Animorphs Revolution Ending

82 4 7
                                    

Animorphs Revolution Ending

-A Song For You

Agad na tumayo sa pagkakasalampak si Erth ng makilala nyang ang batang si Connor pala ang lalaking kasama ng mga  kaibigan nya. Kilala nya si Connor. Isa syang prinsepe isang prinsepe at kapatid ng blond na lalaking pervert ng una nyang makilala si Sachi noong highschool pa lamang kami. Isa rin ang kapatid ni Connor sa dahilan kung bakit naging matalik kong kaibigan si Sachi.

“Bakit nandito ka?” tanong ko sa kanya. Umiling lang sya.

“Kasalanan ko. It’s My fault. Kung hindi kami nagpunta dito ni kuya galing sa panahon namin, hindi kayo magkakakilala at hindi mababago ang hinaharap namin. Hindi magiging ganito. Hindi makukulong ang kapatid ko sa nakakatakot na isla.” Napakunot ang noo ni Erth sa narinig nya.

“Ang isla Valeriana ba?” tanong ni Azumi na agad tinanguan ni Connor.

“Paanong kaya mo ng magtagalog pero kanina lang bago tayo magkaganito ay nagiinglish ka pa?” may pagdududang sabi ni Hiroshi habang pilit na inilalayo ang isipan sa katawan ng kaibigan nyang si Makoto.

“Marunong po talaga akong magtagalog.” Halos magusok ang ilong ni Hiroshi sa galit dahil sa sinabing iyon ni Connor.

“Tama na ito. Kailangan na nating makabalik sa nakaraan para matulungan sila.” May pag-aalala sa mukha ni Erth. Siguradong si Andrago lang ang inaalala nya dahil alam naman nyang kaya ng ibang makatakas maliban maraming muscles at yummy na Andrago nya.

“Huy Erth yang utak mo madai kong nababasa. Itigil mo nga yan. Hindi ito ang tamang panahon.” Saway ni Azumi sa kaibigan. She can read minds at madalas nyang nagagamit ito ngayon at nakakatulong talag aito sa kanilang lahat lalo na ang Brain Link nila simula ng matutunan nila iyon ay halos hindi na nila napapansing palagi na nilang nagagamit iyon ng walang hirap.

“Sky, mananatili ang lahat sa ganito. Babalik ka mamayang 6 dahil iyon lang ang tanging sandali na magtatapat ang dalawang time space at madali kang makakabalik. Dahil kung hindi mawawala ka sa excistance at iyon ang ayaw naming mangyari.” Paliwanag ni Lyllia.

Sa dami ng napag-daanan nila, hindi na lang sumasalungat si Erth sa sinasabi ng dalaga dahil alam nyang tama ang mga suhisyon nito. Kinuom na lang nya ang kanyang kamay at saka sila nagpunta sa labas ng Fence. Nanatili lang sila sa nayon sa labas at hindi nakipagkulitan sa mga bata.

Kahit ang ibang taga roon ay nanibago sa ikinikilos ng nakababatang Erth Miuri.

“Lyllia, mabuti pang sabihin mo na sa kanila ang mga dapat nilang malaman lalo na si Connor.” Agad na napatingin si Connor sa nakakatandang Erth Miuri. Nakinig na rin ang iba lalo na ang mga bata galing sa panahong ito.

“Ang labing limng meyembro ng ating samahan ay magiging simbolo ng labing limang sandata. Mga sandatang gagamitin ng mga bata. Mga batang hindi madaling makikita ng mga masasamang kalaban. Mga Spirits na nais pumatay at umangkin ng sangkatauhan. Hindi lang ang mga aliens ang kalaban ng mundo. Nariyan din ang mga ispiritu at mga kakaibang nilalang. Sa sandaling, ipanganak ninyo ang mga bata sa inyong sinapupunan, hindi nyo na magagamit pa ang inyong morphing skills at matitira na lang ay ang mga kakayahang nanggaling sa inyong gene.” Natahimik ang lahat kahit ang mga taga nayon na hindi naman naiintindihan ang nangyayari at nakikiusyoso lang ay natahimik.

Animorphs Revolution (Book of Morphers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon