The War of the Children.
Nakiusap ang mga bata na pumunta sila nina Andrago sa Pilipinas gusto kasing mapunood noong mga bata ang pamosong show ang It’s Showtime. Nangamba si Andrago dahil gusto nyang makasama ang mga morphers. Namimiss nya ang mga ito at kung hindi dahil sa mga batang kasama nya ngayon hindi sya mapupunta dito at makikita ang mga batang morphers na nakasama nya noon.
Tiningnan nya ang grupo nina Lyllia tapos lumipat ang tingin nya sa grupo ng mga bata. Hindi mo mahahalata na kinakabahan si Andrago sa pagdedesisyon pero alam ito ni Lyllia lalo pa at sya ang nakakita ng tunay na Andrago noong makita nya ito sa candy shop.
Ngumiti si Lyllia at pumagitna sa kanina. “Minna~ mas maganda siguro kung manuod din tayo ng Showtime diba Sky?” Nilingon nya si Sky para kumpirmahin ang tanong ni Lyllia.
Nabigla naman ito sa sudden question. Tumikhim sya para mawala ang naramdamang pagkabigla at saka tumingin sa ibang dereksyon.
“P-Pero Lyllia, ayaw mo ba rito? Maganda dito at maraming anime? Masa maganda kung mananatili tayo kahit ilang araw pa!” humakbang si Sachi at hindi nya napansing sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ni Lyllia.
Bilang nakaisip ng ediya si Lyllia sa reaksyong iyon ni Sachi.
“Please Sachi, pumayag ka na.” Hinawakan ni Lyllia ang kamay ni Sachi at kinulong iyon sa mga palad nya. Nagpacute sya na parang si Kobato kapag nakikiusap sa mga nakakausap nya. Inosente kung baga.
Matawa-tawa na sina Andrago, Red, Keiko at Sky sa ginawang iyon ni Lyllia habang hindi naman nakakahalata yung iba. “Ah-Eh, ano--” agad na pinutol ng isang tanong ang sasbihin sana ni Sachi.
“Bakit ginoo, may problema ka ba sa sinabi nya?” Tanong ng isa sa mga bata, batang lalaki iyon mga seventeen years old sya. Nasuot sya ng Dark red na katulad ng pang pirata.
“Ranmaru, huwag ka ng makialam pa. Desisyon iyan na sila ang maguusap-usap. Maglaro na lang muna tayo sa labas at hayaan silang mag-usap.” Agad na lumabas ang lalaking nakasuot ng umaapoy na orange. Maituturing na umaapoy ang kasuotan nya dahil sa mga desenyo nito. Parang isang simpleng T-shirt long sleeves kulay orange na may armor na fire red katulad noong sinuot sa ending ng I-vice ganda mo ako sa Araneta na suot ni Vice Ganda. Simpleng blue maong pants naman ang pangibaba nito na kita ang tuhod dahil sa mga cuts na nangyari rito. Tapos isang high booths na katulad ng suot ni Captain Marvelous ng Gokaiger.
Lahat sila ay tumalikod maliban doon sa Ranmaru kaya naman hinawakan na noong isa nyang kasamahang lalaki na nakasuot ng Indigong inner shirt at pinatungan ng black coat. Nakasuot sya ng slacks na Black bilang kanyang pang-ibaba. Siya ang pinaka pormal ang porma sa kanilang lahat.
BINABASA MO ANG
Animorphs Revolution (Book of Morphers)
Fiksi IlmiahI Choose You. Isa ka sa napili kong gumanap dito sa aking pakikipaglaban. Ibigay mo sa akin ang impormasyon tungkol sa sarili mo. Name: Chosen Morph: Anime or animaL Attitude and appearance of your character: At humanda ka na sa Laban, adventure at...
