Town of Sinuglaw in Isla Valeriana

25 2 0
                                    

Ruru: Sinuglaw. Sinuglaw is a Native delecacy which is served as an appetizer or main dish. The term "sinuglaw" is a combination of "sinugba" and "kinilaw"- two popular cooking methods in the Visayas and Mindanao area.Sinugba means grill and "kinilaw" means cooking by soaking in vinigar and citric acid.

72 Thinking of you

Misa’s PoV

 

Magkasama kami ni Red ngayon. Nasa mall kami ng islang ito. Isla Valeriana kung saan daw nakatira sina Thirdy at Kankuru sabi ga matatandang version nila. Uneasy nga lang si Red ngayon ewan ko ba kung bakit sya ganya. Ang hirap namang magtanong diba? Hindi ko maintindihan kung bakit kaya naman tinanong ko pa rin sya.

“Bakit parang malungkot ka at hindi mapakali Red?” pa-cute kong sabi sa kanya. Trip ko lang baka sakaling ma-cut(e)an sya sa akin tapos ngumiti na sya.

“Wala.” Wew, Wa epek pala.

“Di nga Red. May kung anong bumabagabag sa’yo e, sabihin mo na kaibigan mo rin naman ako kaya pwede mo akong pagasabihan ng problema kahit mukha akong pera. Hehehe..” sinusubukan kong patawanin sya pero walang epekto talaga.

Naupo na lang kami sa isang upuan sa food court ng mall na ito sa isla nina Thirdy at Kankuru.

“Ay teka, tutal nasa isang mall na tayo bibili ako ng remembrance.” Masaya kong sabi sa kanya at agad na akong pumunta sa escalator. “Hintayin mo ako dyan. Mabilis lang ako.” Sigaw ko sa kanya ng tatayo na sya. Dahil sa sinabi ko naupo na lang ulit sya.

Agad akong nagpunta sa isang accessory shop at bumili ako ng mga pwede kong ibigay sa mga kaibigan ko. Masaya kasi na nakasama ko sila at thankful talaga ako na sila ang naging kaibigan ko. Malaki talaga ang pasasalamat ko kay Ruru dahil sa sinabi nya sa akin noon kung ano talaga ako.

 

(W/N: Ang sinasabi po ni Misa dyan ay makikita sa librong Orphanage. Ng 14 stories. Comming soon on Wattpad.)

 “Kotori!!” agad akong napalingon sa tumawag ng pangalan ko.

“Ui, Caren! Kamusta?” agad kong tanong sa kanya at niyakap nya ako at nag beso beso kami.

“Ayos lang naman. Ikaw? Huli kitang nakita ay doon sa isang company meeting hindi mo nga ako pinansin e.” Umarte sya na nalulungkot sya. Si Caren ang pinaka-Fake human bieng na makikilala mo sa tanang buhay mo pero kapag totoong kaibigan ang kaharap nya hindi nya ito masyadong pinapakitaan ng pagiging fake nya at isa nga ako sa mga kaibigan nya.

“Pasensya na kung ganoon Caren. Malabo na kasi ang paningin ko tapos ukupado ang isip ko tungkol sa uhmm hehehe.. someone.” Nakangiting sabi ko. Namula naman si Caren at nag-O ang bibig nya.

Animorphs Revolution (Book of Morphers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon