The Plan of Khoros

88 9 5
                                    

The Plan of Khoros

 

 

 

 

 

Keiko’s PoV

 

 

 

Naginat-inat ako ng braso habang humihikab dahan-dahan ko na ring iminulat ang mga mata ko. Tulad ng nakasanayan ko maggu-good morning ako kahit na walang tao. Nagstreatching muna ako bago ako lumabas. Isa ako sa maagap gumising at dahil nga maagap ako nakita ko sina Makoto at Hiroshi na may dalang malalaking box. Saan naman kaya nila gagamitin iyon? Pinabayaan ko na lang mas gugustuhin ko pang kumain kaysa maki tsismis kaya naman lumakad na ako papunta ng kitchen para makapagluto na at kumain. Naroon na si Jaira at nagkakape.

 

 

 

“Good morning.” Bati nya ngumiti din naman ako at naggood morning sa kanya. “Nga pala. Nakita mo ba sina Hiro at Mak na pabalik-balik?” tanong nya habang gumagawa ako ng bacon and egg sandwitch.

 

 

“Ah, oo nakita ko sila pagpunta ko dito. Ang Wierd nga e pero knowing every person naman ang kakayahan ko kaya alam kong may mabuting patutunguhan yung ginagawa nila.” I flip the egg. Yes it was sunny side up pero mas gusto kong luto yung egg yolk.

 

 

“Hahaaha.. para talagang magkakonekta ang kakayahan natin alam mo yun? Yung sa akin na Knowing every attitude nakikita kong maganda ang binabalak nila. Sa atitude na pinapakita ni Hiro nagpa-progress na syang maging Anti-pervert mabuti yun di ba?” ibinaba nya ang kanyang tasa habang ako naman naghahalo noon milo ko.

 

 

“Hehehe.. kung normal na tao tayo baka naging kambal tayo diba?” sabi ko sa kanya.

 

 

Tumayo ako ng makita ko si Khoros may dala syang pamingwit at nakasuot ng pang summer kahit na magwiwinter na.

 

 

 

“O, san ka punta?” tanong ko sa kanya at inalok sya nung kinakain ko. Umiling lang sya tapos nakatitig lang sa akin trhough those glasses. Ito talagang taong ito, hindi papayag na sagutin ng hindi.

 

 

Nagtitinginan kami palagi na para bang may koneksyon sa amin. Parang may mind link kahit na hindi sya morpher. Nakatayo pa rin sya sa may pinto at dahil nga kilala ko ang bawat isang tao sa paligid ko alam kong may gusto syang gawin ko kaya naman tumayo na ako matapos kong lamunin yung ginawa kong sandwitch at laklakin na kala moy hindi mainit yung milo ko. Nilapitan ko na sya at nagsimula naman syang maglakad andami nya masyadong dala pero pinabayaan ko na sya. Malakas naman yang si Khoros kahit na saang parte mo yan ilagay. Kahit sa antartic ocean mo yan ilagay at iwan ng isang taon mabubuhay pa rin sya dun. Galing no?

 

 

Naka pantulog pa rin ako ng sumakay ako sa kotse nasa passenger seat ako at nagawa ko ring tumingin sa likod at nagulat ako ng maraming mga kung anu-anong bagay na hindi ko mahitsurahan dahil madilim ang nakalagay.

Animorphs Revolution (Book of Morphers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon