihan. Nagawa nilang palakasin ang loob ko at pakalmahin ako.. ng ilang daang oras na ang napakalma sa akin, tinuruan nila ako kung paano lumaban.

Lumaban ako bilangisang Animorphian. Nagulat sila ng makita nila iyon. Pinasubok nila sa akin na gayahinang prutas, bakal, kapaligiran, mga bagay na walang buhay.

Nagawa ko naman iyon.

Isa na lang ang ipinasubok nila saakin. Ang magmorph sa isang fictional character. Drawing lang iyon ng isang bata at tulad ng nagawa ko sa prutasat iba pang bagay, nakapagmorph ako noon.

Napakagaling ko. Yan ang nasa isip ko noon.

Pero, sa sobrang galing ko, napatay ko ang mga tao sa planeta. Hindi ko iyon ginusto. Tinulungan nila ako kahit na estranghero ako pero nagawa ko silang patayin.

Ang fictional character na iyon ang dahilan. Mamaatay tao pala ang iginuhit ng bata at hindi ko na nacontrol ang kapang yarihan ko.

Pinilit kong bumalik sa dati. Naramdaman ko namang unti-unting nawawasak ang aking mga buto at lumalaki ito. Bumabalik na ako sa pagiging Animorphian. Lumabas na ang mahaba kong buhok at naputol ito ng makataing na sa dulo ng aking paa. Ang aking pulang buhok ay bumagay sa aking lilang kulay. Bumalik na rin ang mala maliit na tubo kong tainga. naramdman ko ring nawala na ang butas ng ilong na nakadrawing sa papel. Matapos iyon ay nagkaroon na ako ng apat na paa at tumayo ako gamit ang mga iyon. Hindi kalayo kay Viser ang hitsura ko, pero ang mata kong kulay silaw ang nagpa-iba sa amin.

Lumabas sa likuran ko ang mga itim na pakpak at nagkaroon na rin ako ng mahahabang kuku.

Napapasigaw ako sa tuwing may magbabago sa katawan ko. Hindi ko pa makuha kung paano magmorph. Bata pa naman ako kung tutuusin.

Muli ko ng binuksan ang mga mata ko matapos ang torture na pagmomorph sa ganoog bagay. Pinagmasdan ko ang nagawa ko at napaluhod na lang ako. Naalala ko pa rin hanggang ngayon kung paano tumulo ang mga pula ong luha sa aking mga mata habang patuloy sialang tinitignan.

Matapos ang paglilibing ko sa kanila, Sumakay na ako sa aking sasakyang pang kalawakan. Hindi ko na nilingon pa ang lugar na iyon. Ang planeta ngmga mamamayang pinahalagahan ko rin naman.

Nakaratingna ako sa Earth at nakita kong hindi pa sila sibilisado. Mga walang kwentang bagay pa laman ang nasa kanila at low class na computers. Tinatayang sampung taon ang advancement ng aming planeta sa teknolohiya nila ngayon.

Mga touch-screen ang kanilang cellphone samantalang yuong sa amin ay nakakapagpadla na ang isang Animorphian sa ibang parte ng aming planeta.

Pa-angasan na ng mga taong ito sa mga laruan nila, hindi nila alam na wala pa ang kagandahan ng kanilang teknolohiya sa mga napuntahan kong planeta. Para kasi sa mga taong ito, banta pa sa kanila ang mga Alien na tulad ko. Hindi tulad sa aming galaxy na ang tawag saamin ay Travelers.

Ilang taon din akong nanatili sa mundong ito. Maganda ang kanilang pamamalakad kahit na naboboring na ko sa kanilang teknolohiya. Isang araw sa taong 2014, iyon ang tawag nila dito sa oras na ito. Naramdaman ko ang presensya ng isang Viser. Isang kalaban, at kung hindi ako nagkakamali babae ito.

April 13 ng taong iyon gumawa ako ng social network posts. Pinili ko ang ramdam kong may kakayahan kontrolin ang kapangyarihan ko. Ipiniem(PM) ko sila at ilan silang sumali. Siguro dahil naiinip sila o walang magawa. May ilan din naman sigurong naniwala.

At narito na nga sila, ang aking mga Animorphs.

+++++++++++++++=====================++++++++++++++++++

dedicated sa kanya dahil sya ang unang nakadiscover nito. Di maubos ang pasasalamat ko sa'yo at sa mga kaibigan mo. ^____^ be more active para mapasa'yo ang istoryang ito.. ^___^

Kung sino po ang magpaka-active sa istorya, sya ang magiging bida. May pagkakaton akong pumatay ng character, lalo pa at marami ang anime morpher. At marami naman akong naiisip na nakakahiyang bagay na pwedeng mangyari sa mga Animal morpher.

Hindi po ako sadista, nais ko lang ay ang kasiyahan nyo. Pwede po kayong magrequest kung anong magyayari sa character nyo. Tulaad na lang ni Bebelatlat, may sinabi syang reuest at tingin ko pasok yun sa kwento.

~ruu-chan

Animorphs Revolution (Book of Morphers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon