Ito po ay yung mismong araw ng pag-atake ng mga Viru sa bahay ni Sky.
------------------
(Lyllia Shishuel)
“Lya Lyu blyuu tee Bya”
“Mahal na mahal kita.”
“I love you”
“gua ai ni”
“Ashitemasu”
“Daisuke desu”
Rune Senti, Rune of dragon knights. Water dragon, Rune.
Kita ko ang lahat. Isang maaliwalas na lugar. Bahagyang umuulan pero ang ganda pa rin ng kalangitan, ipinapakita nito ang tunay na kagandahan ng bayan. Ng bagong Camino. (A/N: Makikita ang lugar na ito sa hiling part ng character song ni Lyllia.)
“Mahal Kita Lyllia. Kaya ko nagawa ang lahat ng iyon. Kaya ko ipinalimot sa iyo sina Yukito dahil mahal kita. Mahal kita...”
“Lyllia, binabangungut ka, gumising ka!” rinig na rinig ko iyon. Ayaw kong gumising dahil nasa harapan ko si Rune pero kailangan. Wala na sya. At wala ng magbabago pa doon.
Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko silang lahat na nakapalibot sa akin. Iginalaw ko ang paningin ko sa palagid at nalaman ko kung nasaan ako. Nasa isang public hospital.
“A-Anong ginagawa natin dito?” tanong ko at inalalayan nila ako sa pagbangon.
“Idiot. Your pregnant.” Narinig kong sabi ni Red.
“Ahh.” Silang lahat yan. Para silang desmayadong ewan.
“Bakit mo sinabi kaagad.” Maktol ni Azumi. Kakaiba talaga ang isang ‘to.
“Bakit hindi ko sasabihin ay anak yan ni Rune.” Sagot nya kay Azumi. Sumuko na rin yung iba at naghanap ng pwestong mauupuan.
“Sana naman pinaghanda mo kaming bumack-up.” Tumingin ako sa sofa at nakit kong si Sky ang nagsalita. Naka cross ang arms at legs nya. Halatang hindi sya natutuwa.
“Tss.. pwede ba, anak yan ni Rune dapat talaga ako ang magsabi nun.” Nakahilig si Red sa may pintuan. Medyo mababa sya ngayon kaysa date at naninibago ako. Tumingin ako sa ibaba nya at nakita kong naka tsenelas na lang pala sya. Dora.
“Bahala ka.Kapag nagtanong yan ikaw ang sasagot lahat hindi ka namin tutulungan.” Inis na sabi ni Makoto.
BINABASA MO ANG
Animorphs Revolution (Book of Morphers)
Science FictionI Choose You. Isa ka sa napili kong gumanap dito sa aking pakikipaglaban. Ibigay mo sa akin ang impormasyon tungkol sa sarili mo. Name: Chosen Morph: Anime or animaL Attitude and appearance of your character: At humanda ka na sa Laban, adventure at...
