Yeekers Untold

18 2 0
                                    

Kankuru's PoV

Nasa opisina ko ako at tinitingnan ang mga requests mula sa kabilang parte ng isla. Matagal ko ng tintingnan ang mga nakalagay doon pero kahit na anong gawin ko sa anyong Griffin, hindi ako makapasok. Babalik at babalik ako sa mismong bounderies ng isla. Sa mismong gitna na parang may harang doon.

"Irrr.. kakainis naman oh! Dapat kasi nandito si Thirdy para sya na lang ang pupunta doon!" inis kong ginulo ang buhok ko ng biglang pumasok si Keiko sa opisina ko.

"Pwede ka sandali?" tanong nya. Muli kong tiningnann ang request.

~"you and yourself only. Come with me in paradise."~ 

Agad kong inilagay sa lamesa ang papel at kinuha ang ibang folder para salansanin at sa huli ay takpan ang request. Lumapit na ako kay Keiko na sya talgang may Cuteness overload. Kung magiging kaedad lang nya ako baka mas cute pa ako sa kanya e. Pero pagbigyan na mataas din naman ang share nya sa lipunan e.

"Anong meron ate Keiko?" sa totoo lang sya lang yung tinatawag kong ate sa kanila. Ang cute nya kasi e.

Naglalakad na kami ngayon pababa ng building at ng makarating kami sa labas ay nakita ko ang lahat ng mga kasama nya na nakatingin sa amin. Lalo na sa akin.

"Uhm, may nalaman kasi kami." sabi ni Keiko at saka sya lumapit sa mga kasama nya. Naiwan ako sa harapan nila. Nagcross arms ako para sabihin ipagpatuloy nila.

"Si Thirdy. Nandito lang sya sa isla tama ba?" Maangas na tanong ni Red habang tinataasan ako ng kilay at nagcross arms din. Hindi ko sinagot ang tanong nya kaya naman si Shynne na ang nagpatuloy.

"May mga nakuha kaming clue na si Thirdy ay imprissoned sa isalang ito. Hindi mo naman kailangang gawin yun e. Isa pa nakatulong mo rin naman si Thirdy sa paglaban sa mga Yeekers." matapang pero mahinahong sabi ni Shynne. Napansin kong ganoon ang ugali nya. Masayahin pero makulit at kapag seryosohan na talaga, nagiging ganyan sya.

Buo ang barkadang ito. At naiingit ako sa pagiging buo nila. Pero ano namang magagawa ko simpleng bata lang ako na may kakaibang kakayahan sa isang simpleng isla. Dahil sa kakayahang yun, wala ng nagkagusto pang makipaglaro sa akin. Kahit na si Thirdy iniwan ako ng biglaan matapos ang lahat lahat.

 "Pfffttt.. Fine sasabihin ko na sa inyo."nagpamewang ako at tumingin sa kanila sa totoo kong edad. Kaedad ako nina Miuri kung tutuusin. At sakit ang manatili sa ganitong anyo. Wala pang lunas para dito pero sigurado akong magkakaroon din sa future. "Si Thirdy ay nasa isla pa ring ito. Sa katunayan nasa kabilang isla sya. Hindi ako makapasok dahil may harang pero malapit na akong makapasok doon at sinisigurado ko sa inyo...." tumitig ako sa kanila ng masama. Masama na halos gusto ko ng pumatay ng sandaling iyon. "ibabalik ko ng buo si Thirdy dito."

Nagulat sila pero napangiti rin. "Sige na aalis na kami." sabi ni Shynne at tumalikod.

Isa-isa silang nagpaalam at nahuli si Kieko. "Salamat. At sana maging maligaya ka na." nagtaka ako sa sinabi ni Kieko pero tumango pa rin ako.

"Ui! Punta kami sa kasal ni Jaira ngayon! sasakay kami sa mga griffins hehe,.. thanks sa pagsasabi na mga evolvers sila ha. Ingat ka dito. Babalik kami kapag nagawa na namin ang dapat naming gawin!" sigaw ni Yuki ng mapabalik sya at maalala iyon. Bumaba na muli siya gumagalaw na kalsada namin at hindi ko na sila nakita.

Animorphs Revolution (Book of Morphers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon