Ang panliligaw Hiroshi Way Part 1

99 9 18
                                    

Yuki’s PoV

 

 

Kahapon pa kami nag-uusap usap tungkol sa mga lalaki. Si Sky kasi ayaw pa ring maniwalang mas masarap ang may boyfriend. Hehehe.. hindi naman sa sinasabi ko na boyfriend ko na Hiro. Kaya lang gusto ko na din naman e. Pero base sa ugali nya parang wala syang balak manligaw. Tsk Chicks magnet kasi e. Kaka-asar sya!

 

 

Nagising ako ng alas nuebe ng umaga. Hindi ako madalas magising ng ganitopero nitong nakaraan nagigising na ako ng ganitong oras. Sarap naman kasing matulog kapag malamig ang panahon hindi ba?

 

Bumangon na ako at pagbukas ko ng pinto laking gulat ko ng may  full size picture ni Hiroshi at may hawak na listahan. At sa baba ay may nakalagay na malaking Box.

 

“Kung hindi ka si Yuki Huwag mo ‘tong hahawakan kung hindi madadamay ka sa kaguluhan.” Yan ang mga nakasulat doon sa envelope.

 

 

Kinuha ko iyon at binuksan doon ko nakita na listahan nga ng mga bibilhin sa super market. Aba, may sulat pang kasama.

 

 

“Kung ikaw si Yuki, Isuot mo ang damit na yan at bilhin ang mga gamit sa listahan kung hindi papatayin namin ang prinsepe. Isa ako sa mga kinalaban nya noon at gusto kong gumanti sa kanya gamit mo. Huwag kang magsusumbong sa mga pulis kung hindi papatayin ko na rin ang mokong na ito.” Napaluhod ako sa nabasa ko.

 

 

“ANG TANGA  MO NAMANG MAGPAHULI SA KANILA HIRO!!!” inis na inis ko iyong isinigaw. Kainis.

 

Tumayo na ako at nagbihis. Bakit parang walang tao sa bahay ngayon? Hmm..

 

“ANAK NG ASWANG!! ANONG KLASENG DAMIT ITO!!!” takte, kayo ba, magsusuot nito e daig pa nito ang magpapakamatay e!.

 

 

 

Roller blades! Plus mini skirt at tube na may kasamang jacket. Ano to lokohan! Hindi naman ako pokpok sa karendiria para magdeliver ng pagkain at magbigay aliw. Putek talaga.

 

 

Nag improvise ako. Cyling shors sa ilalim ng mini skirt, black muscle cut sando sa ilalim noong tube tapos isinoot ko yung jacket na maong. Putek talaga oh. Napamura ako ng lumabas ako at sobrang lamig at ganito lang ang soot ko.

 

 

Ganito ba talaga sa Japan, kahit may sikat na ng araw malamig pa rin? Kainis. Nagpunta na ako sa nasabing super market at binili ang mga nakalista. Ano bang gagawin dito nung kidnapper?

 

 

Isang supot ng tasty gardinia pa ha. Isang balot ng cooked hams tapos may mayonase. Ladys choice pa. Kainis ang mahal ng pinapabili nya ha!  Dalawang box ng fresh Milk at Orange juice. Tatlong malalaking chips at Nova at Piatos. Kainis lang ha. Mga paborito ko itong ipinapabili sa akin ah. Kaasar na.

 

Tapos nagpunta na ako doon sa counter eleven at habang kwinekwenta yung pinamili ko may ibinigay sa akin yung baklang salesman. Isa nanamang envelope na katulad noong kanina. Nakangiti ito ng nakakaloko. Parang sobrang saya nya. Kaasar lang. Halata namang Japanese to kaya hindi ko na lang at saka umalis. Narinig ko pang may tinawagan yung salesman. Aba, bwiit na yun marunong palang managalog. Kainis. Ah.

Animorphs Revolution (Book of Morphers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon