Balik po tayo sa PoV ni Misa. At sa isa pang underground laboratory.
\-----------------------/
Nakalayo na aming lahat sa bahay na sinalakay ng mga masasamang nilalang. Joke-y!!!! Hindi naman sila masasama mga takot lang ata. Bakit ba kasi hindi namin madaan ito sa mabuting usapan? Mga hayuk ata sila sa laban at puru karahan ang nalalaman. Wala naman akong magagawa kung baliktot ang isip nila ng pinanganak sila diba?
Pero sana naman nagkaroon muna ng areglo hindi yung sumusugod na lang sila ng ganito. Mga buntis kami tapos ganito pa ang gagawin nila sa amin? Para kaming mga wild animals na gusto nilang huntingin. Syems. Mga morphers nga kami at kaya na naming magcross morph ngayon hindi lang namin gustong gawin dahil baka magkamali kami ikamatay pa namin.
Sa akin okay lang na gamitin ko ang cross morphing dahil mamatay din naman ako sa huli pero kailangan kong mailigtas yung bata sa future kung sino man yun dahil kung mangyaring mamatay na ako kaagad, lahat sila maka-capture at hindi na magkakaroon pa ng kapayapaan sa mundo. Iyon pa naman ang dahilan ni Ruru kaya sya nagpunta sa bansang ito. Sa mundong ito.
Speaking about that butterfly lady na may mga kasamang baboy na pink, pusang babae na naka white dress at isang aakalain mong member ng team ni Dorothy sa Wizard of Oz dahil sa bakal nyang armor. Sino ba yung mga yun at bakit buhay pa si Ruru sabi nya mawawala na sya at pinatunayan naman iyon ni Lyllia dahil na rin sa sinabi iyon ng ama ni Shynne. May masakit na nakaraan si Ruru. Higit pa sa mga kamalian at sakit na nararamdaman ng bawat isa sa amin sa aming mga nakaraan pero bakit ngayon masaya sya. Yung pakiramdam ko sobrang gaan dahil sa mga ngiti nya kapag kasama nya yung baboy na kulay pink na kapag nagkatawang tao ay mataba at bansot pa.
Arita, Haruyuki ata yung pangalan nun. Gusto ko na sanang tanungin si Ruru pero laging nandyan yung babaeng pusa na nakawhite dress. Sya naman si Kurashima, Chiyuri. Minsan nakikita kong nagsasagutan sila ni Ruru pero mas madalas na parang pinagseselos nya si Ruru sa pamamagitan ni Haruyuki. Kapag naman wala si Chiyuri ang lalaking bakal naman na pang wizard of oz na si Mayazumi, Takumu ang kasama nya at parang naguusap sila sa isipan nila. Hindi naman imposible yun dahil may gadget na nakalagay sa leeg nila na mas matindi pa ang ka-hightec-kan sa mga computers namin ngayon. Katulad noong papel nina Kankuru at Thirdy, halos ganoon din ang function nito mas perfect nga lang ito dahil hindi ko nakikita ang kahit na anong nakikita nila. Tinatawag siguro itong Neuro Link.
Isang link na ginagamitan ng mga neurons at utak lang ang nagpapagana dito. Sa panahon naming ito halos nasa one-fourth pa lang kami ng ganoon ka-advance na technology pero hindi naman imposible. Nakagawa na nga ng teleporter ang mga scientist ni Kankuru sa Isla Valeriana kaya hindi talaga imposible ang paggawa ng neuro link gadgets.
Matapos kong magpahinga sandali, naisipan kong kausapin ang mga kasama ko tungkol dito. Totoong hindi namin ginagawa ang mga pag-aaway sa haba ng panahon na magkakasama kami. Siguro dahil sa common dinominator namin at yun ay ang pagiging isang morpher at pagmamahal namin kay Ruru at pasasalamat na rin. Kung hindi dahil sa kanya hindi kami makakarating sa ganitong punto.
Pero kung hindi kami naging morpher, hindi kami mapapahamak.
"huy, Misa problema mo? Wala si Lyllia at walang gagamot nitong paso ko tapos di ka man lang tutulong?" nawala ako sa siniisip ko ng marinig ko yun mula kay Red. Ibang klase talaga ang kawirduhan nito. Kung kinontrol nya ang kakayahan nya kanina, di hindi sana mangyayari ito.
BINABASA MO ANG
Animorphs Revolution (Book of Morphers)
Science FictionI Choose You. Isa ka sa napili kong gumanap dito sa aking pakikipaglaban. Ibigay mo sa akin ang impormasyon tungkol sa sarili mo. Name: Chosen Morph: Anime or animaL Attitude and appearance of your character: At humanda ka na sa Laban, adventure at...