Beach and Confessions

23 1 0
                                    

Andrago's PoV 

Nasa park kami ngayon. Hawak ko sa baywang si Erth habang pinapakinggan namin ang sinasabi ni Jaira.

"Sa isang araw na ang kasal namin ni Seiji sa San Deigo." anunsyo ni Jaira.

"CALIFORNIA!!??!!" sabay sabay naming tanong na pasigaw. Akalain mo nga naman oh, makakapunta kami ng SD para sa isang kasalan.

"Hindi. Baranggay yung San Deigo sa parteng pa Mindanao." sagot naman ni Jaira at iisa lang ang reaksyon namin.

(-_-)

"Tss.. akala ko California na e." komento ni Misa.

"hahahaha.. Ayan kasi." biro naman ni Hiroshi.

"Magtigil ka, ipiprito kita!" sigaw naman ni Misa kaya natawa na lang si Yuki sa pakikipag-away ni Misa kay Hiro.

"Ikaw Sky? Kailan ang alis mo?" tanong naman ni Shynne kay Erth. Sandali itong nag-isip bago sumagot. "Siguro pagkatapos ng kasal nina Jaira. Gusto ko muna silang makita ikinasal e."

Napangiti ako sa sinabi ni Erth. Sa totoo lang gusto ko na rin syang pakasalan. Hindi lang dahil nakabuo pala kami kundi dahil mahal ko talaga sya.

Isang katangahan na hindi ko kaagad napansin na minahal ko na pala sya noong unang buhay ko pa lang. Oo alam kong may pagtingin na ako, kaya ko nga isinakripisyo ang buhay ko para sa kanya. Pero parang may mali pa rin. At natatakot ako na malaman na mangyayari na iyon.

Ramdam ko na pag-alis nya papunta sa future ay may magbabago sa aming dalawa. Gusto kong sabihin sa kanya na sya lang ang mahal ko at patuloy kong mamahalin kahit na ano pang mangyari pero kaya ba talaga? kakayanin ko nga ba?

Ahhh.. bahala na.

_-------_

Tanghalian na ng umalis kami sa park kaya naisipan ng lahat na kumain muna. Missing our children, naisipan naming bumalik sa pantalan o port ng isla Valeriana. Agad naman nila kaming nakita bago pa kami tumawag sa kanila.

"San tayo kakain?" excited na tanong ni Ranmaru kay Makoto. Tingin ko malaki talaga ang paghanga ni Ranmaru sa papa nya. Hinimas na lang ni Makoto sa ulo si Ranmaru na parang aso.

"Saan mo ba gusto Ran?"tanong ni Azumi na nakangiti sa anak.

"Hmmm,.. Barbique?" tanong nya tapos tumingin sa mga kasama nya. Sa mga bata din.

"Hahaha sige tapos si Hiroshi ang ibabarbique natin!" masiglang mukahi ni Misa.

"Huwag naman uy~!" himok ni Hiro at pumunta pa sa likod ni Yuki. "Yuki oh.~" sabi nito na parang bata.

Animorphs Revolution (Book of Morphers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon