Wolf boy encounter

215 11 4
                                        

(Yoshitoki Makoto T. Matsuo)

“Sa tingin mo ba kilala ko talaga ang lalaking iyan?” narinig kong sabi nung babae kanina. Nasa Ospital kami ngayon.

Ah, ospital. Matagal na rin akong hindi nakakapunta dito. Kapag nasusugatan ako sa ensayo namin pinapagaling na lang ako ng mga lobo.

Naalala ko pa noon ng mapadpad ako sa kakahuyan. Batang bata pa ako at hindi ko pa matandaan ang itsura ng aking mga magulang. Kinuha sila ng mga alien o kung sino man ang mga iyon. Narinig ko pa ng sinabi nilang tumakbo ako at huwag papahuli sa kanila. Nagawa kong tumingin ng alam kong malayo na ako ng kaunti. Sila mama at papa isinakay sa isang sasakyan na kakaiba sa mga sasakyan ng tao. Doon ko nasabi na alien sila.

Maraming nagsasabi na totoo ang alien at tingin ko may mga nakapagpatunay na noon. Hindi ko alam kung paano koi to ipapaliwanag sa mga tao, tiyak namang hindi nila ko papaniwalaan. Wala na akong ibang nagawa kundi ang tumakbo ng tumakbo at ng mapagod ako nakita ako ng isang wolf. Natakot ako noong una pero ng makita ko kung paano nya iginalaw ang ulo nya at inaayang sumunod ako. Tumakbo yung wolf. Light Gray ang balahibo nya at alam kong alagang-alaga sya. Agad kong tumayo noon at sinundan sya.

Ilang saglit pa ay nakarating kami sa pack. Pinagtinginan nila ako. Umangil ang ilan at napayuko ang kasama kong wolf. Doon na lumabas ang alpha ng pack at inikutan nya ako. May kulay itim syang balahibo at sobrang laki nya kaysa sa iba. Nakatitig sa akin ang dark blue nyang mga mata. Hindi ko alam ang kasunod na nagyari basta na lang nila akong hinatiran ng prutas. Mabait sila sa akin at minahal ko na sila na parang pamilya.

Ganoon pa man, gusto kong mapag-isa.

“Ikaw sino ka ba at bakit kasama ka noong mga wolves?” nakaturo ngayon ang isang daliri sa mukha ko. Ngayon nalang ulit ako nakakita ng katulad ko. Isang tao.

Wala akong sinabi sa halip ay ginawa ko ang angil ng nagagalit na lobo.

Agad nyang inalis ang kamay nya sa harap ko at tingin ko natakot na sya sa akin ngayon.

“Huwag mo nga syang takutin Marco.” Pagalit na sabi noong babae kanina. Takutin? Huh. Kahit kalian hindi ako natakot sa isang tao. Mas malakas ako sa kanila kahit na tao din ako.

“huh, ang kapal mo rin ano. Ako matatakot sa isang walang ibang kayang gawin kundi ang ngumawa at manduro ng kapwa.” Iniayos ko ang sarili ko. Nakita ko kung paano manlaki sa takot ang mata noong lalaki. Nainis naman sa akin yung babae.

“Hoy ikaw mukhang aso! Ano rin namang kakapalan ng mukha mong pagsalitaan ng ganyan ang mga tumulong sa iyo. Hindi ka ba tinuruan ng mabuting asal ng mga magulang mo!” halos tatayo na sya sa kama nya pero pinigilan sya niton Marco.

“Ate Yuki naman, kahit ba sa kanya hindi ko kayang lumaban ng wala ka?” di makapaniwala sa naririnig yung babae. Agad namang babawiin iyon nung lalaki pero nagsalita ako.

“Wala akong mga magulang. Mga wolf na ang nagpalaki sa akin. Kaya mas alam ko kung ano ang kakayahan ng mga tao.” Matikas ko iyong sinabi. Natigil naman sila sa pagpipisilan ng pisngi.

Animorphs Revolution (Book of Morphers)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon