(Rath Soulth Loure “red” Lopez)
Masyadong maraming nangyari ngayong gabi at kita ko ang kaguluhan sa isip ng mga tao dito sa ospital ngayon. Maging ang mga nurse at doctor na napapadaan sa amin, kung hindi nawiwirduhan ay natatakot.
Nagawa ko ng basagin ang kaguluhan sa isipan ng mga kasama ko ng sabihin kong isa akong alien. Totoo naman e. Kung may santelmo meron namang tulad ko. Nag-iisa na ako sa lahi naming. Ako na lamang ang adult at wala ng susunod pa sa akin.
Ang mga magulang na kinilala ako bilang anak ay syang nagluwal sa akin bilang tao. Kinaya kong maging isang maliit na molecule isang sperm cell at ginawa ko ang lahat bilang isang sperm cell para ako ang mabuhay. Hindi nyo man maiintindihan sa ngayon dahil masyado pang malayo ang teknolohiya nyo sa amin ipapaliwanag ko lang ng madali. Kung alam nyo kung paano nabuhay sa womb ng tao si Denis sa kilala nating character ng Ghost Fighter o Yu Yu Hakosho(di ko alam kung yan nga basta malapit dyan hehehe) parang ganoon din ang sa akin pero pure science ako. At nakapasok ako sa loob ng ina ko dahil sa nagawa kong dumikit sa skin ng ama ko. Alam nyo na kung saan yun. Hehehe.
So, alam ko namang hindi sila maniniwala sa ganda ko ba namang ito maiisip nila na isa nga akong alien, Model siguro baka maniwala pa sila kaya naman dinala ko sila sa labas para patunayan ang kaya kong gawin.
Hindi sumama si look alike ni Kathreen Bernardo. No kidding kamukha nya talaga. Naniniwala daw sya sa kakayahan ko. Hindi ko inaasahang sa dami naming siya pa ang unang maniniwala sa akin. Isan batang babae. Bata ang tingin ko sa kanya pero mas marami pa pala syang nalalaman sa akin. At may alam pa sya bukod sa ugali ko at katayuan ko bilang Alien.
Tumingin pa ako sa kanya sandali at nakita ko syang may iniisip na malalim.
---
“Ano hindi pa ba tayo magsisimula? Ang lamig dito oh.” Ang arte naman nito, hindi na ako nagtataka na pinsan sya nung masungit na babae. Buti na lang at wala dito yun. Ang gulo noon at sobrang madada. Tinalo pang daldal ni Keiko.
Ngayon ko lang naalala, matagal ko na nga palang kilala si Keiko. Sa sobrang tagal naming hindi nagkikita nakalimutan ko na sya.
“Gusto mong uminit?” nagsmirk ako na parang may masamang pinaplano. Naglabas ako ng apoy sa kamay ko. Mainit sya pero hindi ako napapaso. Naiinis at naiinip na ako kay naman binilog ko ang apoy sa dalawa kong kamay at itinapon kay Hiroshi. Katabi nya ngayon sina Misa at Makoto. Kitang-kita na nagulat si Hiroshi dahil sa kanya ko iyong ipapatama pero agad syang nakailag. Lumampas sa kanya ang ginawa kong Fire ball pero ang hindi nila alam heat detector ang apoy kong itinapon sa kanila.
Naghiwalay ang apoy ko sa tatlo at sinundan na nito sina Misa at Makoto. Tatlong Fireball ang kaang iduplicate ng mga apoy ko at ilan sa mga apoy ko may heat detector. Hehehe ang saya nito.
Nawala sa paningin ko si Misa hindi ko alam kung papa-ano aat kahit ang apoy ko hindi sya makita kaya naman wala na akong ibang npagtripan kundi yung dalawang lalaki. Nagpakawala ako ng maraming apoy pati nga fire dog pinakawalan ko na at agad nitong hinabol si Makoto. Nagtatakbo pa si Makoto at ng mapansin ko na nagpapahiga na si Hiroshi pinatamaan ko sya ng maraming fire balls at fire blade. Madali nyang naiiwasan iyon. Para syang sumasayaw sa mga fireballs ko. Ang flexible ng gunggung.
Nang makita kong nakuha na ng mga kasama ko ang galling ko tinanggal ko na ang lahat ng apoy. Kumalat na rin kasi ito sa mga damuhan e. Patay kami kapag may nakakita nito.
“Nasobrahan ka ata sa pagpapakitang gilas.” Si Jaira iyon. Humakbang sya ng kaunti paunahan tapos iwinagayway nya ang kamay nya. “Ayeee.. Akala nyo may owers din ako no.Hahaha.. Trip ko lang umepal. Tara na. Masyado na tayong matagal dito.” Para naman itong baliw akala ko may kapangyarian syang gumawa ng damo at halaman. Tss..baliw.
BINABASA MO ANG
Animorphs Revolution (Book of Morphers)
Ciencia FicciónI Choose You. Isa ka sa napili kong gumanap dito sa aking pakikipaglaban. Ibigay mo sa akin ang impormasyon tungkol sa sarili mo. Name: Chosen Morph: Anime or animaL Attitude and appearance of your character: At humanda ka na sa Laban, adventure at...