Kaguluhan, Inggit, kataksilan?

117 8 16
                                    

(Erth Miuri “Sky Freedom”)

Nice call. New powers. Isa akong shifter and i can shift into anything and now, an Anime morph. Just great. Like what they’ve said. “New powers came withgreat responsibility.” Just great. I want to be powerful. Yes I do. Pero hindi ganito kabilis. Siguradong may mabubuong inggitan. Ganoon naman palagi e. Kaya bakit pa nila sinabi na may ganito kaming kakayahan.

Sa simula pa lamang alam kong may inggit ng nabubuo kay Makoto. Inggit sa aming lahat. Inggit kay Jaira dahil isa syang Andalite. Kaya naman, bakit? Bakit kailangan naming magkasira-sira dahil sa ganitong bagay.

Nasa Sorsogon na sina Misa at Azumi. Nasa Batanggas sina Yuki at Shynne kasama si Andrago. Sina Lyllia, Keiko at Red naman ay nasa Lucena. Umuwi sa Seoul si Jaira. At ewan ko sa mga boys kung saan sila nagpunta.

Kainis.

Malapit nanaman ang pasukan at hindi ko alam kung paano ipapaliwanag kay Sachii ang mga sumugod sa amin noon.

Bwisit. Heto ako ngayon sa isa ko pang bahay sa Manila. Sekreto kung saan. Baka ituro nyo pa sa mga Viru. Bago na nga pala ang ginagamit naming kumunikasyon sa inyo. Gawa ito ni Andrago. At nadedetect na  namin ngayon kung nasaan ang mga alipores ni Viseru.

Mero na kami ng tinatawag na  tracker. Mukha lang syang simpleng poket watch pero isa tagalaga syang traking divice. May kakaibang brain waves ang mga alien at sinasabi ko sa inyo ang dami ng alien sa ating mundo. Lakas maka Men In Black nito pero totoo. Meron nga talaga at ang lakas maka X-Men ng mga gadget namin na pang Totaly Spies Tsss.

Yes we have gadgets from the Andrago the great. At alam nto bang sya pa nag nagtrain sa amin bago kami magkahiwa-hiwalay. Mantakin nyong marami syang alam na combat moves at hindi lang iyon.

Kase, kahit na anong gawin naming atake, magpalit-palit man kami ng morph, hindi namin sya magawang talunin.

Nakita kong nanunuod lamang noon si Lyllia at ng makita nyang wala pa rin kaming pinagbago matapos ng isang linggong training sya na ang lumaban kay Andrago. Ewan ko ba pero naiinis na ako sa kanya. Ako ang ginawang Leader ni Ruru pero ano? Sya ang nagmumukhang tagapagpaganap ngayon?

Nilabanan nya si Andrago at sya lang ang nakatalo dito. Kita daw nya kung paano gumalaw si Andrago at ginamit nya ang isang linggo naming pagsugod kay Andrago bilang paghahanap ng weakness nito and yes nahanap nga nya. Tss. E di sya na.

Makalipas ang tatlong araw naghiwa-hiwalay na kami.

Naalala nyo noong nasa mall kami at sinabi noong dalawa na kaya naming magmorph ng anime?

Nagawa namin iyon. Ng Walang hirap. Pero ang kapalit? Nagtakeover ang imi-norph namin. Sila ay naging sina Kunieda Aoi(Me), Kanbara, Akihito(Makoto) at Lucy heartfilia(Jaira).

Hindi namin alam na nangugulo na pala kami sa buong lugar at pinipigilan lang kami ng iba. Nagmukha namang live battle ang ginawa namin. Mabuti na lang at hindi naging Youmo si Makato noon kung hindi baka nagkaroon na ng sunog. Si Jaira naman panay ang tawag sa celestial spirits at buti na lang hindi nya magawa ng tama dahil unang morph pa lang namin. At ako wala lang akong paki-alam maliban na lang daw noong lumapit sa akin si Misa. Muntikan nya na akong isulat sa Death Note ng hagayin(wasiwasin, patamaan) ng dala kong kahoy na espada.

Sinabi lang nila iyon sa amin at buti na nga lang daw naagawa ng restriction spell si Lyllia bago pa umabot ng isang oras. Kung hindi mananatili na kaming anime. Napag-usapan naming huwag ng magtangka pang gamitin ang bagong kapangyarihan na iyon.

Hindi rin kami natuloy kina Eiji dahil na rin sa yaw na naming magpaka-layo pa. Tumuloy na lang kami kina Yuki at Keiko na magkatapat pala ang bahay sa Manila. Maraming bahay ang dalawa. Kaming lahat ata. Ewan ko ba basta pakiramdam ko may pagkakapareho kaming lahat sa kayamanan at sa ugali na rin.

Animorphs Revolution (Book of Morphers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon