Foureyes Encounter

176 12 3
                                    

(Jaira Alcala)

Ang sakit ng katawan ko. Hindi ko halos maigalaw ang katawan ko. Ano bang kasalanan ko para mangyari sa akin ang ganito? Ahh… tama, naaalala ko na. Kasalanan ko ang lahat. Kung naging mabuti lang akong anak. Kung hindi ko sana sila sinuway hindi magkakaganito. Kung naging mabuti lamang akong anak para sa kanila kung nasunod ko lamang ang gusto nila hindi ako tatakbo at hindi ako mapapahamak.

“Kamusta ka?” kung tinanggap ko sana ang alok nila na magpakasal hindi kami mababaon sa utang at magkakasira ng mga magulang ko. Kung naging mabuting anak lamang ako sa kanila, kung naging lalaki sana ako e di sana—“Hindi mo man laman ba ako papansinin?” nawala agad ako sa iniisip ko at gulat na napatingin sa nagsalita.

“Sino ka?! Anong gingawa mo ditto? AL! AL! may intruder!” umatras ako sa pagkakaupo ko sa kama at naramdaman ko lang ay ang headbord hindi ko akalaing may mangangahas na pumatay sa akin.

Hindi ko na napansin na nanginginig na pala ako hanggang sa sabihin na lamang niya iyon. “Anong intruder at saka bakit ka nanginginig?” bahagya kong itinaas ang mga kamay ko kahit na hindi ako aware sa ginawa ko. Nanginginig ako.

“H-Hindi mo ba ako papatayin katulad ng ibang Korean mafia?” pinilit ko syang titigan pero hindi ko magawa dahil natatakot ako.

Nakita ko ang katawan nya na lumalapit sa akin. Nakaitim syang coat, high boots na para bang pang rakista tapos blue inner shirt siguro yun. Walang kuwelyo ang damit na panloob nya. Loosen din ang leegan noon. Naka skiny pants sya kulay black din. Sino ba talaga sya?

Naupo sya gilid ng kama ko at adag ko namang kinuha ang binti ko naparang lamig na lamig. Niyakap ko ang binti ko dahil sa takot ko sa kanya. Singkit ang mga mata nya at parang may balak syang patayin ako. Maputi sya oo, maganda ang labi at kamukha ni Mario Maurer pero kakaiba ang ngiti nya parang wala syang gagawing mabuti.

“Tingin mo noong iniligtas mo ako kanina gagawin ko pa yang sinasabi mo?” Ha? Iniligtas? Kelan? Wala naman akong—

“Ikaw yung lalaki sa basketball court? Imposible! Japanese yun. I…kaw mukha kang… taga ibang planeta. Oo tama mukha kang alien.”

*Giggles*

“A-Anong nakakatawa?” inilapit ko ang mukha ko sa kanya at nabigla naman ako ng tumingin sya sa gawi ko. Our faces….. are inches apart at alam kong sa sandaling ito grabe na ang pamumula ng mukha ko. “Pu-Problema mo?!” agad akong bumalik s pwesto ko kanina at itinago ko ang mukha ko sa mga binti ko.

“HAHAHAHAHAHA.”

Tumingin ako sa kanya at lalo syang natawa.  Nagcross-arms ako at tumingin sa ibang dereksyon. Kainis sya. Kanina tinatakot ako kasi baka patayin nya ako tapos ngayon k-kinikilig ako ka-kasi naman…. Ang bango ng hininga nya parang pinaghalong strawberry at menthol.

“Gommen, Hindi ko dapat ginawa iyon. Pfftt. Ang cute mo kasi.” OHMO! Ano daw?

“A-Anong sabi mo?!” Hanggang kailang ba ako kakabahan sa harap ng demi-god na ito. Promise gwapo talaga. Kung sya siguro yung dapat papakasalan ko papayag na ako. OHMO! Ano ba itong pinagsasasabi ko.

Animorphs Revolution (Book of Morphers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon