67 Hula
Red’s PoV
Nagluluto ngayon sina Lyllia at Keiko. Nagpunta ako sa kanila dahil ayaw kong makita ang mga bata ngyon. Hindi ko gustong makita ang masaklap na hinaharap kung saan kailangan kong mamatay. Ayaw kong maalala ang mga ipinakita ng hayup na nanay ni Andrago!
Alam kong mali na nagagalit ako ngayon. Mali ang iniaasal ko pero... napapagod na ako. Napahawak ako sa ulo ko matapos kong umupo sa isang bangko sa loob ng kitchen, sa may lamesa kung saan nakakalat ang mga lulutuin nila.
“O, inom ka muna.” Kinuha ko ang binigay ni Keiko na gatas. Maya-maya’y nag-slice ng cake si Lyllia at ibinigay sa akin.
“Salamat.” Sabi ko at tinikman na yung cake.
“hindi mo kailangang mag-isa sa mga pangyayaring nakakagulo sa isipan mo Rath.” Sabi ni Lyllia at hinawakan ako sa balikat. Napangit ako ng hindi ko napapansin.
Iba talaga kapag si Lyllia na ang nag-aalala. Hindi ko tuloy ubus-maisip na kinamuhian ko sya sa pagkamatay ni Rune.
“Lyllia, pinagsisisihan ko na nagalit ako sa iyo at ibinunton ko sa iyo ang sisi sa pagkamatay ni Rune. Alam mo naman kasing—malakas si Rune at hindi matangap ng isip ko na mamatay sya.” Nanatili syang nakatalikod sa akin at nakaharap sa mga kaserola at sangkap sa kanan nya. Samantalang napatingin sa akin si Keiko. “Dapat nahulaan ko na, na handa syang mamatay para sa mga taong mahal nya noon umpisa pa lang na pinaputulan nya ang kanyang buhok at tinanggap ang misyon nya na hanapin ka sa ibabaw na mundo.”(W/N: T^T Naalala ko tuloy si Rune Senti!! A.C.W.A-GemForce ATLANTIS. Gwapo nya grabe. XDDD) nakatingin ako sa plato kong may lamang cake. Naalala ko ang bago nyang anyo sa Atlantis, kamukha nya yung isang anime character na sikat noong 2008 si Tamahome.
“Red..~” malungkot na bulong ni Keiko sa pangalan ko. Ngumiti ako bahagya sa kanya at nakit akong para syang si Hinata ng napahawak ang kalawang kamay nya sa dibdib nya.
“Pasensya ka na kung nasasaktan ka ng sobra Rath. Alam ko namang hindi ikaw yung tipo ng tao na gustong maging matapang tulad ng ipinapakita mo ngayon. Ang totoong Rath at palangit at maliwanag ang aura. Ang totoong Rath ay makulit at positive thinker. Alam kong dahil sa akin nagbago ka at labis akong nasasaktan dahil doon. Kaya naman Rath,” Lumapit sya sa akin at ibinigay ang isang hikaw. Hikaw iyon ni Rune noon. Inilagay nya iyon sa kanan kong kamay at sya mismo ang nagsarado ng kamay ko at ngumiti sya sa akin. “bumalik ka na.”
Tuluyan akong lumuha dahil sa sobrang saya. Umupo ako ng maayos at ipinikit ang mga mata ko. Pinakiramdaman ko ang paligid at doon gumaan ang loob ko. Isinuot ko ang hikaw ni Rune sa tigkabilang tainga ko. Isang parang yung Kwintas sa pure love na may chain at parang sinaunang bracelet ang nasa dulo ng chain na iyon. Maliit lang iyon at kasya sa tainga kaya naman nagmukha lalo akong rakista dahil sa snakebite ko sa kaliwa kong tainga.

BINABASA MO ANG
Animorphs Revolution (Book of Morphers)
Science FictionI Choose You. Isa ka sa napili kong gumanap dito sa aking pakikipaglaban. Ibigay mo sa akin ang impormasyon tungkol sa sarili mo. Name: Chosen Morph: Anime or animaL Attitude and appearance of your character: At humanda ka na sa Laban, adventure at...