Kabilang parte ng Isla Higantes (isla valeriana)

31 2 0
                                        

Animorphs Revolution Thirdy

Kankuru’s PoV

Tatlong araw ang lumipas ng umalis ang mga morphers sa isla namin. Hindi ako mapakali sabawat araw na lumilipas simula ng umalis sila at ngayon ngang araw na ito lalong lumakas ang kabang nadarama ko. May isang papel kasi ang dumating sa akin opisina saktong alas tres ng hapon. Nang buksan ko ang sulat ay parang akong tinakasan ng aking kaluluwa at nanlambot ang aking mga tuhod. Mabuti na lamang at nakaupo ako kung hindi ay baka bumagsak na ako sa sahig ng mabasa ko ang luham.

Nakalagay doon na kailangan ko ng magpunta sa nasabing parte ng isla kung saan naroon si Thirdy.

Nangangamba man ako, nagpalit anyo agad ako bilang isang Harpy. Isang harpy lady katulad ng isang card sa Yugioh. Nagmorph ako sa anime hindi nag evolve. Mukha akong cosplayer ngayon pero lumilipad ako. Nagawa ko ng lumabas ng gusali ng bayan at agad akong lumipad papunta sa parte ng isla nasinasabing naroon daw si Thirdy at nakakulong.

Ang isla Valeriana. Ang isla ngayon na tinawag na Isla higantes dahil sa mga nahukay noon na buto sa yungib ng isla ay ang aming mahal na isla. Maraming nagsasabi na maraming kababalaghan ang aming isla noong nakaraang panahon kung saan wala pang masyadong maraming electricity weapons, gadgets and telepoters. Sa totoo lang dito sa isla namin ay uso na ang teleporting gamit ang isang lumang computer mouse at isang bagong Mobile Wifi. Hindi ko maaring isiwalat kung paano namin ginagawa iyon pero sa lakas ng aming bayan, nagawa naming magteleport sa kahit anong lugar na gustuhin namin. Hindi magtatagal makakagawa na rin kami ng time travel machine at dahil dito ang Isla Higantes ay uunlad na ng tuluyan. Marami pa rin sa aming mga taga isla ang tumatawag sa isla na Isla Valeriana. Siguro dahil na rin sa nakaraan na pagmamay-ari ito ni Lady Valeriana. At dahil sa pangyayari noon sigurado ako na may natitira pa ring kapangyahiran sa aming isla. Maipapaliwanag iyon ng harang na pumupigil sa akin sa pagpunta sa kabilang parte ng isla.

Gayon pa man, kaya na rin naming gumamit ng force field para sa mga bagay tulad ng biglaang pag-atake ng taga ibang lugar. Hindi naman sa uso pa rin ang digmaan ngayon pero dahil na rin sa pag kakataon at sa mga Virus na dumating, agarang nakagawa ang mga scientist namin ng force field at iilang dangkal lamang ang pagitan nila ng mahika na bumabalot sa kabilang bahagi ng isla.

Lumilipad pa rin ako sa itaas ng isla malapit sa hangganan ng force field namin at ng sa mahika ng kabilang isla. Inihanda ko ang aking sarili at bumaba na ako para maglakad na lamang papunta kabilang parte ng isla. Nahinto ako ng may maramdaman kong nakatingin sa akin. Agad kong kinuha ang isang ballpen. Ito ay isang laser pen. Malawak ang sakop nito kapag nagawa kong pindutin ang activating button. At siguradong magkakaroon pa ng pagkasunog sa mga kakahuyan dito.

Nakaramdam ako ng kakaibang takot ng maramdaman kong may gumagalaw palapit sa akin mula sa unahan ko. Agad akong umatras at hindi pa man nakakahabak muli ang kung sino mang nasa harapan ko ay tumakbo na ako papunta sa kaliwa ko. Papunta sa lugar na walang puno. Sa karagatan.

Tumakbo lang ako hanggang sa marating ko ang hangganan. Naramdaman kong nawala na ako sa Zone ng aming force field at hingal akong napahawak sa mga tuhod ko. Nakasuot lang ako ng isang sweat shirt na may mga buttons sa gitna at isang maikling shorts dahil Friday at hindi kami uniform ang suot.

Animorphs Revolution (Book of Morphers)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon