Future: Doktora (part 1)

14 0 0
                                    

Rune: Ang ilan po sa mga eksena sa kabanatang ito ay makikita sa kaisang story na "Witchblade Trilogy: ARTIFACTS" by PatrickRecto. Read nyo rin po ang story para mas maunawaan nyo ang nangyari sa mga Morphers kahit konti. WARNING: This is the first Part.

_________________________________

      Animorphs Revolution

Future: Morphers vs. Artifacts

Erth Miuri "Sky" Angeles' PoV 

Kuminang ang weighboard na sinakyan namin. Napahawak ako kay Akitchou dahil sa gulat. Alam kong nakita yun ni Andrago pero siguradong hindi ng mga kasamahan namin. Paniguradong magseselos nanaman yun. Tss. Bahala sya. Tae sya. Dapat kasi hindi na nauso yang selos at yang galit nya kay Akitchou e. As if naman type ko yung bata. take note. Anak pa ni Lyllia ha!

Matapos ang malakas na liwanag nakarating rin kami ni Akitchou sa Future. Ewan kung paano bastap agkatapos ng limang segundo sa kaliwanagan ay nasa harapan na nami ng isang mataas na pader. Ito siguro yung sinasabi ni Andrago noon na Fence.

“Sa loob nya naninirahan ang  mga nangangalaga sa mga Artifacts at halos lahat ng mga tao na nasaloob ng fence ay mayayabang at mayayaman din naman. Walang mahirap sa kanila at namumuhay sila ng masagana sa loob niyan.” Poker face. As in walang anumang facial expression si Akitschou habang sinasabi iyan. “Dito muna tayo pansamantala sa labas ng fence. Kailan mo munang makita ang kalagayan namin.” Humakbang sya patalikod at tumingin sa likuran namin. Ganoon din ang ginawa ko at hindi ko inaasahang ganito ang makikita ko sa labas ng fence.

Nakita ko ang kalagayan ng mga iilang tao sa na nakatingin sa akin at nagtataka sa bigla na lang naming pagsulpot ni Akitchou. Isang ina na yakap ang anak na babae, mga binatang may hawak na itak. Ilang mga matatanda at may-edad na may hawak na kalakay o kahoy nabinabalak na ata nilang gamitin laban sa amin ni Akitchou. Inihanda ko ang sarili ko sa magaganap na laban pero agad akong pinigilan ni Akitchou. Susugod na sana ang isang binata na may hawak na itak ng biglang may nagsalitang babae.

“Sandali lang!” Agad natigilan nag mga taong bayan at bahagya silang nahati sa dalwang grupo para makadaan ang babaeng nagsalita.

Mataas ang babae kahit namaikli ang kanyang byhok na kulay dilaw na dahil sa sikat ng araw at dahil na rin siguro walang treatment or conditioner syang nagagamit. Gayon pa man, maganda pa rin sya kahit halatang sinuklay lang ang kanyang buhok at walang ano mang pulbos sa kanyang mukha. Nakasuot sya ng isang simpleng T-shirt na may print ng aming tatoo sa kaliwang pulsuhan noong tinanggap kami ni Ruru bilang isnag morpher. Ang letter A tanda ng pagiging isang Animorph. Isang simpleng pantalon naman ang kanyang pang ibaba at isang lat na tsinelas. Sa itsura ng babae sa harapan ko mapagkakamalan syang modelo dahil kahit na simple lang ang suot nya nagagawa nya iyong elegante. Dahil na rin siguro sa aura nya. Nice. Gusto kong maging tulad nya pagtanda ko. Pero maganda pa rin naman daw ako sa future sabi ni dragon ko.

“Kamusta ka Erth?” nakangiting sabi ng babae ng makalapit na sya sa akin. Nagulat ako sa sinabi nya pero hindi ako nagpatalo sa kagandahang taglay ko. Ngayon pang buntis ako. Tss. Wala sya sa akin noh.

Animorphs Revolution (Book of Morphers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon