Boys adventure (part 2)

24 3 3
                                    

Ricco's PoV

Nakakabwisit isipin na dahil sa ganitong kaganapan sa buhay namin ni Misa labis akong masasatan. Paki-alam ko ba sa makakatuluyan ko kapag nawala na sya. Marami na kaming napagdaanan at pinagsamahan tol! ano pa bang gusto ni tadhana? Ang masaktan ako ng lubusan? Hindi ba nya alam na sobrang sakit na nung tumakas sya sa orphanage at iwan kaming lahat? Ang sakit kaya ng paasahing babalik sya kaagad pero umabot pa ng tatlong taon bago sya bumalik sa amin at alam ba ng faith na yan tol kung ano ang pakiramdam na parang sobrang layo na nya dahil nagpursigi syang magtrabaho at yumaman? Alam ba ng tadhana na yan kung gaano ako nasasaktan sa tuwing sasapit ang gabi na hindi ko nakikita ang babaeng pinakamamahal ko?!! Nakakabwisit yang si tadhana! Bakit ba kailangang si Misa pa ang mawala? Bakit hindi na lang ako?

"Kuya Ricco may problema po ba? Kanina ka pa po nakatulala dyan." napatingin ako sa batang lalaki na umagaaw sa pagmumuni-muni ko.

"Ah wala Bradley namimiss ko lang si Ate Misa mo." sagot ko sa batang medyo black ang buhok. Ngumit sya sa akin tapos tumabi sa parteng kanan ko habang nakaupo ako sa katawan ng isang natumbang kahoy.

"Sus si Kuya, palagi mo na lang namimiss si ate! Sobra talaga ang pag-ibig kapag sya ang bumanat ng kalokohan." komento nya.

Kalokohan? Kalokohan nga ba talaga ang ginagawa ng tadhana kaya kami nagkakaganito? O si pag-ibig mismo ang dapat kong sisihin dahil sa pinaglalaruan nya ang puso namin?

Ginulo ko na lang ang buhok ni Brad tapos ngumiti na rin ako.

"Loko ka talaga." sabi ko lang at nagpunta na kami sa loob para makipaglaro sa ibang bata.

"Kuya gaano mo ba kamahal si Ate Misa? Hanggang anong punto mo sya minamahal?" tanong ulit ni Brad. Nasa swing kami ngayon at ako ang tagatulak sa sinaksakyan nyang swing habang naglalaro kami dito.

"Walang hangganan Brad. All of me love everything about her." agad na tumalon si Brad mula sa duyan at tumingin sa akin ng nakangiti. Nakalagay ang kanyang mga kamay sa likod at medyo naglean forward. Nilakihan pa nya lalo ang ngiti halos labas na lahat ng ngipin nya.

"Kung ganoon naman pala wala kang dapat ipag-alala dahil kahit na ano pang mangyari sa hinaharap, mararamdaman pa rin ni ate Misa ang pagmamahal mo!" doon na tumulo ang mga luha ko. Mahal ko si Misa at hindi yun magbabago kahit na mawala pa sya. Mananatiling syang ang una. Mananatiling sya ang pinakamamahal at pinakapinahahalagahan ko simula pa ng una ko syang makilala.

"Hoy bata anong pangalan mo? Bakit nagiisa ka dyan? Loner ka no?"

"Tsk. Makabata ka kala mo naman mas matanda ka sa akin! Nandito ako kasi ayaw kong makipaglaro sa iba."

"Ganun? Sige ako na lang makikipaglaro sayo sipuning bata."

"Sinabi ng hindi ako bata. At di rin ako sipunin!" sigaw ko noon sa kanya.

"E anu yang nasa ilong mo luha? Baliw. Tara dun sa swing! Magswing tayo!" 

"Ano kuya, naiintindihan mo na ba?" Ngumiti ako kay Brad.

"Loko ka, para ka namang matanda ung magsalita!" sabi ko sa kanya na medyo natatawa.

"Alam mo kuya marami akong alam kahit nga yang ispirito na kulay itim na gustong kainin ang kaluluwa mo, nakikita ko. Yan din ang dahilan kung bakit ka nalulungkot kanina pa." Nagtaka ako sa paiwanag nya pero ngumiti na lang ako.

Animorphs Revolution (Book of Morphers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon