Sa wakas ng panahon nakarating na rin ako sa lugar ng halimaw. Sinalubon ako ng apat na utusan ko.
Scratch that hindi ko sila utusan. Mga alipores ko sila at dedicated sa akin ang mga mokong na iyan. Ipinapark ko sa isa sa kanila ang bike ko. Sya ang pinaka mahina sa kanilang apat kaya nama pinalayas ko na lang sya. Isa pa, Masyado syang bata par aganitong gawin. Kapag nagkaroon ng kaguluhan, magiging pabigat lang sya kaya naman pinaalis ko na sya.
Lumakad sa tabi ko ang mga alipores ko. Tama nga ng sinabi ko kanina na hindi ko na kakailanganin ng baril at katana kasama ko naman ang tatlong mokong na ito kung saan kilala sa paggamit ng mga bagay na nabanggit ko. Si Eros ang nasa kanan ko, sanay sya sa paggamit ng katana at iba pang knives pati speares May hawak nga sya ngayon e. Baliw lang, parang sa isang malaking labanan ang pupuntahan. Si Alfigie ang nasa likuran ko at magiling sa combat battle. Malalaki rin ang mga muscles at sinasabi ko sa inyo maganda ang hulma ng katawan nyan. Sa sobrang laki ng katawan nyan mala bulit proff na yan e. Maiinis ka lang kapag kumanta. Bakit ka nyo? E puro Titanium kinakanta nyan e. Paulit-ulit lang.
Ang huli an gang malakas ang apog, I mean Makapal ang mukhang patuloy na nanliligaw sa akin. Si Sachi. Siya ang kanang kamay ko pero sanay syang nasa kaliwa ko. Magaling syang gumamit ng baril at sniper syang maituturing.
Malapit na kami sa may pintuan at sumalubong sa amin ang isang lalaki. Maayos ang pananamit nya at halata kong combat butler sya. Sa kanya ko napatunayan na may Hayate Ayasaki na nabubuhay sa aming mundo. Sinundan na lang namin sya papasok sa loob ng isang silid dito. Malawak ang silid na ito tulad ng inaasahan ko. Ang hindi ko lang inaasahan ay ang magkaroon ng limang tao na hindi kaabot-usap sa paghaharap na ito.
"Lady Yoshikune, narito na po si Ms.Miuri." sabi nung lalaki doon sa nakatalikod sa amng babae. Mababa sya sa akin pero mahaba ang buhok nya. Humarap sya sa amin at nahalata ko kaagad na naka contact lens sya. Hindi ito halata para sa mga normal na naririto pero dahil magaling at maganda ako nahalata kong nakacontact-lens sya.
"Maupo ka muna Ms. Miuri." Ginawa ko ang sinabi nya matapos ay hindi na nagpaligoy-ligoy pa at kinuha nya nagisang remote. "Ito ang dahilan kaya kita inimbitahan." sabi nya at lahat kami ay tumingin sa Flatscreen tv nya.
Nakita ko doon si Mukurio. Nagulat ako kasama nina Sachi ng makita namin kung anong ginagawa nya sa isang binatilyo na katulad ang kasuotan sa lalaking nagpapasok sa amin. Matapos ng pagbugbug dito sumunod ay ang mga pagpupuslit nya ng elegal na kalakal sa mga kagamitan ng mga Yoshikune ganoon din sa ilan sa mga naririto. Nanggagaliiti na ako pero pinigilan ko ang galit ko at nanuod pa. Sumunod ay ang paghambalos ng isang bote sa isang lalaki na kung hindi ako nagkakamali ito ay isa sa kasama namin dito na nakabenda pa ang ulo hanggan ngayon. Pagkatapos ng ilan pagngpaglabag, ipinakita naman sa akin ng screen si Mukurio na nakikipagkamayan sa matagal ko ng kaaway sa industries namin.
"Lahat ng ito ay nakuhaan sa loob ng isang bwan. Huli nyang biktima ay ang Yaiigi Group anong masasabi mo sa ginawa ng tauhan mo sa amin?" halata sa boses ni Yoshikune na kumukulo na nag dugo nya sa mga pinanood kanina. At sigurado akong lumalaki na ang galit nila sa akin.
Humakbang paunahan si Sachi na nasa kaliwa ko pero hinarang ko sya gamit ang braso ko. Alam kong nakita nya nag dugo sa palad ko dahil sa pagpipigil ko kanina. Bumalik na sya sa dating pwesto nya. Tumayo naman ako at tinalikuran sila.
"Saan ka pupunta?" Sabi noong isa sa kanila at hinarang kami ng mga tauhan ng nagsalitang iyon.
"Ako na ang tatapos sa mga kagaguhan ng lalaking iyan. And for your information Eight months ng tiwalaga sa amin ang basurang yan dahil sa pagbibigay impormasyon nya sa lalakingnakita nyong kinakamayan nya kanina." Rinig ko kung paano napalunok iyong iba sa kanila. Ang ilan naman ay hindi naniwala. "Ms. Yoshikune, kung hindi mo mamasamain, Pwede bang sumama ka sa akin para naman masabi mo sa kanila ang ginawa ko sa hinayupak na yan kapag nakarating na tayosa kuta nila." Suhesyon ko habang nakatalikod sa kanila.
BINABASA MO ANG
Animorphs Revolution (Book of Morphers)
Science FictionI Choose You. Isa ka sa napili kong gumanap dito sa aking pakikipaglaban. Ibigay mo sa akin ang impormasyon tungkol sa sarili mo. Name: Chosen Morph: Anime or animaL Attitude and appearance of your character: At humanda ka na sa Laban, adventure at...