Life in Darkness

53 3 0
                                        

Nagulat na lang ako ng dalahin ako sa isang dressing room noong dalawang bata at pinasuot agad sa akin ang nabili namin. Hindi ko man gustong isuot sinuot ko na lang din kasi sila naman ang nagbayad nito e. Wala namang problema sa akin yung pagsusuot e pero yung iwan nila ako sa botique na iyon tapos isang letter lang ang maibibigay sa akin na nagsasabing pumunta sa ganitong lugar abay hanep ah, sarap pagntugin noong dalawa.

oi, kung iniisip nyong pangit yung pinapupuntahan nila mali kayo dahil isa syang penthouse! sa AUSTIN! grabe talaga. At alam nyo kung anong mas malala dito?

Sa halip na Chistmas party ang makikita mong desenyo abay valentines day ang motif! Kaloka. *sigh*

Naupo na lang muna ako sa soffa na naroon at hinintay ang susunod na mangyayari. Hindi naman natagalan at may nangyari na nga. May lalaking pumasok nakakapa syang pula tapos may helmet sya.

Anak ng sawa abay, ano ba itong napuntahan ko? Cosplay sa pasko? Yung totoo?? Lokohan ba ito??!!

Malakas ang loob ko kung sino ang taong ito kapag humarap na ito. Si Andrago ito pamihado! O. O. kita mo? Tama ako!

"H-hi Sky." abat-*gigil* nanginginig ang loko. Mga hinayupak itong mga ito sino bang may pakana nito? tatapusin ko!

"Hoy dragon, ano bang palabas ito at nagcostume ka pa ng ganan?" tanong ko na nakacross arms kahit na nakaupo pa rin ako.

Tingnan nyo nga naman hindi ako sinagot. Tsk.

"Tara sa Dinning room." sabi nya. Aangal pa sana ako pero nahila nya agad ako tapos pinaupo sa upuan sa may table. Infairness comftable(comfortable) ang upuan dito. Pansin ko rin na dadalawa ang upuan. Tsk. Dinner date ng hindi ko man lang napaghandaan?

"Hoy Andrey, kung sinabi mong may date tayo sana nakapaghanda ako oh!" sabi ko para naman lokohin sya pero iba ang sinagot nya.

"Kahit ano namang isuot mo maganda ka." *blink* *blink* Gosh! namumula ata ako. Alam nyo yung iba yung pagkakasabi nya tapos naroon yung sensiridad. Alam kong maganda ako pero Gagsti! yung pakiramdam na sya yung nagsabi kakaiba e. hindi yung parang pang feminin na feminin yung pagkakasabi at sinasabihan nya pero yung strong, brave, walang takot ang pagkakasabi at sinasabihan nya yung ganoon.

"Tsk. binibiro lang kita. dimo nahalata?" sabi ko para matakpan agad ang hiya kanina. Lumingon sya sa akin kaya naman bahagya ako tumalikod kahit nakaupo para maiwasan sya e. Kahit mahirap ginawa ko. Ginawa kong pigilan ang kakiligan ko. Hihihi. babae pa rin naman ako mga pre.

"ah, ganoon ba. Pasensya na. Hehehe." napakamot sya sa likod ng ulo nya habang sinasabi iyon mukhang napagtanto nya na I was just hiting on him.

Silence~

Nanahimik lang kami hanggang sa ilapag na nya ang isang malaking bowl ng Spaghetti, kasunod ay Macaroni tapos marami pa syang ibinaba sa lamesa at mukhang masaya sya ngayon ah.

Kumain lang kami ng kumain tapos nagyaya syangmaglaro ng Xbox.

"huy ano ba, kanina pa ako nananalo dito. Isa pa. Ayusin mo huwag mo akong pinagbibigyan!" sinuntok ko pa sya sa braso at napa-aray naman sya sa ginawa ko.

Nanalo na naman ako kaya tiningnan ko sya ng masama. Napakamot lang sya sa batok nya kaya naman bumigay na ako at napabuntong hininga.

"Movie Marathon. How to train your dragon." sabi ko at naupo sa sofa. Nasa sahig lang kasi kami kanina.

Matapos naming manuod nakangiti lang sya sa akin.

"Merry Christmas Erth." Sabi nya sabay abot ng isang box.

"ha? Para sa akin ito?" tanong ko pero nakangiti pa rin sya kahit nagtataka ako. Malaki kasi yung box.

"Buksan mo na." sabi pa nya kaya naman sinira ko na yung balot.

"Whoah! Sigurado ka akin na lang ito?" sabi ko na nanlalaki ang mata. Grabe gusto ko talaga nito e. pero grabe naman kung tatanggapin ko na lang diba? "Bakit malaki pa yung box?" sabi ko habang inii-scan yung ID sa animal walfare.

"wala kasing ibang box. Pasensya na. Hehehe." Napakamot ulit sya sa batok nya.

*Chup*

(~O_O~) Sky

(^_^) Andrey

>:(( Sky *Kunot noo*

(^_~) Andrago

"Whhhaaaa.. Bwisit ka! Akala ko matino ka!!" Sigaw ko sa kanya. Pusa! mana kay Hiroshi! Papatayin ko ang lalaking ito! One of this day sinasabi ko sa inyo! Pasko lang ngayon kaya hindi ko sya mapatay! Punyemas!

"Hahahaha. Namumula ka oh!" tawa nya at itinuro pa ako. Susuntukin ko na sana e, dumating lang sina Lyllia at ang iba sa Penthouse na ito.

Tsk.

Masaya ang chrismas namin. Naglaro pa kami. Paramihan ng mapapatay na langaw. Pero hindi natuloy kasi umalma si Jaira. Mas maganda daw kung patayan ng buhay na buhok!

Ayun ang nagyari, kinabukasan lahat kami KULOT!

Naisipan pa naming mag-Skating pero pinigilan kami ng mga boys baka daw mapahamak pa kami. Pero kilala nyo naman si Misa mahilig sa malamig batang bagio e. Ayun nagpumilit pa rin kaya kaming lahat nakapag-skating.

Maraming lalaking tumitingin sa amin. Mukha kasi kaming may performance kapag sabay-sabay kami. Nagagawa naming maging isang show ang simpleng pag-ikot at paglalaro sa skating ring.

Naisipan pa ngang magvideo ng mga boys at magsialisan ng mga tao mapanuod lang kami.

"Whhaaa.. parang piniperform natin yung sayaw ni Barbie sa barbie and pegasus. heheheh." Sigaw ni Keiko na sya namang nginitian naming lahat.

"Kahit si Lyllia nagawa pa nyang sumali sa amin kahit first time nya. ANG GALING!" sigaw ni Azumi at nagpaikot-ikot sa ere.

Natapos kami ng madaling araw sa park tapos naisipan na naming umuwi sa hotel. Bukas babalik na kami sa Philippines para sa masayang bakasyon. Pero dahil maganda ako, may mas maganda akong plano.

----------------------------------------

Sa mga nakabasa na po ng naunang part nito sorry kung iba ito sa nauna nawala kasi sya noong nagrefresh ako sa phone!

Sorry talga,

Saito, R.

Animorphs Revolution (Book of Morphers)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon