Kaguluhan sa Mall at pagkabigla ni Lyllia

114 7 13
                                    

(Keiko Yoshikune)

Kakaiba ang maga napag-alam naming ngayon. Bakit parang kapag magkakasama kami may mga bago kaming natutuklasan.

Buntis si Lyllia kay Rune. Mukhang imposible dahil ilang taon na ring wala si Rune pero ganoon daw talaga iyon tapos malalaman pa naming may ugnayan sina Lyllia at Shynne. Speaking of ugnayan, heto ako, pilit na itinatago na naaalal ko si Red.

Ayaw kong makagulo pa sa kaibigan ko. Lalo pa at natatandaan ko na may gusto sya kay Khoros. Siguradong kapag nagpakilala na sya sa akin una nyang hahanapin si Khoros. Ito rin ang dahilan kaya ayaw kong isama sya sa amin.

Balak kong isama silang lahat sa bahay at doon naman magpahinga pero.. natatakot akong mapunta si Khoros kay Red. Imposible kung iisiping sya si Rath pero babae pa rin sya at minamahal nya si Khoros.

Knowing every person, yan ang itinawag sa akin ni Lyllia. Dahil kilala ko nga naman silang lahat dahil isa akong anadite. Kakaiba pero ako pa rin ito. Isang babae na kayang gumawa ng kahit na ano through mana isang kapangyarihan na hindi ko naman talaga ginusto.

Tulad ni SKY pure alien din ako dahil sa mga magulang ko ay mga Anadite. Pinalayas sila ng hari namin dahil ipinanganak ako ni Mama. Ang mga Anadite ang totoo kong pamilya at tingin ko hindi iyon alam ni Khoros.

(A/N: Sarap sana kung ben10 anu? Tapos Plumber si Khoros. Hahahha.. parang yung lola ni Gwen tapos si Lolo Max. Hahaha.. la lang.)

“Ano tara na?” narinig kong sabi ni Makoto.

Nagsilabasan na sila at kasama na namin si Andago sa paglalakbay namin.

Paglalakbay papunta pa lamang sa bahay nina Eiji.

Naisipan naming mag LRT para may magawa naman kami. Ewan ko ba sa kanila kung bakit nila naisipang gawin ito pero sumakay na lang ako sa trip nila. Ng makapasok na kami nagsiksikan kami sa gitna. Yung tipong ayaw maghiwalay kahit medyo maluwag. At alam nyo kung sinong nasa gitna? Sina Makoto at Yuki. Lakas talaga ng tip ng mga ito. Nasa kaliwa ko naman si Lyllia, Buti na lang hindi sya naiipit sa pwesto nya. Katabi nya si Andrago at mukhang nagkakapalagayan sila ng loob. Yung tipong parang bagong panganak si Andrago tapos si Lyllia yung una nyang nakilala at pinagkatiwalaan at ayaw na nyang malayo pa dito.

Mga ilang istasyon pa, lumabas na kami at naghagdanan na lang. Gusto ko na sanang magpahinga dahil hindi naman ako sanay sa mga mahabang lakaran ng biglang nakaisip ang mga ito na magpunta ng mall. Nakakita ng advertisment na may cosplaying e kaya ayun. Heto kami sa mall. Nagpunta kami ng cr at doon nagmorph. Si Misa naisipang si Misa ng Death Note ang i-morph. Mapaiba daw. At alam daw nya na mananalo sya. Ewan ko kung anong trip nila ha, pero sina Lyllia at Red naisipang maging sina Rune at Rath. Kaya nga din palang magmorph ni Lyllia. Andalite din sya e. Half nga lang. Kami nina Yuki, Azumi, at Shynne ay naisipang yung Girls Dead Monster ang i-morph. Wala lang trip lang namin. Hehehe. We will Rock! Mwahahha. Sasali kami doon sa band mukhang masaya e. Kaya naman lumabas na kami at nameet namin sina Sky, Jaira at Makoto doon. Binati nila kami at pinuri kami nung girls. Si Makoto, ayun wala nanamang paki sa amin pero noong makita nya sina Lyllia at Red nanlaki ang mata nya.

“Bakit ganyan?”naalis sya sa pagkakapako sa pader at lumapit dun sa dalawa.

“Paki mo?” sabi ni Rath. At nagpunta sa unahan ni Lyllia.

Teka, nga hindi ko malaman kung ang kaibigan kong si Red yan o si Rath mismo. I don’t know who are them naman kasi e.

“Pasensya na kung natagalan ha.” Si Hiroshi. Hindi ko kilala ang ini-morph nya.

“Thatz!” napayakap agad si Rune dito. “Thatz ayos ka lang ba?” tanong muli nya.

“Ah,” tumingin sya sa amin at ibinulong naming si Lyllia iyon. “oo Lyllia, ayos lang ako. Ano? Saan tayo ngayon?” tanong nya sa amin. Parang nabuhusan ng malamig na tubig si Lyllia at umalis sa pagkakayakap kay Hiroshi.

“Bakit yan?” tanong ni Red kay Hiroshi ng magsimula na kaming maglakad.

“Para reunion? Ayaw mo? Si Thatz pa rin ito kahit na ako ang nagmorph sa kanya.” Napatahimik noon si Red.

“Ganito, kung sino ang matalo sa inyo sya ang kakausap kay Eiji in creative way para patirahin tayo sa kanila. At dahil sinabi kong creative, kailangang may sayawan at kantahan.” Utos ni Sky sa amin. Mukhang nagbalik na sya sa pagiging cold hearted na Sky. Dahil siguro muntik na naming masira yung bahay nya kaya naiinis sya sa amin.

“Baling daya naman nyan.” Sabi ni Yuki.

“Oo nga, kami lang dapat sumali din kayo dito.” Sabi ni Azumi.

“Teka, hindi yun pwede dahil animal morpher sila.” Pabulong langiyong sinabi ni Lyllia.

Napatango naman kami. Kaya naman pala pumayag ang mga ito dahil hindi sila sasali at kami lang ang balak nyang makiusap kay Kuya Eiji.

“Uhm, guys.” Napalingon kaming lahat. Si Andrago pala. Muntik ko na syang makalimutan. Hehehe. Nakalimutan ko nga. Hindi naman kasi ako sanay na may pangatlong lalaki sa grupo e. “Kaya nilang magmorph into anime. Isang shifter, isang anadite at isang anime Ware.” Nagulat kaming lahat doon lalo na si Makoto. Hindi nya akalaing isa syang anime warewolf.

“Paanong nangyaring warewolf sya? May kilala ka bang anime warewolf Lyllia?” tanong ni Sky. Nagisip ng mabuti si Lyllia pero wala syang maisip maliban sa Wolf children.

“Ang wolf children lang ang kilala kong Wares. At sa pagkaka-alam ko kinuha sila mula sa mundo ng anime at namuhay ng natural dito.” Paliwanag nya sa amin. Tumingin ako kay Makoto at kita kong nakayuko sya. Nanginginig sya at parang hindi matanggap ang mga nalalaman ngayon.

“At kinuha sila ng mga alien.”sagot ni Makoto. Nakuom ang mga kamay nya.

“Pasensya na.”sabi ni Lyllia at niyakap si Makoto. Parang lalaki nyang pinahinto sa pag-iyak si Makoto. Umiiyak sya dahil naalala nanaman nya nag pamilya nya.

“Umalis na tayo.” Sabi ni Makoto at nagsimulang maglakad.

“Oh great, pupunta nanamang CR.” Walang ganang sabi ni Sky. Nagcross-arms sya at nagsimula na ring maglakad.

Nakibit balikat si Jaira at nakangiting sumunod sa dalawa.

Lumapit ako kina Lyllia at Andrago. “Totoo ba talaga ang sinabi ninyo?” tanong ko.

Nagkatinginan yung dalawa at sabay na ngumiti. Ano ba yan, mas magaling na sila sa amin. Animorphs nga talaga sila. But this time, kaya na nilang magmorph sa anime. Ano pang dahilan at namili kami kung mangyayari pala ang ganito. Tsss...

(Andrago)

Anong dahilan nya para sabihin ko sa iba na kaya nilang magmorph sa kabilang kakayahan?

Ano ba talagang balak mo.. Reyna ng ATLANTIS.

---------------------------------------------------------------------

Nyahahaha.. ano nga bang balak ni Lyllia? Hmmm...

Ehem ehem, may namimiss ako ah. Ano kay yun?   051814:1245

Animorphs Revolution (Book of Morphers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon