Arthur

41 3 3
  • Dedicated kay Patrick Recto
                                        

65 Renewal

“Hey Child, want to eat.” Iniabot ni JM ang isang plato kay Red pero  nakatitig lang sya sa akin.

“Wala akong gana. Isa pa, pwede bang huwag na kayong magpanggap na walang kinalaman sa amin?! Alam ko na ang lahat.” Lahat kaming nanggaling sa future napa iwas ng tingin. Kahit si Dark Reigh at Atkitchou ay napatayo sa sinabi ni Red. Napahawak naman si Light sa braso ni Blazing Fire, si Ranmaru ay niyakap si Diamond at si Lonel ay napatingin lang sa labas ng salamin.

“Anong sinabi mo Red?” tanong ni Lyllia habang kinakarga ang baby Akitchou.

Umalis kami sa lugar na iyon at nagtungo sa hotel kung saan pansamantalang tumitira ang mga bata.

Kumuha ng isang red wine si Red at naglagay sa isang old fashioned glass. Ininom agad nya iyon at hindi pa sya nakuntento at nagbuhos pa ulit ng laman sa baso nya. Iinumin na sana nya iyon pero pinigilan na sya ni JM.

“Huwag mo nga akong pigilan bata!” inis na sabi ni Red.

“Tanga ka ba?! Mas matanda ako at mas mataas na ako sa’yo. Ano ba kasi yang sinasabi mo na alam mo na ang lahat?! Alam mo na rin ba na galing din ako sa future ha!” Nabigla kaming lahat sa sinabi ni JM maging si Red ay nagulat. “Ano! Hindi mo alam yun tama ba?! And for your information, ang ama ko ay si Arthur Santos ang lalaking kanina mo pa tinititigan ng masama! Galing no! Ang gulo ng pamilya natin lalo pat ngayon alam ko na may anak pala ako sa’yo! I know your pregnant at ako ang ama!” lalong nanlaki ang mga mata ng mga kasama namin lalo na si Blazing Fire na hindi makapaniwala sa mga nangyayari.

“Ipaliwanag mo!” sigaw ni Blazing Fire.

“Hindi mo makuha anak?!” sigaw ni JM sa kanya. Umiling lang habang nakatungo si Blazing Fire. Naguguluhan sya hindi nya matanggap ang mga pangyayari. Hinawakan ni Light ang braso nya at napatingin naman ito kay Light. “Anak nya ako kay Sky. Kagabi Febuary 13 may nangyari na sa inyo ng pumasok kami sa silid namin at dahil doon maagap akong maipapanganak tulad na lang ng kay Yuki. By that time mawawala na rin ako. Lalaki ako na kaidadan nyo anak at babalik agad ako sa nakaraan para kay Red at doon ka magiging tao! Yun ang dahilan kaya ka galit na galit ka sa akin hindi ba?! Dahil iniwan kitang mag-isa! Ang akala mo wala akong paki-alam sa iyo at sa buhay ng mama mo!! Kahit na ang totoo ginawa ko ang lahat ng ito para lang maprotektahan kayong dalawa!” hindi na nakayanan ni JM at naupo sya sa sofa malapit sa kanya. Alangang lumapit si Red sa kanya. Ganoon na rin si Sky.

Tumingin sa akin si Sky at lumapit na rin ako.

“Ang gulo ng buhay ko papa. Dahil sa pagkakamaling ito at dahil sa imbensyon nyo, naging miserable ang buhay ko.” Nakatakip sa mukha nya ang mga palad nya at pilit syang inaalo nina Red at Sky.

“Patawarin mo ako anak.” Sabi ko at hinimas ang ulo nya. Wala akong ibang magawa kundi tanggapin ang lahat. Ngayon pang may naging bunga pala ang nangyari sa amin ni Sky kagabi.

Animorphs Revolution (Book of Morphers)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon