Animorphs Revolution (Artifacts part2)
Future: Morphers and Artifacts
Erth Miuri Angeles' PoV
Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Nangamba ako at ganoon din si Akitchou. Isipin nyong mako-control ng babaeng naka lab coat ang lahat ng tao dahil sa isang serum na papasabugin nya ialang sandali na lang. Ilang sandali pa ay napatay nila ng halos walang hirap yung babae(Artifacts Story).
Umalis din si Terra kasama ang tatlo pa sa building. Napatingin pa muna ako sa mataas na building na iyon bago kami sumunod ni Akitchou. Invisible pa rin kami at pinilit kong itago ang prisensya ko sa kanila. Pinanuod ko kung paano makipaglaban si Terra at ang mga kasamahan nya bilang ang witchblade at mga artifacts. Malakas sila pero hindi kasing lakas namin katulad noong nakipaglaban kami sa mga tao sa japan. Mukha kaming mahina kung tutuusin doon pero wala pa kaming sandata sa panahong iyon. Paano pa kaya kung gumamit kami ng sandata. Pulido ang bawat kilos nila pero hindi ko maintindihan kung bakit ito ipinapakita sa akin ni Akitchou. Hindi ito ang ipinunta ko rito pero hindi ko pa rin mapigalang hindi manuod. Gusto kong tumulong pero meron sa loob ko na parang gusto kong tapusin silang lahat.
Naramdaman ata ni Akitchou ang namumuong kasamaan sa loob ko kaya napatingin ang griffon sa akin. Hindi sya nagsalita pero alam kong nagtatanong sya. Umiling lang ako at nanuod pa kami. Natalo nina Terra ang mga ailien ganoon na rin ang isang naka-armor at nakilala ko sya bilang si Devastata. Isa sa mga kasamahan nina Romina at Ashara. Nakilala ko yung kambal na clone blades, at yung ilan pa sa kanila dahil ipinakilala sya sila sa amin ni Ashara at Romina. Magkasamang nabubuhay ng payapa yung dalawa at hindi na nila naisip na kamustahin pa kami.
Kung totoong narito si Devastata, ibig-sabihin narito rin si Ashara.
Hinanap ko si Ashra pero wala akong makita. Inisip kong mabuti ang nangyayari pero bigla kong narinig ang boses ko na nagsasalita sa utak ko.
<Sa panahong ito wala na ang mga clone blade. Pinatay sila ni Terra dahil binalak nilang sakupin ang mundo. Kasama ng kanilang queen namatay na sila. At si Devastata na ang namumuno.>
Nasaisip ko sya, ibigsabihin nagmorph sya. At patunay iyon na kaya ko pang mag morph sa panahong ito. YES!
<Bakit ginustong gawin iyon nina Ashara?>
<Dahil iyon ang utos ng kanilang queen. Wala na tayong magagawa tungkol doon. Si Devastata lang ang nabuhay dahil kaya nyang magteleport>On cue, nagteleport si Devastata pero nagawan iyon ng paraan ni Terra sa pamamgitan ng tunog. Sa totoo lang nakikita ko lahat ng galaw nila. Alam kong kaya ring gawin yun ni Akitchou. Napapansin kong tumitingin din sya sa lugar na binabalingan ko dahil doon nagteteleport si Devastata. It's all about the sound. Ang sabi ng future na ako pero hindi lang iyon ang dahilan, ang paraan.
Kung papansining mabuti, nagkakaroon ng wavelent sa hangin at dahil animal morpher ako, naririnig ko syang mabuti. Kita ko ang pagkawala ng wave ng hangin sa lalabasan ni Devastata.
Sa huli namatay din ito at bahagya nakapagpahinga ang lahat. Pero hindi pa tapos ang delubyo.
Nakaramdam kami ng malakas na presensya. Napatingin ako sa lugar kung saan sila lalabas. Nauna ko silang nakita kaysa sa kanilang lahat.
BINABASA MO ANG
Animorphs Revolution (Book of Morphers)
Science FictionI Choose You. Isa ka sa napili kong gumanap dito sa aking pakikipaglaban. Ibigay mo sa akin ang impormasyon tungkol sa sarili mo. Name: Chosen Morph: Anime or animaL Attitude and appearance of your character: At humanda ka na sa Laban, adventure at...