Take-off. Trip to Egypt.

77 5 6
                                    

Take-off. Trip to Egypt.

 

 

 

Sky PoV

Medyo naguluhan ako sa konsepto ng refrigirator na pang time travel pero hindi naman talaga imposible kung lalagyan ng... ay teka, huwag na lang sabihin at baka maisipan nyo pang gumawa kung saan saan pa kayong demensyon mapunta.

Di pangkaraniwan itong araw na ito para sa akin. Hindi dahil sa may nangyaring maganda o hindi katanggap-tanggap kundi ngayong araw, aalis na kami at dahil nga paalis na kami narito  na yung sino ang sasakay plane ni Seiji at sino ang sasakay sa plane ni Jaira. Talagang nagkapikunan pa yung dalawa kesyo sino daw ba ang dapat maghatid at promotekta sa mga girls tapos heto si Jaira first day ayun sinagot si Seiji ang pagkakasabi pa ganito oh.

“E sino ba ang galing ibang planeta? Mas malakas kami sa mga lalaki di’ba girls?” mukang konti na lang sasabog na si Jaira e. Kaya itong mga kumare ko ayan nakaisip ng mapagkakatuwaan.

“Oo nga! Tama si Jai!” ginatungan.

Napailing na lang ako. Haharang na sana ako sa mga kabaliwan nila e pero sumunod pa ng pangiinis si JM ayan naasar yung mga girls hanggang sa pinagtalunan na nila (Note nila, di ako kasama. Nanuod na lang ako yoko pang magkawingkles no. Sa ganda kong ito?) hanggang sa umabot na kami sa oras na magising yung mga bata naming bisita.

“Teka, bakit hindi na lang maghiwalay ng plane yung mga lalaki sa babae?” Tanong ni Ranmaru. Sya kasi ang unang dumating dito sa may pintuan palabas ng kastilyo ni Hiroshi.

Papungay-pungay pa naman ang mga mata nung mga kasama nya na sumunod lang sa naririnig na ingay mula kanina. Tapos kahulihang dumating yung leader nila akay-akay si Lyllia. Medyo iinantok pa sya pero sinigurado nyang magiging maayos si Lyllia lalo pa’t malaki na ang tyan nito.

“Teka? Anong laro yan? Balita ko kay Blare tinulungan nyo daw sila sa bakbakan kahapon?” tanong nya at naupo muna sa silyang dala naman nung nakaviolet na si Lionel.

“oo Lyllia at kasulukuyan silang nagaaway sa kung sino ang sasakay sa plane nina Seiji at kung sino ang kay Jaira.” Paliwanag si Andrago na umiinom ng alak sa malaking beer mug. Grabe umagang-umaga beer agad? Di lang pala mukha nya ang kamukha nung avenger na si Thor e pati pala ugali namana nya. Tsk. Tsk.

“Bakit hindi na lang  bukod ang girls sa boys?” tanong nya.

“Yang nga rin po ang tanong ni Ranmaru kanina.” Sabi ni LC. Yung naka Yellow na babae. Tumango-tango na lang si Lyllia.

Animorphs Revolution (Book of Morphers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon