Sa wakas NAIA na at nasa Pilipinas na kami. Maraming tao dahil malamang sa ang iba ay naghahabol ng new year dito sa Pilipinas. Sabagay pake ko jan basta ako sa wakas din ay matatahimik na ang buhay ko ng kahit isang araw lang. Kung ang mga kasama ko nman ang tinatanong nyo....ayun kapit tuko at daig pa ang anaconda kung makalingkis sa mga partners nila. Tss...di ako naiinggit,mas type q pa si bogart kaysa sino mang lalaki jan.
"Erth,tulungan na kita sa dala mo." Bigla na lang sumulpot ang kabute sa tabi ko.
"Ah, kaya ko na 'to. Ang mga bata na lang ang intinduhin mo at bago lang sila nakarating dito." Sagot ko kahit naiilang ako. "Tingnan mo at busy sa landian ang mga kasama natin kaya ikaw lang ang pwede tumulong."
Nang makaalis na sya ay agad kong hinanap ang kailangan ko. 'Nasan na kasi yun' bulong ko sa sarili ko habang tumitingin sa paligid. "Ayun" sabi ko at tiningnan ko ang mga kasama ko. Nang mapansin ko na pwede na ay agad akong pumasok sa ticketing office.
"Good morning ma'am,how may I help you?" bati ng receptionist na nandoon.
"One ticket to Bacolod and I want the earliest flight please." at agad namang naghanap sa computer niya ang babae.
Nakakuha ako at in less than an hour na agad ang alis. Agad akong nag-isip ng gagawing pagtakas dahil tiyak ko na hinahanap o hahanapin nila ako. Naghalungkat ako ng bagong jacket para ipalit sa suot ko, isang simpleng sombrero at shades na iba. Medyo sporty na ang bihis ko kaya di na nila ako mapapansin. Wala akong pake kung tinitingnan man nila ako sa loob ng office na yun importante makatakas ako. At lumabas na agad ako ng pasimple lang at yung tipong walang makakapansin sa akin.
Agad akong nag chek-in at pumasok na ng eroplano. tumawag ako sa kubo at nagpapasundo sa airport dahil pagod at tamad na kong magdrive pa. Naisip ko rin na malamang naghahanap na sila kaya naisipan kong itext si Lyllia.
*nauna na ako...may kailangan pa pala akong bilhin sa mall...sunod na lang ako.---send
Pinatay ko na rin ang phone ko at sumandal sa upuan ko. Napangiti akong isispin na matatahimik na rin ako dahil walang gugulo sa akin sa kubo ko.
*******
Agad akong sinalubong ng driver sa airport. Di naman karamihan ang tao kaya nakita nya agad ako. Sabagay sa ganda kong ito sino ba ang hindi makakapansin sa akin. Agad na kaming bumiyahe at medyo malayolayo pa ang kubo ko at gusto ko na talaga matulog at matahimik kahit sandali lang. Di ko nga namalayan na nakaidlip ako sa sasakyan eh. Nagising na lang ako ng sinabi ng driver na malapit na kami. At iyon nga, nakita kung bumukas ang unang gate which is ang resort at napangiti ako sa nakita kong ayos nito. malinis at maganda ang paligid,halatang alagang alaga nila ito. Sumenyas lang ako ng tuloy kaya dumeretso na ulit ang sasakyan sa pangalawang gate...ang kubo ko. Agad namang nagbukas ang gate at tulad sa resort ay alagang-alaga din ito.
Nang maiparada na ng sasakyan ay agad akong bumaba at tumuloy sa kwarto ko para magpahinga. Nagfreshin up lang ako ng kunti at nagbihis ng damit na nakasanayan ko ng isuot tuwing nandito ako. Short shorts at fitting na shirts para kumportable ako. Naalala ko si Lyllia kaya tinawagan ko siya.
BINABASA MO ANG
Animorphs Revolution (Book of Morphers)
מדע בדיוניI Choose You. Isa ka sa napili kong gumanap dito sa aking pakikipaglaban. Ibigay mo sa akin ang impormasyon tungkol sa sarili mo. Name: Chosen Morph: Anime or animaL Attitude and appearance of your character: At humanda ka na sa Laban, adventure at...