Hiroshi Part 2 first artifact

108 10 34
                                        

HIROSHI POV PART 2

 

 

“Ashara?”sa halip na saguti nya ang tanong ko lumabas sya at hinarap si Sky.

 

“Tss. Umalis ka nga sa daraanan ko.” Sabi ni Sky pero hindi umalis si Ashara.

 

 

“Anong kailangan mo kay hiro?” pahamong sabi nya alam kong seryoso pa rin ang mukha nya tulad ng dati. Malaki na ang pinagbago mula noong huli ko syang makita sa ospital.

 

 

“Paki mo ba? Sasaktan ko lang naman yang pervert na yan.” Sagot ni Sky.

 

 

This is the right time to calm down the girls with my hotness.

 

 

“Girls, alam ko namang pinagnanasaan nyo na ako ngayon pa lang pero pwede bang magkasundo-sundo na lang tayo?” pikit mata kong sinabi. Walang umiimik sa kanila kaya iminulat ko na ang mata ko.

 

Hala? Hindi pa ako pinakinggan at naglalaban na sila ngayon. Para silang manok na nagigirian tapos sumugod na si Ashara at naiwasan naman iyon ni Sky. Nagawa ni Sky na patumbahin si Ashara gamit ang pamosong pagpatid na atake sa kalaban. Pinaibabawan nya ito ng aawat na ako biglang may isang babae na nakasuot ng kulay brown na armor ang lumabas at sinuntok si Sky at napatama sya sa bato sa may dagat.

 

Sumugod na rin ang mga babaeng kasama ko kasama si Makoto na nakatali at duguan. Kawawang bata talaga itong si Makoto ang bilis mahuli. Natigil sila ng tumayo na yung naka armor na brown na katulad na rin ni Ashara ngayong naka Orange naman sya.

 

 

Gulo ito panigurado.

 

“SKY!” agad na pinuntahan nina Lyllia at Keiko si Sky. Agad na pinagaling ni Lyllia si Sky pero hindi pa rin ito nagigising sa sobrang lakas ng impact nya sa bato kanina.

 

 

“Teka,” pumagitna ako sa kanila. “Pwede bang pagusapan na lang natin ito? Ashara, sila ang mga kaibigan ko at naniniwala na ako sa alien ngayon. Halos lahat ng kasamahan ko ay alien may half alien din kaya hindi na tama na magkaroon pa ng laban.” Pagawat ko sa kaguluhang ito. Tss.. Ang pogi ko talaga natigilan sila e.

 

 

 

Ilang sandali lang lalapit na sila sa akin at yayakapin ako isa-isa at sasabihing, ‘Hiroshi ang pogi mo na ang galing mo pa’ hehehe*insert perverted face* Ang galing ko talaga.

 

 

 

“Hi ako nga pala si Romina.”

“hi ako si Jaira” “Keiko” “Misa na lang Kotori pangalan ko BTW.” “Ako si Red tapos sya si Makoto pinagtripan kami nung dalawa kaya napunta sa takbuhan at bugbugan ang nangyari kanina.”

 

 

Te-teka, bakit nagpapakilalanan sila? Bakit walang pumapansin kay Hiro gwapito? Bakit sila nagkakamayan at parang magbebestfriend sila ah. Kainis naman.

Animorphs Revolution (Book of Morphers)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon