70 The beginning-Love Rain

34 2 2
                                    

70 LOVE RAIN

One Month Later

Makoto PoV

Isang bwan na ang nakalipas ng makilala namin ang mga magulang ni Arthur/ Andrago. Makulit din pala sila pero hindi sila masyadong nakikipag-usap sa lahat. Nagmamasid lang sila. Sa buong isang bwan wala kaming ibang ginawa kundi ang mag-guest sa mga show may time pa nga na hindi talaga kami nagkasya sa set ng Aquino and Abunda Tonight. Pero nagpasalamat na lang kami kasi natapos na ang kalbaryo naming iyon. At ngayong araw naisipan namin maghanap ng mga kriminal sa Pilipinas. Pero ang nakakaloko, marami kaming nakita at naresolbahan namin iyon dahil sa mga kakayahan namin. Nag-buddy team kami. Ibig sabihin dalawahan at dahil sa ginawa namin madali naming nalaman ang kakulangan ng aming kinalakhang Pilipinas.

Andyan na yung aberya sa bagon ng tren, jaywalkers, aksedente sa kalsada pati na rin ang mga PDA. Tulad nina Kankuru at Thirdy na nakita namin ni Hiro sa isang park na naglalambingan.

“Tamo nga naman oh, ang sweet nila.” Nakapamulsang sabi ni Hiro sa akin.

“SWEET!?!! Sweet yan?! P.D.A. yan e!” matapos kong mag-exaggerate sa pagsasabi nyan, natawa kaming dalawa at naglakad na ulit paalis ng lugar na iyon.

Nakarating kaming dalawa sa Luneta at naisipan naming kumain muna doon. Ang order ko ay adobong karne samantalang sya ay chapsuy. Bihira lang talaga itong kaibigan kong kumain ng karne. Conscious ata ito sa itsura ng katawan nya. Tss.. parang babae.

“Tol alam mo hanggang ngayon gumugulo pa rin sa isipan ko ang nangyari noong isang bwan. Marami tayong kalokohang nagawa ano?” masayang sabi nya. Noong sinabi nyang kalokohan iisa lang ang pumasok sa isip ko kaya naman napataas ang boses ko sa pagsasalita.

“HUY! Kayo lang ang puro kalokohan noh! Wala akong balak na gawin yung ginawa nyo sa mga babae ano!” nanlaki ang mata nya. Pakiramdam ko may mali akong nasabi.

“Hahahahha... Loku-loko! Hindi yun yung sinasabi ko! Ang sinasabi ko ay yung pagkanta natin tapos yung pakikipaglaban kina Viseru at sa mga gang sa Japan. Hahahaha.” Natawa na rin ako pero sumeryoso na  ako pagkatapos at kumain na kami.

“Kung iisipin mo nga, naging masyadong madali ang pagkatalo ni Viseru. Hindi ko nga ubos maisip na dahil sa ginawang sakripisyo ni Andrago noon mamatay agad si Viseru.” Sumubo ako ng ulam tapos sya naman ang nagsalita.

“Sa totoo lang hindi ko rin matanggap na ganoon lang kadali iyon. Pakiramdam ko hindi lang si Viseru ang kalaban natin. May isa pang mas malakas sa kanya na naghihintay lang ng tamang pagkakataon para patayin tayo.” Napansin ko ang mga babaeng kanina pa nakatingin sa amin sa kalapit na table.

Uminom ako ng tubig ng biglang nagsalita yung isa sa kanila.

“Whhaa.. ang cute nila couple kaya sila?”

Animorphs Revolution (Book of Morphers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon