Ms. Suplada meet the Alien

193 12 3
                                    

(Azumi Satchiki)

“Azumi, Azumi ayos ka na ba ha?” eto nanaman sya. Bakit ba kailangang narito pa sya. Kung wala lang sana sya e di sana sa akin si Kuya Fay. “Faye Luis Venton, anong nangyari sa kapatid ko bakit hindi sya nagsasalita.?!” Pinapali na nya ngayon si Kuya Faye. Arte talaga nitong babaeng ito kahit kalian.

“Ate Mack, Ayoslang ako, kapag ikaw nanganak ng wala sa oras lagot ka sa akin.” Banta ko sa kayan tapos bigla na lang syang humagulhol at niyakap ako. Tss.. ang bobo mo ate. I roll my eyes. Alam kong nakita iyon ni Kuya Faye pero paki ko. Alam naman nya kung gaano ko kaayaw ang kapatid ko. 18 na ako at 21 sya. 21 lang pero nabuntis na. Kung ako lang sana ang naunan kay kuya Fay ako sana ang masaya ngayon at hindi sya. Kainis.

“Totoo bang ayos ka lang hindi ba masakit ang katawan mo ha, Azumi?” bahagya syang lumayo sa akin para Makita ang kalagayan ko. Nakabenda kasi ang ulo ko at may ilang galos ako sa braso at sigurado akongpati sa binti ganoon din.

Tiningnan ko sya na walang gana ang mata. Gusto ko lang ipakita na ‘obvious’ naman na masakit ang mga sugat lalo na kung walang pain killer.

“Hehehe.. sorry kapatid.”Sabi nya sabay peace sign.

Sigurado ba ako na kapatid ko talaga itong nasa harap ko ngayon? I mean, oo nga ta halos pagkamalan kaming kambal. Maikli lang ang buhok nya kaysa sa akin pero sa ugali umaarte sya na bata sya samantalang mas bata ako sa kanya. Tsss.. nakakasakit ng ulo ang kabobohan nya.

“AHHH.. AHHH… Faye  Luis, ang sakit na ng tyan ko.” Nakahawak sya sa tyan nya at tingin ko nangpapanic na sya.

“Hoy ate. Tumingin ka sa akin.” Sabi ko at kinuha ko pa ang mukha nya. “Makakaya mo ito. Breath in breath out. Parang sa Karate kid lang. Okay.” Sabi ko at ginawa nya ang sinabi ko. Pinindot ko yung buton na pantawag sa mga nurse at agad naman silang dumating. “Dalahin nyo na sya sa ER.”utos ko. Mga bobo. Chinick pa kasi ang vitals ko e kita naman nilang nahihirapan na yung kapatid ko. “ANO BA! BILISAN NYO NGA!” naiinis na ako kaya pinagsisigawan ko na sila. Masungit na kung masungit. Basta ayaw ko ng mga bobo. Tss..

Ano bang  karapatan ko para magalit sa kapatid ko, bukod lang naman sa pagkuha nya sa mahal ko, wala na syang ibang kasalanan. Kahit na ayaw ko sa kanya kailangan kong maging mabait sa kanya.

I need to be the good girl they want to see.

I want to let it go. I want to be myself. Still, I cannot.

Ako ang promoprotekta sa kapatid ko. Hindi ko hahayaang si Kuya Faye lang ang magpalakas sa kapatid ko. Kahit may kabobohang taglay ang kapatid ko pinag-aral pa rin nya ako.

Hay.. tama, ako nga ang dahilan ng kabobohan nya. Kung hindi namatay ang magulang naming sa aksedente sa bus hindi sana sya nagtrabaho ng maagap. Mas matalino sana sa akin ang kapatid ko.

Wala naman syang ibang ginawa kundi ang mahalin ako at alagaan. Kasabay noon ay ang pangako ko na poprotektahan ko siya sa mga lalaking aapi sa kanya. Hindi ko sya hahayaang masaktan.

Animorphs Revolution (Book of Morphers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon