80 Departure (part 1)

18 1 2
                                        

Animorphs Revolution Departure (rocketear)

Andrago’s PoV

Matapos ang kasiyahan ng gabing iyon, naisipan namin ni Erth na magpunta sa pinaka rooftop ng mataas na building na ito. Hindi naman kami nabigo ni langit dahil may roof top talaga ang kanilang building.

“Ano namang gagawin natin dito Dragon ko?” natatawang sabi ni Langit dahil inalalayan ko sya papunta dito sa rooftop.

“hmmm.. ano nga ba? Maghahabulan?” biro ko na agad naman nyang tinawanan at napalo pa ako sa kalokohan ko. Ngumiti ako at nagtaka naman sya doon.

“Anong meron sayo dragon ko? Bakit bigla-bigla ka na lang ngumingiti dyan ha!” Pinisil pa nya ang magkabilang pisngi ko habang ako naman malagkit lang ang tingin sa babaeng minamahal ko.

“Wala naman Langit. Mamimiss lang kita.” Nakangiti ko pa ring sinabi.

“Adik mo naman Dragon ko. Babalik naman ako ng buo e. Isa pa si Akitchou ang kasama ko ang anak ni Lyllia.” Ang pagkakasabi nya noon parang gusto nyang sabihin ang bagay na Obvious naman.

“*sigh* alam ko naman Langit pero... nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan noon ni Akitchou. Noong nasa Egypt pa kami.” Nakatayo na sya malapit sa dulo ng rooftop at tinitingnan na nya ang ibaba ng magsalita ako kaya naman napatingin sya ng sabihin ko iyon.

“Anong nangyari sa inyo noon? Bakit hindi mo sinasabi sa akin Dragon? Hmm?” tingin ko medyo nainis sya dahil hindi ko nabubuksan ang topic na ito sa kanya noon pa.

“Wala naman. Noon kais alam nyang ang balak ko lang talaga ay ang patayin ka.” Nabigla sya sa sinabi ko pero hindi sya kumibo sa kinatatayuan nya. “Pero minahal na kita ng lubusan noon pa man Langit ko. At ng bumalik sya, ginusto nyang tapusin ang buhay ko para manatili ka kasama namin sa future.” Nang maipaliwanag ko na iyon ay napatingin sya sa mga paa nya at sinubukan nya akong tingnan para magsalita pero napatungo syang muli kaya naman lumapit na ako sa kanya.

“Langit, mahal kita. Alam mo yun. At nakaraan na rin naman iyon diba?” himok ko sa kanya.

“Damn Right! Nakaraan na. Kaya pwede mo ng pagkatiwalaan si Akitchou hindi ba??” Tanong nya na hindi ko nagawang sagutin at napatingin ako sa ibang dereksyon. “Sagutin mo ako Dragon ko! Pwede na nating pagkatiwalaan si Akitchou hindi ba? Isa pa, anak sya ni Lyllia. At kaibigan na natin sya! Nagtitiwala ako sa kanya Dragon ko~” ng tingnan ko ang mga mata nya doon ko nalaman na umiiyak na pala sya.

Natahimik lang ako at hinawakan ko ang mukha nya para punasan pero marahas nya iyong inalis sa mukha nya.

“Noon wala akong pinagkakatiwalaan. Kahit si Ruru hindi ko pinagkatiwalaan. Sina Jaira o kahit si Lyllia. Wala akong pinagkatiwalaan pero ngayon, kilalang-kilala ko na sila. Oo nga’t may mga lihim pa rin tungkol sa mga tunay naming pangalan pero buo pa rin ang tiwala namin sa bawat isa! *sobs*” wala akong nagawa kundi ang kulungin si Langit sa mga bisig ko. Niyakap ko sya ng mahigpit at hindi pinakawalan. “Si Jaira kasal na sya oh, mabait sya. Si Azumi, maingay na kaaway ng sambayanan pero may prinoprotektahan sya. Si Misa, sya na yata ang pinaka oportunistang makikilala mo pero totoo sa nararamdaman nya. Si Keiko kahit bata sya may paninidigan sya. Si Shynne kahit na sya ang pinakabata sya naman ang pinakamagaling na strategist na nakilala ko. Si Yuki Me. Wala syang masyadong nagagawa pero kapag oras na ng laban maasahan talaga sya. Tapos ang mukhang kambal na sina Hiroshi at Makoto. Kambal na makulit at may pagka-pervert pero sa sobrang pag-aalala sa aming mga babae halos lagi sila ang nasa front line ng laban.” Sandali syang tumahimik at tumingin sa akin.

Animorphs Revolution (Book of Morphers)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon