Animorphs Revolution The Wedding
Lyllia’s PoV
Sa pag-alis namin sa bayan ng Sinuglaw at isla higantes, may kakaiba akong panganib na naramdaman. Sa totoo lang kasi noong malayo na kami sakay ng barko may malakas akong kapangyarihang naramdaman. Mas malakas kaysa sa kahit na sinong morpher na nabubuhay. Imahinasyon ko lang siguro iyon pero sigurado akong may malaking parte ang nagmamay-ari ng kapangyarihang iyon sa mga darating na panahon.
“Lyllia, ayos ka lang ba?” napatingin ako kay Keiko sandali at muling bumalik ang tingin ko sa karagatan. Ngumiti ako at ilang sandali pa ay nagawa kong magconcentrate at magmorph to Ariel.
Tumalon ako sa barko papunta sa karagatan at kumaway ako kay Keiko. Alala namang sumilip si Sachi sa akin.
“LYLLIA!!” sigaw nya at nagsimula ng magtanggal ng sapatos. Natatawa na lang ako dahil parang gusto nya akong samahan dito.
“Ayos lang ako!” sigaw ko sa kanila at natigil na si Sachi sa pagtatanggal ng sapatos. Natawa lang naman si Keiko sa inasal ni Sachi.
“Sigurado ka?”sigaw nya pabalik sa akin. Lumangoy lang ako habang pinapanuod nila ako.
“Hahaha. Kita mong serena sya magtatanong ka pa. Hahaha.” Minsan talaga nambabara itong si Keiko. Pero kapag masaya lang sya tulad nyan. “Ay teka Lyllia, ang daya naman kami kailangan naming humawak sa screen o tv para makapagmorph ikaw agaran mo na lang nagawa?” takang tanong nya.
“Oo, nga. Unfair naman yata yun.” Sang-ayon ni Misa at isa-isa na silang tumingin sa akin. Kulang na lang mapuno nila yung isang part ng gilid deck sa dami nila e.
“Hahaha. Ewan ko rin e. Basta nagconcentrate lang ako na makakapagmorph ako kay Ariel.” Natatawang sabi ko.
Napansin ko namang nakahawak sa baba nya si Hiroshi habang tumatango. “Kung iisipin nyo guys. Isa naman syang full morpher diba? Kaya hindi imposible yun. Alien pa rin naman sya diba?” walang nagsalita sa kanila dahil nauna ng batukan ni Yuki ang boyfriend nyang si Hiroshi.
“Kahit kailan ka talaga Hiro!” inis na sabi nito.
“Hala? Anong nagawa ko Yuki? T^T” maiyak-iyak na sabi nya habang hinihimas ang batok nya.
“Kahit na noong nasa hinaharap kami, hindi nasabi sa amin na kaya mong gawin yan Lyllia. Nabago na nga yata ang mga pangyayari simula ng pumunta tayo sa isla higantes.” Paliwanag naman ni Andrago.
Sumisid ako sa ilalim ng dagat matapos ay agad ding pumaibabaw at sa bilis na ginawa ko ay nakatalon ako ng kasing taas ng kinatatayuan nila. Agad akong nagconcentrate sa dating ako at humawak ako sa gilid ng barko.
“HIIIIIILLLLLLLAAAAAA~~!!!” sabay-sabay na sabi nina, Sachi, Yuki, at Keiko na sya palang humawak sa akin ng mag morph ako sa mid air.
----
“Hahaha.. pasensya na kayo ha. Hehehe..” tiningnan lang naman nila ako ng masama na para akong pinapagalitang bata.
BINABASA MO ANG
Animorphs Revolution (Book of Morphers)
Ciencia FicciónI Choose You. Isa ka sa napili kong gumanap dito sa aking pakikipaglaban. Ibigay mo sa akin ang impormasyon tungkol sa sarili mo. Name: Chosen Morph: Anime or animaL Attitude and appearance of your character: At humanda ka na sa Laban, adventure at...