Chapter 1- Rainbow Incounter

259 14 18
                                    

(Hiroshi Mayamoto) 

Nagising ako na sobrang sakit ng katawan ko. Ano ba kasing nagawa ko para saksakin nung batang iyon.

Baliw na ba sya taka anong ibig sabihin ni Ashara sa pinagkaimbentohan ang bata. Humanoid ba yun? Aba, Sci-fi na talaga ito pag nagkataon.

Lumingon ako sa paligid pero hindi ko makita si Ashara. Iniwan na lang ba ako ng babaeng iyon ng ganoon ganon lang.

"Hiroshi, ayos ka na ba?" agad syang tumakbo palapit sa akin at hindi na nya inintindi angdala-dalang bag.

Niyakap nya ako. Nagulat ako doon kasi hindi naman talaga iyon ginagawa ni Ashara sa iba. O kahit sa akin. NIyakap ko na rin sya gamit ang wla kong swero na braso.

Umiiyak sya sa balikat ko. Napag-alala ko pala sya ng sobra.

"Saan ka ba nagpupuntang babae ka at hindi ko maintindiha yung mga sinabi mo doon sa daan." ilang minutong katahimikan kasabay ng yakap nya t paghaplos ko sa buhok nya.

Umalis na sya sa yakap at naupo sa isang silya doon.

"Si Shynne Abalos yung babae kanina. Ligtas na sya." Huminto nuna sya at nagpahid ng luha. "Ang ama nya ang lalaking scientist na gumawa sa halimaw naiyon. Isang batang babae na humahawak sa isang Artifact. Ang pandora's box.  Nagbibigay sya ng kahilingan ng walang kapalit. Subalit sa mga kahilingan iyon sumasama sya. Nagiging gahaman sya. Hindi man halata pero 18 years old na sya."

"Hahahahhahahhaa"-ako.

Bakit ba e nakakatawa naman talaga ang sinabi nitong si Ashara e. Hahahahaha.

"Hindi ka naniniwala?" nagtataka ang mukha nya. Hindi sya makapaniwala na sya isang matalik na kaibigan(ouch) hindi sya paniniwalaan. "Pwes." lumayo sya ng kaunti sa akin.

Itinaas nya ang kaliwang braso nya at  nagkaroon sya ng armor. Kakaiba ang itsura ng armor na ito. Kulay orange sya at halos kakaunting parte lang ng kanyangkatawan ang natatakpan.

Halos magsumiksik ako sa head board ng hospital bed makalayo lamang sa kanya.

"Huwag kang matakot Hiroshi." napapikit na lang ako ng hawakan nya ang pisngi ko. "Kahit na ipag tabuyaan mo ako hindi ako aalis sa tabi mo."sinubukan nyang hawkan ang kamay ko pero inilayo ko sa kanya ang kamay ko.

Kahit sino naman matatakot sa babaeng alien hindi ba? Sabihin nyo ng mababaw ang pagmamahal ko sa kanya pero hindi sya ang Ashara na kilala ko.

Lumayo sya sa akin kita kong nasaktan sya sa ginawa ko pero hindi ko na mababawi pa ang ginawa kong iyon. Umalis sya ng walang imik.  Nagtransform ulit sya sa pagiging tao bago tuluyang lumabas ng pinto.

Gumabi na at hindi na nga bumalik si Ashara. Malaki siguro talaga ang galit nya sa akin. Sino ba naman kasi ang maniniwala na isa syang alien at kung alien nga sya na may powers at armor na kulay orange tingin ko dapat ko na talaga syang katakutan. Pero bakit hindi ko magawa??

Animorphs Revolution (Book of Morphers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon