Action o Revelation?

106 5 169
                                        

(Jaira Alcala)

------------------------

Knowing every attitude makes me invinsible in finding what is wrong about my mates(friend mate).

I don’t have the courage to confront them but they have their own way to handle it. But not her...

---------------------

*Mall*

“Naniniwala ba kayo doon sa sinasabi noong dalawa? Parang hindi ako kumbinsido e.” Sabi ko sa kanila habang nilalakad namin ang daan papuntang banyo.

“Si Andrago na ang nagsabi. Mabuting maniwala na tayo sa kanya simula ngayon. Isa pa pinangalwahan na iyon ni Lyllia.” Si Makoto ang nagsalita. Kanina pa tahimik si Erth. Nakakapanibago lalo pa at sia ang leader namin. Parang pinababayaan na nya kami ngayon.

“Ayos ka lang Erth?” tinangka kong hawakan ang balikat nya pero lumayo na sya sa akin bago ko pa sya maabot.

“Bilisan na natin ito.” Sabi nya at nauna ng pumasok sa CR.

“Okay!” si Makoto lang ata ang excited sa ganitong bagay e.

Kinakabahan ako sa ganito pero ginawa na rin namin ang mga sarili naming anime. Tingin ko sinabi na sa inyo ni Erth ang tungkol dito kaya hindi ko na uulit-ulitin pa.

Noong nagising na kami ipinaliwanag nila ang lahat. Kakaiba ang naging paliwanag ng triplets. Sabay-sabay sila sa pagsasalita, halos hindi ko naintindihan. Buti na lang ipinaliwanag ni Lyllia sa amin. Mukha talagang triplets itong sina Kotori, Yuki at Keiko.Ang tatlong pinaka bata ang isip sa amin.

Sa ginawang pagpapaliwanag ni Lyllia, mukhang may inililihim itong si Erth. Hindi sya napaghahalata ng iba maliban sa akin. Isa akong Andalite. At isa sa pinaka malalakas. Ganoon pa man, panget pa rin ako. Hindi man sa panlabas, sa panloob naman. Ako ang dahilan para sugudin ng mga Viru ang bahay ni Sky at makilala si Yuki.

Tulad ng madalas kong ginagawa, pinabayaan ko ang naraamdaman ni Erth na naging dahilan ng pagkakaroon ng away sa pagitan namin.

Natalo nga pala kami, dahil hindi rin kami lubusnag nakasali at bilang usapan, kaming lahat ang makikiusap kay Eiji. Sa kasamaang palad, umapila si Lyllia at sinang-ayunan sya ng lahat.

Muling nasaktan ang kalooban ni Erth doon. Ramdam namin iyon ni Azumi. Para kaming kambal sa ganitong bagay. Nagmumukha nga kaming peace maker nyan e, kaya lang may mga problema talaga na sa sarili lang nating masusulusyunan.

Mga problema na kahit anong gustong sulusyunan ng kaibigan mo para sa iyo, kailangan talaga na ikaw mismo ang gumawa ng paraan.

Nanatili kami sa bahay nina Yuki at Keiko pero nagkaroon sila ng away dahil sa butler na si Khoros. Mukhang ganoon din ang nangyari sa training namin kay Andrago. Nagkaroon ng inggitan at mukhang napasama talaga ang mga sandaling iyon sa aming buhay.

Doon na nagdesisyon si Andrago na magbigay ng mga Gadgets. Mabilis nyang nagawa ang mga iyon at naghiwa-hiwalay na rin kami.

May galit nga kami sa isa’t-isa, magkabati-bati pa kaya kami para sa aming pamilya?

*Flash Back Keiko’s House*

Noong makapunta kami sa bahay nina Yuki at Keiko naguusap sina Sky, Lyllia at Andrago. Malayo sila sa karamihan at ayaw magpa istorbo. Nagpaplano ata ng kasunod naming hakbangin. Malapit sila sa viranda nina Keiko at malamig ang hangin ng gabing iyon. Nasa salas lang kami at nanunuod ng TV.

May balita tungkol sa nagwawalang hayop at kaguluhan sa mall.

“Ah, ano ba yan, ang tagal na nyan bakit ngayon lang ipinalabas.” Sabi ni Azumi na parang naghihinayang talaga. Hawak-hawak nya ang remote nina Keiko. Nasa kusina si Keiko at agad syang lumabas para mapakinggan yung balita.

Animorphs Revolution (Book of Morphers)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon