(Keiko Yoshikune)
Noong umpisa pa lang na tumapak sila sa bounderies ng park kilala ko na sila at ang mga ugali nila. Hindi ko alam kung paano iyon nangyari pero masaya ako na alam ko kung anong mga katangian nila. Halos lahat kami pare-pereho ng ugali pero kahit ganoon may pagkakaiba pa rin. Masyado pa kaming bata magisip para sa ganito kalaking misyon. Ang talunin si Viseru at kung ano mang binabalak nya.
Ala-sais pa lang ng umaga narito na ako. Gusto kong ako ang mauna kapag narito na sila. Nauna nga ako pero may kasunod agad akong dumating. Isang babae na pula ang mata at ang buhok. Siya siguro si Rath Lopez. Sumunod sa kanya ay sina Shynne Abalos at isang lalaki na rainbow ang buhok, si Hiroshi Mayamoto. Isang oras ang nakalapas sina Azumi, Jaira, Yuki at Makoto ang dumating. Magkakasabay sila at sa iisang dereksyon sila nanggaling. Mukhang bago pa sila nakarating dito nakilala na nila ang isat-isa.
Lahat kami ay may tanda ng pagiging morphers at umiilaw iyon kapag may malapit na morpher.
Tumingin silang lahat sa dereksyon ko. Kita ko kung paano sila mamangha. Ngumiti lang ako sa kanila at lumapit sila sa akin.
“Hi ako si Ra--” pinutol ko ang sasabihin nya dahil alam ko na naman ang mga pangalan nila.
“Kilala ko kayo, hindi ko alam kung paano pero mga morphers din kayo.” Nakita ko sa dulo ng mata ko na napa roll eyes si Azumi.
“Kulang pa tayo ng dalawa.” Si Shynne iyon at kita kong hindi sya masaya sa mga nangyayari.
Bago pa man mag alas nuebe dumatin na ang Leader. Si Erth “Sky” Miuri. Dala na ang lakas ng loob at tikas ng pagkatao. Hindi nyo siguro ako maintindihan pero ang gusto ko lang sabihin nasa kanya ang mga katangian ng mabuting leader.
Nagraroon ng pagtatalo sa pagitan nina Shynne at Azumi at doon nya naipakita ang pagiging leader nya.
Bago kami umalis dumating ang pinakahuli sa amin at ilang sandal lang pati ang Alien na si Ruru ay dumating. Suot ang signature dress nya.
Nagusap-usap kami sa Maxx’s at doon naming nalaman na alien shifter si Sky at isang alien din ang tunay na nanay ni Shynne. Kita ko rin ang kakaibang mukha ni Azumi. May itinatago sya at ganoon din si Makoto na sobra ang panggamba.
Gusto kong malaman ang mga katauhan nila pero hindi ko naman pwedeng i-invade ang privacy nila.
Sa huli pinahawak sa amin ni Ruru ang isang cube. Alam kong dito na ito magtatapos. Nawala si Ruru at biglang umiyak si Shynne at nanghimatay. Si Sky din ay natumba sa pagkakaupo at napasubsub naman si Azumi matapos sabihin na nawala na si Ruru.
Dinala naming sila sa ospital. Cool na cool pa rin ako sa kadahilanang masyado ng marami ang nag-aalala sa tatlo. Narito na kami ngayon sa ospital at kinakabahan talaga sila sa nangyari. Sino ba namang hindi, Nawala ang isang alien natumba ang tatlong kasama, sigurado akong kung anu-ano ng bagay ang tumatakbo sa isipan nilang anim.
“Pakiusap kumalma kayo. Magiging maayos ang lahat. Isa pa mga morphers tayo kaya nating ang kahit na ano.” Sinubukan ko silang kumbinsihin pero parang hindi sila nakukumbinsi.
Tumayo si Red at napatingin silang lahat. Kahit na si Hiroshi na walang paki-alam napatingin din.
“Malakas sila. Alam natin yan isa akong anime Morpher pero isa din akong alien. Kaya kong kontrolin ang apoy at sobrang layo ng planeta naming mula sa planetang sinasabi ng Andalite. Tingin ko hindi kayo basta-basta maniniwala pero sumama kayo sa labas at ipapakita ko sa inyo.” Isa rin syang alien?
Kaya naman pala pula ang mga mata nya. Kakaiba pero naniniwala ako sa kanya.
“Maiiwan ako dito. Naniniwala ako sa iyo, isa pa, sinabi ko rin naman kanina na kilala ko kayo. (^_^)” binigyan ako ni Red ng isang aksyon na nauunawan nya ako sa pamamagitan ng pagngiti.
BINABASA MO ANG
Animorphs Revolution (Book of Morphers)
Science FictionI Choose You. Isa ka sa napili kong gumanap dito sa aking pakikipaglaban. Ibigay mo sa akin ang impormasyon tungkol sa sarili mo. Name: Chosen Morph: Anime or animaL Attitude and appearance of your character: At humanda ka na sa Laban, adventure at...
